Nanalaki ang mata ni Juls. Tumingin siya kay Irene at nanlalaki din ang mga mata nito.
Allen: Pero sabi nga natin, wag tayo judgemental diba. Baka masama lang talaga itsura nung may-ari pero ok naman pala ugali nya, kaya... Good Luck!
Papalakad si Mac mula sa kanyang kwarto. Suot na nya yung blue tshirt nila at yung bandana. Hawak din nya yung megaphone na hawak nya kahapon.
Mac: Ready na ko as always Allen!
Allen: Nice! Mac! Hindi mo ba sasamahan yung dalawa na to sa pagkausap ng may-ari ng bahay nato?
Mac: Hindi na! Sabi kasi ni Irene dito, *humarap sya ng nakangiti at mapangasar kay Irene*, kaya na daw nila ayusin yung dorm.
Allen: Ahhhh. Ganun ba. *Humarap sya kay Irene at Juls* Bale guys, maiwan na namin kayo. Paalam! Sama kayo mamaya ha kapag may time kayo.
Juls: Sige sige. Ingat din kayo.
Mac: Basta kapag nagbago isip ng ~isa~ dyan, nandun lang kami sa central park ha. Madali naman ako kausap. *wink*
At naglakad na ang dalawang aktibista palayo.
Sandaling nanahimik sila Irene at Juls. Nakababa na ang dalawang aktibista ng hagdan ngunit hindi parin sila gumagalaw.
Juls: Uhm... Kumain ka na ba?
Irene: Ewan... parang may naglalaro na kung ano man sa tyan ko.
--------------------------------------------------
SCENE 19
Nakaharap si Juls at Irene sa isang pintuan na may bakal na nakasulat "1A", same apartment building.
Irene: Hindi ko alam pero ayaw ko amoy ng lugar na to.
Juls: Kinakabahan ka ba?
Irene: Ako?! Bakit naman ako kakabahan? Bakit naman ako magpapadala sa sinasabi ni Mac?Juls: Natatakot din kasi ako.
Irene: *huminto siya sandali* ...Natatakot din ako. Pero ano magagawa natin, kung sakali naman, eto na yung huling beses na kakausapin natin yung may-ari ng apartment na to.Juls: Eh paano kapag bayaran na ng renta?
Hindi nakasagot si Irene. Imbes ay mabagal nyang inilagay ang kamao sa pinto. Mabagal nya iyong kinatok ng tatlong beses.
Irene: Ta--... *mahinang boses* Tao po
Ilang segundo sila naghintay ngunit wala silang narinig na kung ano mang pagbabago sa loob ng kwarto nayon?
Juls: Ako naman kakatok.
Mabagal na inangat ni Juls ang kanyang kamao sa pinto. Kinatok niya ito ng mabilis ng tatlong beses.
Walang nangyari. Pero pagkalipas ng dalawang segundo ay may narinig silang mga kaluskos sa loob ng kwarto nayon.
Tumayo ng direcho si Irene at Mac.
Pagkaraan ng ilang sandali ay mabagal na bumukas ang pinto.
Juls: Magandang tanghali po sir.
Isang lalaki na matangkad ang bumungad sa kanila. Puting puti ang kanyang kutis. Nakasuot sya ng black leather jacket at black cargo pants. Maamoy mo ang kakaibang amoy ng pabango mula sa kanya.
Ang pinakamalaking pamukaw ng atensyon na nakita nila Juls at Irene sa kanya ay una, ang kanyang malaking mata na may malaking eye bag, at pangalawa, ang kutsilyong hawak nya sa kanyang kaliwa.
Juls: He... Hello sir. Mag... aaply po sana ako sa dorm niyo...
Lalaki: Sino ka ba?
Juls: Si-sino po ako? Ahh... Ehh. Kaibigan po ako ni Mac, balak po sana namin--
Lalaki: *mejo may kabagalan* Si Mac. ba. kamo?
Juls: Opo sir.
Nung una ay hindi gumalaw ang nasabing lalaki, ngunit tumawa sya ng mahina. Tumawa sya ng tumawa. Papalakas ng papalakas. Bawat tawa nya ay may bwelo syang ginagawa. Bawat dulo ng tawa nya ay numinipis, tila para bang humihiwa sa tenga.
Lalaki: Pasok. Kayo.
Juls: Sir?
Lalaki: Pasok. Kayo. Bili.
Tumingin si Juls kay Irene. Umiiling sya ng kakaunti habang nakatingin kay Juls. Binalik nya ang mga mata sa lalaki sa loob ng Room 1A. Nakangiti ito ngunit para bang ang tigas ng kanyang mga mata, bilog na bilog.
Lalaki: Tara. Pag-usapan natin. Sa loob.
Hindi agad nagsalita si Juls at tumingin ulit sya kay Irene. Umiiling parin ito.
Juls: Ok lang po sir, dito na lang po sa labas.
Lalaki: Hinde. *sandaling siyang tumawa, nakakatakot*. Dito tayo sa loob. Ayaw ko sa labas. Kung sino sino. Tumitingin. Sa akin.
Juls: Si-sige sir. Kung iyan po gusto niyo. *humarap kay Irene* Irene, maguusap lang kami saglit ha. Pakisabi na lang kay Mac na kausap ko ngayon si Mr...
Lalaki: Kira.
Juls: Si Mr.Kira.
Mas mabilis na umiiling si Irene pero ngumiti na lang si Juls at itinaas-baba ang balikat.
Lalaki: Halika. Mag-usap. Tayo. Sa. Loob. Ha. Ha.
Hinawakan ng lalaki si Juls sa balikat. Dumiretso ng tayo si Juls.
Lalaki: Halika na. Matagal na akong. Hindi nakakakita. Ng tao.
Nakangiti si Juls na humarap kay Irene at ibinulong niya sa kanya...
Juls: Bye Irene. Puntahan mo agad si--
Sumarado ang pinto bago pa man natapos ni Juls ang gusto nyang sabihin.
Nanginginig si Irene. Pinagpapawisan. Mabibigat ang malalalim ang kanyang mga hinga.
DU LIEST GERADE
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
Script 1 - 6
Beginne am Anfang
