Irene: Hindi ako magiging ok.

Napabuntong hininga na lamang si Juls.

Juls: Edi hindi tayo aalis dito.

Maingay man ang paligid dahil sa ingay ng mga kotse na nagsisidaanan sa kalsada, damang dama nila ang katahimikan sa paligid.

Irene: Baliw.



--------------------------------------------------

SCENE 05

"Irene: Nakauwi ka na?"

Nakatayo si Juls sa harap ng kanilang bahay.

"Me: Kakauwi lang"

Pagkapindot niya ng send button ay hinarap na niya ang kanyang ulo patungo sa pinto ng kanilang bahay at kumatok ng tatlong beses.

Juls: Nakauwi na po ako. Dad?

Pagkalipas ng ilang segundo ng katahimikan, tumuloy na sya sa loob ng kanilang bahay. Una nyang nadaanan ang sala kung saan ay walang nakaupo dito. Lumingon siya sa likod at wala rin syang nakita sa kusina.

Ibinaba nya ang kanyang bag sa tabi ng kanilang set, at humiga doon.

Inilabas ni Juls ang kanyang cellphone at nakitang may bago itong message.

"Irene: Sige"

"Me: Kamusta dyan sa dorm mo?"

"Irene: Nasa bar ako ngayon. Sinama ako nung senior kong kadorm"

Napaupo si Juls.

"Me: Nag babar ka na ngayon? Iba ka na talaga haha"

"Irene: Pinagsisisihan ko nga na pumuta ako dito"

Mula sa kinauupuan ni Juls ay may narinig siyang ungol ng kotse malapit sa labas ng bahay nila. Agad siyang pumunta sa bintana at nasilip niyang iyon ay galing sa isang kotse na pumapasok sa kanilang bahay.

Lumaki ang mata ni Juls at agad na lumakad ng mabilis palabas ng bahay.

Paglabas naman niya ng bahay ay nakapasok na ang kotse sa loob. Lumalabas mula dito ang sakay nito

Juls: Dad! Ano nangyari? Bakit kayo lumabas ng bahay?

Dad: Wala. Nakipagkita lang ako sa mga kaibigan ko.

Patuloy na naglalakad ang kanyang tatay papasok sa bahay. Sinusundan naman siya ng kanyang anak. Tuwing magsasalita ang isa ay lumilingon ang tatay patungo sa kanyang anak.Juls: Kamusta naman po. Gusto niyo ng makakain? Tubig?

Dad: Kakakain ko lang kanina. Kamusta nga pala yung college mo?

Hindi agad nakasagot si Juls. Inintay muna niya makaupo silang dalawa sa sala.

Juls: A-ayun...

Dad: Balak ko sana mag out of town.

Napatingin si Juls sa kanyang tatay.

Dad: Medyo naging... alam mo na, mabigat ang buhay natin dito sa bahay nato.

Juls: Opo.

Mga ilang segundo din tumahimik.

Dad: Kaya mas ok siguro kung maguunwind muna ako, tuloy naman magcocollege ka na diba?

Juls: Sino naman po mga makakasama niyo sa out of town niyo. Saka ilang araw?

Dad: Yung mga dati kong kabarkada. Matagal na naming plano pumunta sa ibang bansa. Kaso nung mga nagkaroon kami ng sari sariling naming buhay, akala namin hindi na matutuloy iyon.Juls: Ibang bansa? Mga isang linggo po bale?

Until we're ready enoughOnde histórias criam vida. Descubra agora