Juls: Si Allen... saka yung kasama nyang babae. Sabi niya tuloy daw yung rally mamayang 1 PM.Mac: Iyon lang daw?
Juls: Oo... Bakit?
Mac: Wala. Wala...
Inilagay ni Mac ang pareho nyang kamay sa bewang, bumaba ng level ang kanyang ulo at parang bumigat ang paghinga. Nakatingin siya sa sahig.
Juls: Uhm... siya ba si Georgia?
Nag-antay si Juls ng sagot pero hindi umimik si Mac.
Juls: Sasama ka ba sa rally mamaya?
Wala paring sagot.
--------------------------------------------------
SCENE 18
Sa apartment nila Juls at Mac, sa may hagdan paakyat ng second floor. Umaakyat dito sila Juls at Irene.
Irene: Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan kung ano nangyari kanina.
Juls: Naligaw ka no?
Irene: Hindi naligaw. Kabisado ko na yung ilang mga kalye dito eh, pero hindi ko talaga alam kung bakit parang nakakalimutan ko yung papasok sa kalye na to.
Juls: Bakit ka malilito, diba nung sinundo kita, ilang liko lang naman ginawa natin tapos ayun, tanaw mo na sa malayo yung bahay na to.
Irene: *buntong hininga* Hindi ko talaga alam.
Juls: Totoo pa ata yung kinwento sakin ni Mac kahapon.
Irene: Teka lang. Oo nga pala. Nasaan nga pala yung Mac na yun, diba sabi niya tutulungan ka nya makipagusap sa may ari ng bahay na to?
Juls: Ayun lang. Ehhhh kasi may nangyari kanina.
Irene: Ano?
Juls: Bumisita yung ex ni Mac kanina. Mula kanina, parang nawalan na ng gana mabuhay si Mac. Hindi nga nya sinamahan kumain.
Irene: Ha? Ganun lang kababaw?
Sa paglalakad nila ay nakarating sila pintuan ng dorm room ni Juls. Pagbukas ng pintuan ay napatakip si Irene ng ilong.
Irene: Hanggang ngayon ba hindi nyo parin nililinis yung mga kalat dyan kahapon?Nakangiting nagkakamot ng ulo si Juls.
Juls: Sorry na, napasarap kasi kwentuhan namin kahapon ni Mac, saka nilibot ko yung buong dorm kahapon kaya...
Nilagay ni Irene ang kanyang kamay sa kanyang ulo. Nagbuntong hininga siya.Irene: Nasaan na si Mac? Ayusin muna natin yung tungkol sa may-ari ng apartment na to.Juls: Wait lang.
Iniwan ni Juls si Irene upang magpunta sa kwarto ni Mac.
Malaunan dahil sa paghihintay ay naglaro na ang mga mata ni Irene at kung saan saan na ito inilibot sa buong bahay.
Mac: AYON! MAY NAISIP NA AKO!
Biglang napatalikod si Irene at nakita nya ang humihingal na Mac na papatakbo sa labas ng kanyang kwarto.
Mac: IKAW! *nakaturo kay Irene* GIRLFRIEND!
Irene: Ha?
Naglakad ng mabilis si Mac papunta kay Irene. Nasa likod naman ni Mac si Juls, parang may binubulong si Juls kay Mac pero silang dalawa lang ang nagkakarinigan nito... o baka si Juls lang.
Mac: Magpanggap ka na girlfriend ko please?! Ngayong araw lang. Samahan mo ako mamaya sa rally.
Irene: HA? Nababaliw ka na ba?
VOCÊ ESTÁ LENDO
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
Script 1 - 6
Começar do início
