Mac: Diba sasamahan ko kayo makipagusap sa may ari ng apartment na to? Patas lang kung hihingi din ako ng tulong sa inyo.

Irene: Sabihin mo nalang kung nasaan yung may-ari ng apartment na to, kami na bahala makipag-usap sa kanya.

Mac: Hindi nyo ko tutulungan?

Irene: Hindi.

Mac: Ahhhhh. *tumalikod siya kay Irene* Sige, kayo bahala.

Irene: Saan nga siya nakatira? Meron ba syang phone number? Akin na.

Mac: Hahaha...

Huminto sandali si Mac. Nakatingin at naghihintay sa sagot si Irene.

Mac: Dun sa baba. Yung room na pinakamalayo sa hagdanan sa kaliwa. Room 1A.

Nakatingin ng matalim at direcho si Irene sa mga mata ni Mac. Tanaw ni Irene ang mapang hamak na ngiti nya.

Irene: Juls... Halika na't may aayusin pa tayo.

Juls: Pero...

Irene: Halika na Juls!

Panandaliang hindi gumalaw si Juls, nakatingin siya kay Mac na hanggang ngayon ay nakapamewang at nakangiting nakaharap kay Irene.

Nagkamot ng ulo si Juls bago inilapag ang kaliwang kamay sa balikat ni Mac. Hindi tuminag si Mac.

Juls: Pasensya na bro. Hindi ko mapipilit si Irene, masyado rin kasi yang pinaplano mo eh. Sorry talaga.

Naglakad si Juls papunta kay Irene. Tumalikod silang dalawa kay Mac at naglakad papunta sa pinto.

Humarap si Juls kay Mac.

Juls: Mamaya na lang. Sabihan mo ako kapag pupunta ka ng rally ha. Samahan kita.Pagbukas ni Irene ng pintuan ay bumungad sa kanila si Allen na nakatayo sa labas.

Allen: Hi guys. Juls at Irene. *sumilip sya likod nilang dalawa* Mac!

Humawi si Irene at Juls sa harap ni Allen at Mac.

Allen: Pupunta ka ba sa rally mamaya? Malapit na kasi magsimula yung assembly.

Hindi nagsalita si Mac. Wala na rin yung mapagyabang na ngiti nya kanina.

Allen: May problema ba? Nag-aalala sayo si Georgia--

Mac: Pupunta ako! May inayos lang ako saglit dito... Pupunta ako.

Allen: Edi bilisan mo! First time mo malalate sa assembly kung sakali!

Mac: Sige sige!

Mula doon ay umalis si Mac sa kanyang kinatatayuan at nagpunta sa kanyang kwarto.

Allen: Irene, Juls, sasama ba kayo mamaya ulit sa rally?

Irene: *mahinang boses* Mag... aayos kasi kami... ng apartment.

Juls: Aayusin pa kasi namin yung dorm ko dito, di pa namin nakakausap yung may-ari.

Nanlaki ang mata ni Allen.

Allen: HALA! Yung may-ari ng apartment? Kakausapin nyo ng kayo lang?

Juls: Bakit? *medyo mahina* Nakakatakot ba talaga yung may-ari ng dorm na to?

Allen: Kasi... ewan. Kayo bahala, baka kaya nyo naman pakiusapan.

Juls: Nakita mo na ba yung tao na yon?

Allen: Oo. Kasama ko nun si Mac nung kinausap niya yung may-ari ng apartment na to. *pabulong* Akala ko nung una hindi na kami makakalabas sa kwarto na yon ng buhay.

Until we're ready enoughDonde viven las historias. Descúbrelo ahora