Juls: Buti naman!

Humarap si Juls kay Irene.

Juls: Pareho na tayong reserved passers!

Irene: Ayos! *kaunting ngiti* Mabuti para sayo.

Allen: So uhm, sasama na ba kayo sa group naming Makabayan?

Tumingin sa itaas si Juls habang nagkakamot ng ulo. Tumingin naman sa gilid si Irene.

Allen: Ayaw niyong sumali sa mga kapawa namin Makabayan? Tandaan niyo! Walang magtatanggol sa naapi kung walang matapang na sisigaw para sa karapatan at kapakanan niya!

Juls: Hindi naman sa ayaw namin, pero...

Tumingin si Juls kay Irene at nakita niyang iniiling nito ang kanyang ulo.

Juls: Uhm... Siguro next year... o next next...

Allen: AYUN! SIGE NEXT YEAR HA SALI KAYO SA AMIN! Masaya sa group namin!

Juls: Sige sige. Haha

Hinampas ni Irene ang balikat ni Juls. Napaaray siya saglit.

Allen: Si Mac? Kamusta na?

Juls: Ayun. Nagkukulong parin sa kwarto.

Allen: Hay nako. Iyun nga pala yung bad news. Umalis na si Gia.

Juls: Ay ganon?

Allen: At umamin din ako ng nararamdaman sa kanya.

Juls: ANO?!

Allen: Pero tinawanan lang nya ako.

Juls: Sorry...

Allen: At hinalikan niya ako sa pisngi.

Juls at Irene: ANO?!

Allen: Saka sabi niya, alagaan ko daw si Mac.

Juls: Grabe pala si Georgia.

Allen: Kaya nga nahulog ako sa kanya. Napakaganda na. Napakatalented pa. Napakabait pa. Napakasaya pang kasama.

Juls: Oo oo.

Kinurot ni Irene ang tshirt sa likod ni Juls at tila ba hinihila niya ito. Iniikot ni Juls ang kanyang ulo paharap kay Irene.

Nabasa ni Juls sa bibig ni Irene: Alis na tayo. *walang boses*

Ngunit hindi sila nakaalis dahil ikekwento muna ni Allen ang lahat ng mga pagsasama nila ni Georgia, sa kung saan sila unang nagkita, paano sila nagkasama, kung paano sila naging magkaibigan at sa kung paano siya inagaw ni Mac mula sa kanya.

Umo-oo lang naman si Juls nung buong oras na yun.

Nakalagay ang kamay ni Irene sa kanyang ulo habang umiiling.

Para bang isang oras sila tumayo sa gilid ng kalsada na iyon.



--------------------------------------------------

SCENE 25

Sa dorm room ni Mac at Juls. Biglang bumukas ang pintuan papasok sa kwarto.

Irene: MAAAC! PUTANG INA PAANO KA NAKAPASA NG AEROSPACE ENGINEERING?

Juls: Huy Irene, hinay hinay lang sa pagmumura.

Mabilis na pumasok si Irene papunta sa sala, inililibot nya ang kanyang ulo sa paligid ng lugar. Sa kanyang likod naman ay nakasunod si Juls na bahagyang nakataas ang mga kamay.Nung hindi nakita ni Irene si Mac sa sala ay dumiretso siya sa silid tulugan. Hindi nakaloc ang pintuan ng kwarto nya kaya't mabilis niya iyon binuksan.

Irene: Wala dito si Mac?

Juls: Talaga? Lumabas si Mac?

Nakita nalang nakaayos ang kwarto ni Mac at walang tao dito.

Irene: Saan sya nagpunta?

Biglang kumalampag ang pintuan ng kwarto papasok sa sala kaya't humarap doon si Irene at Juls. Mabilis na nagpunta si Irene papuntang sala, na sinundan naman ni Juls.

Irene: HOY MAC! PAANO MO DINAYA--

Isang lalaki at isang babae.

Sa pananaw ni Irene ay kilala niya ang dalawang mukhang ito.

Mac: Hi Guys! Meet my new girlfriend!

Dumiretso ng tayo ang kasama nyang babae. Ang babaeng iyon ay may suot na pale white dress na may mga litrato ng bulaklak. Maliit at halos hanggang dibdib lang siya ni Mac. Mahaba at diretso ang kanyang buhok na bumababa hanggang sa kanyang bewang.

Babae: Ha? *may kahinaan*

Tumingin ang babae kay Mac.

Juls: Mac?!

Irene: Louise?!

Mac: Irene?! Magkakilala talaga kayo?!

Louise: Irene? Kakilala mo talaga si Mac?!

Until we're ready enoughWhere stories live. Discover now