Pero maghihintay ako.. Aasa ako.. Alam kong mahal ako ni Lorenz.. Mahal na mahal ko din siya.. And sana maappreciate nia 'tong mga ginagawa ko.. Kasi aminin ko man at hinde, nagdecide akong dito na magstay, kasi umaasa akong magkaka-ayos kami the moment na bumalik siya dito.. Yeah, pathetic na kung pathetic..

Lorenzo's POV..

Sem break na.. Nairaos ko naman nang hindi ako nahihirapan.. Sobrang laki ng naitulong saken ni Ria.. Siya yung kumausap sa may-ari nung resto na napasukan ko.. Hindi sila tumatanggap ng part-timer, pero malakas ang karisma ni Ria.. It helps na suki na siya nitong resto and naging ka-close nia na rin yung may-ari.. Kaya madali niang napaki-usapan na tanggapin ako..

And here's what, naging kami ni Ria.. I mean, why not.. She's beautiful, smart, mabait.. I think she's all that I need.. Pero hindi naging madali yun.. Niligawan ko siya.. She admitted na gusto nia ako.. Pero gusto nia, ligawan ko pa din siya.. Kulet di ba..? Pero masaya kami.. Halos araw-araw magkasama kami.. Madalas, pag wala yung mga ka-share ko sa dorm, nagagawa naming makapasok siya sa loob..

Si Denise..? Wala na siya sa sistema ko.. Galit ba ako sa kania? No! Kung hindi nia ginawa saken yun, baka hindi ako nagkaroon ng chance na makilala si Ria.. Yeah, we may be studying in the same school now, pero kung hindi kami nagkasira ni Denise, baka hindi ko rin mapapansin 'to si Ria..

One time, naglalakad kami sa Pili drive.. Yeah, palagi kaming naglalakad dito.. Mula CEAT building hanggang sa IRRI (International Rice Research Institute).. Tas pag dating sa dulo, magkakape lang.. Tas lalakad na ulet pabalik..

"Mahal, gusto ko sanang sumali ng frat.." sabi ko..

"No!" mabilis na sagot nia..

"Why not?"

"Kasi ayoko.. Sumali ka na lang sa mga org ng agri.. Pero wag sa mga fraternity.."

"Please.."

"Bakit ba gusto mong sumali dun..?"

"Para makatakbo ng nakahubo't hubad.." sabi ko..

"Baliw.. Para lang dun, sasali ka pa..? Mamaya, puntahan kita sa room mo, magtatakbo ka, naked.." sabi nia..

"Sige na please.."

"No.. Kung yun lang yung reason mo, para lang makatakbo ng nakahubad, wag na.. Hindi kita ishe-share sa iba 'no.."

"Ok sige, hindi na ko tatakbo.. Pero sasali pa rin ako..?"

"A-YO-KO.."

So ayun nga 'no.. Hindi ako sumali.. Hehe.. Sungit e..

Ewan ko, pero para saken, isa sa pinkamagandang lugar na yata sa buong mundo 'tong Pili drive.. I mean, hindi nakakasawa yung view.. Mula sa isang dulo papunta sa kabilang dulo.. At pabalik.. Isa-isang binibilang ang mga puno.. Magkahawak kamay.. Nagtatawanan.. Nagkekwentuhan.. Hanggang mawala na ulit sa bilang.. Ayos lang.. Ang mahalaga, kasama ko ang pinaka-maganda, pinakamalambing, pinaka-smart at pinakamamahal kong babae.. Pinagmamasdan ang maamo niang mukha na sinisilayan ng gintong sinag ng papalubog na araw..

One afternoon.. Nakatambay kami sa ilalim ng puno somewhere sa freedom park..

"Uuwi ka sa inio..?" tanong nia..

"Hinde.. Magtatrabaho ako.. Kailangan kong makaipon.. Buti nga pinayagan ako ni Ma'am Jenna na magfull-time e.. Susulitin ko muna.." sagot ko..

"Ok.. Ayusin mo dun ha.. Behave.. Baka nambababae ka ha.."

"Wow! Itsura kong 'to.. Ang pangit-panget ko e.."

"Ewan ko sayo.. Bakit ba lagi mong sinasabi yan..? Ang gwapo-gwapo mo e.."

Crush Mo Mukha Mo.. Where stories live. Discover now