Nanahimik ang buong kwarto.

May gumuguhit na luha mula sa mga mata ni Gia.

Gia: Bakit ganun kabilis?

Mac: Diba iyun yung gusto mo? Umalis ka na walang para bang walang nangyari?

Gia: Hin... *pinunasan niya yung kanyang kanang pisngi* Bakit ganyan ka mag-isip?

Mac: Ano ba kasi ang gusto mo mangyari?

Gia: Siguro...

Huminto sya ng ilang segundo, tumingin siya sa mga mata ni Mac.

Gia: Siguro, gusto kong makita na pinipigilan mo ako umalis. O kaya, kahit maliit lang na concern mula sayo...

Mac: Paano?

Gia: Mac? Paanong pano? Hindi mo ba ako minahal? Bakit parang tinutulak mo ako palayo?Nakatingin ng diretso si Mac kay Gia, hindi sya makapagsalita. Tumingin siya kay Juls at nagkatitigan sila ng mata.

Mac: Minahal kita Gia.

Nakatingin parin si Mac kay Juls habang nagsasalita.

Mac: Naging masaya ako sa lahat ng ginawa natin. Sa isang taon na magkasama tayo, piling ko walang araw ang nasayang...

Binalik niya ang kanyang mata kay Gia, namumula parin ang mga mata nito.

Mac: Hindi ko alam kung saan ko pa mas magandang nailaan ang oras ko nun bukod sa mga pagsama sayo. Hindi ako mahilig sa arts, o sa mga karapatan ng mga kung sino man, o sa pagiging vegetarian mo. Pero naging masaya ako sa pagsama sayo, sa pag-gawa mo ng mga kung ano ano mang mga bagay na yun...

Gia: *naghahalo ang kaklungkutan at ngiti sa kanyang bibig* T-talaga?

Mac: Pero... Kung gaano ko kamahal ang mga magagandang bagay sa atin, ganoon ko rin katagal ininda yung mga ayaw na bagay ko sayo.

Yumukod at naupo ng parang bata si Mac, nakatingin siya sa mga tuhod ng kausap nya.

Mac: Minahal ko yung mga magagandang bagay sa atin. Pero sorry, hindi ko rin kayang mahalin yung mga pangit na bagay sa pagitan natin. Sa tingin ko, kahit na gaano man tayo maging masaya, papalalalain lang nito yung magiging epekto nito sa atin kapag nag-away tayo.

Binalik niya ang kanyang tingin kay Gia.

Mac: Nalulunod ako sayo Gia. Sorry. Kaya, please, break na tayo. Para din to sa ikabubuti ng lahat.

Gia: Gaano katagal mo nang nararamdaman yan?

Mac: Matagal na.

Gia: Bakit hindi mo sinasabi sa akin?

Mac: Hindi ko alam. Nawalan na lang ako ng interes.

Gia: Kaya ba nanlalamig ka na lang sa akin nung mga nakaraan at ngayon?

Mac: Siguro. Oo. Hindi ko alam.

Gia: Naiinis ako ngayon sayo.

Mac: Juls! Sabihin mo nga sa kanilang lahat umalis na muna ngayon! Kailangan ko muna mag-isa.



--------------------------------------------------

SCENE 24

Isang mataong kalye. Sa kaliwa ay may mga nakahalayhay na mga gulay, sa kanan naman ay may mga prutas. Sa harapan nila ay makikita mo ang sari saring mga tindahan ng mga pagkain at rekados. Sa gitna ay naglalakad si Mac na may hawak na bayong. Katabi niya sa kanan si Irene na may hawak na plastic bag.

Until we're ready enoughWhere stories live. Discover now