Irene: Ano nang nangyari kay Mac?

Juls: Ayun, isang linggo nang hindi lumalabas ng kanyang kwarto.

Irene: Walang bumibisita sa kanya?

Juls: Minsan, binibisita ko sya, pero hindi sya umaalis ng higaan.

Irene: Tinatabihan mo parin sya sa pagtulog?

Juls: Nung isang gabi. Pero pagkatapos nun, sa sala na muna ako natutulog. Nalulungkot nga ako't napakatahimik sa dorm.

Irene: Hay nako. Kaya ayaw ko muna magkaroon ng mga syota syota eh.

Juls: Hindi naman sila nagbreak dahil nag-away sila eh...

Tiningnan ni Irene si Juls.

Irene: Bulag ka ba?

Juls: I mean, nag-away sila sa isang bagay na hindi nila napag-usapan ng maayos.

Irene: Ano ba pinagkaiba nun sa ibang away?

Juls: Sa tingin mo mangyayari din sa atin yun?

Irene: Yung alin? Mag-away ng ganon?

Juls: Kasi diba, napakaclose at halos napakaperfect nilang magkasama ni Gia at Mac, pero hindi nila alam, nagkakasamaan na pala sila ng loob.

Irene: Sus. Saan ko naman kukunin yung galit ko sayo?

Juls: Oo nga. Wala din naman akong kinaiinisan sayo.

Irene: Wag mo isipin yung. Hindi tayo mag-aaway ng ganun... Sana.

Juls: Magtitiis ka ba? O magtutulak ka ng pagbabago? Kapag halimbawa, may di ka gusto.

Irene: Hindi ako magaling sa mga ganyang topic, kaya wag mo akong tinatanong ng ganyan

Juls: Eh halimbawa na lang, may ugali ako na ayaw mo. Pipilitin mo ba ako magbago o titiisin mo na ganto ugali ko?

Tumingin sa kanya sa Irene, nagkatitigan silang dalawa. Unang bumaling ng tingin si Irene at humarap ulit sa daanan.

Irene: Maganda sana kung maitutulak kita palayo dun sa ugali na yun. Kaso madalas hindi ganun ang nangyayari.

Juls: Kaya titiisin mo na lang yung ugali ko hanggang sumabog ka na lang?

Irene: Iba iba kasi ang sitwasyon. Minsan, isang tao lang ang kailangan mo para magbago ka. Minsan, grupo ng magkakaibang tao pala. Minsan, sarili mo lang ang kailangan mo.

Juls: Sa bagay.

Irene: Pero hindi ko parin alam. Basta alam ko hindi ko kontrolado isip ng isang tao. *buntong hininga* Minsan nga mas madali pa sakin awayin yung isang tao kaysa kausapin siya ng matino.

May tumawag bigla sa kanilang dalawa, mula sa kanilang harap. Nakita nilang si Allen iyon at kumakaway ito sa kanila.

Juls: Uy Allen!

Allen: Nabalitaan mo na ba?

Juls: Ang alin?

Allen: Good News at Bad News?

Sabay na nagsalita ng "Good News" at "Bad News" sila Juls at Irene.

Allen: Uhm... Good News muna. Naglabas na ng bagong listahan of passers of Gran State U!Juls: Talaga? Seryoso?!

Mababakas mo sa mukha nilang lahat, sa kanikanilang paraan, ang galak sa balita na iyon.Allen: Oo! Di ba kayo nag online kahapon? Kahapon pa balita yun eh!

Juls: Nakapasa kaya ako ng eskwelahan?

Allen: Basta andun yung pangalan mo sa pinakita naming listahan, andun ka tiyak sa bagong listahan ng passers.

Until we're ready enoughWhere stories live. Discover now