Sa isang banda, masaya siya. Mas mabilis kalimutan ang mga issue nila ni Davide kung nandiyan lang ito sa kanyang tabi at masaya sila. Magaang kausap ang lalaki at madaming kuwento at input tungkol sa kung ano-ano. Kapag hindi nila kausap ang lola nito ay pinag-uusapan nila ang mga posibilidad na puwede niyang gawin sa farm, maging sa career na gusto niyang tahakin pagdating ng panahon. Ang sabi ng lalaki, kung gusto niyang magtrabaho sa kompanya ay walang problema rito.

Ang maisip na papasok din siya sa kompanyang hinahawakan ng asawa ay masarap isipin, iyong panahong accomplished na siya at hindi nakakahiyang pumapel dahil alam niya ang gagawin. Pero kapag naiisip niya ang buhay nilang magkasama, parang mas gusto niya ang maging stereotype na asawa na kahit may career ay mas naka-focus sa pamilya. Parang hindi niya makita ang sariling hindi nag-aalaga sa mga bata. Siguro, kung malalaki na ang mga ito pero ang ipagkatiwala sa isang yaya ang magiging anak nila ni Davide? Parang hindi niya kayang gawin.

Masyado yatang advanced ang kanyang iniisip pero hindi niya maiwasan, lalo na at napag-usapan nila ni Davide kung ano ang ipapangalan sa kanilang magiging anak at kung ilan. Hindi lang isa ang sabi ni Davide, kundi "as many as you want." Sa totoo lang, gusto niya ng tatlong anak. Minimum of two. Mas maganda kung triplets para isang anakan na lang. Nang sabihin niya iyon kay Davide ay humalakhak ang lalaki at sinabing gagawin nito ang lahat para makabuo sila ng triplets.

Masaya silang mag-asawa nitong nakaraang ilang araw. May hinala siyang magpapatuloy iyon kahit na magpaalam na ang lola nito. Sa ngayon, hindi pa sinasabi ng matanda kung hanggang kailan ito sa bahay nila. Walang kaso kahit doon na ito tumira dahil kasundo niya ito at mukhang paborito rin siya.

"What a lovely morning."

Napatingin sila kay Mama Concha. Para itong a-attend ng morning party sa suot. Nag-shopping sila kahapon at napakadami nitong biniling damit para sa kanya. Kailangan daw niyang i-overhaul ang wardrobe at tutulungan siya nito.

"It's so nice to see you two love birds." Hinagkan sila ng matanda, saka pumuwesto. "I've been enjoying my stay and I wish I can stay longer but my husband called me and told me he misses me."

May kung anong lungkot na nakapa si Agwee sa dibdib, kasabay ng kung anong kaba. Hindi kaya ay magbago rin si Davide kapag umalis na ang matanda? Hindi naman siguro. Hindi lang niya maiwasang isipin.

"Why don't you tell him to come join you here, Mama?" si Davide.

"Don't be silly. You know how cranky he gets when he travels long haul. Kahit sa first class mo ilagay, mainit pa rin ang ulo. He will only stress me out. I will, however, make sure that he's here on your church wedding. Kailan ko ba puwedeng asahan?"

Napatingin si Agwee kay Davide na nakatingin din sa kanya. Ngumiti ito sa matanda. "We'll have to talk about it, Mama. Ngayon ang first day of classes ni Aguida. I have a lot on my plate as well. But we'll let you know."

Naisip ni Agwee na para siyang timang na nalungkot sa sinabi ni Davide. Totoo lang naman ang lahat ng iyon, kaya bakit siya malulungkot? So what kung hindi sila ikakasal agad sa simbahan? Mas gusto ba niyang maikasal sila na tulad noong una na sapilitan o mas gusto niyang magkasundo muna sila at maplantsa ang mga gusot bago sumuuong sa panibagong kasal? Isa pa, anu't anuman, mas maiging wala munang church wedding dahil sa pagkakaalam niya ay mas mahirap kumuha ng annulment sa simbahan. Hindi sa pinapanguhan niya ang lahat, pero hindi ba at iyon ang unang usapan? Ilang araw lang siyang naging halos totoong asawa, agad-agad na naman ay gusto niyang mag-level up.

Mukhang nakuntento na rin sa sagot ni Davide si Mama Concha. Bago siya ihatid ng driver sa eskuwelahan ay nagpaalaman sila ng matanda. Bumiyahe na sila ng driver. Nalimot niya ang lahat ng isipin pagpasok sa school. Halos nalimutan na niya ang pakiramdam na ganoon, ang unang araw ng klase.

Ibang-iba ang karanasan ngayon at bago sa kanya. Ngayon lang siya magka-college. Mayroong freshman orientation na ginanap sa gym, matapos iyon ay sinunod na niya ang schedule. Lima ang subjects niya para sa araw na iyon, mula alas-nuebe hanggang alas-kuwatro. Dahil regular student ay mayroon siyang block. Sa block na iyon, salamat at mayroong tatlong kaedad niya. Siguro, pare-pareho silang naghahanap ng kaedad kaya magkakasama silang nag-lunch. Apat sila sa grupo, tatlong babae at isang lalaki. May anak na ang tatlo, pero hiwalay sa asawa ang dalawa, habang ang lalaki ay hindi daw kasal. Mukhang sosyal ang mga ito. Kanya-kanya sila ng dahilan kung bakit nahuli sa pag-aaral. Ang mga babae ay maagang nabuntis, habang ang lalaki naman ay umaming dating bulakbol.

Nang matapos ang huling subject ay nagpaalam na rin siya sa mga bagong kaibigan, masaya ang pakiramdam. Matagal na mula nang makaramdam siya ng sense of accomplishment. Umuwi na sila ng driver. May lungkot na humaplos sa puso niya na wala na si Mama Conch.

Tumuloy na lang siya sa silid at natigilan nang mapansing wala na ang mga gamit ni Davide doon. Para siyang nanakawan sa nadamang pagpa-panic. Agad niyang tinawagan ang kasambahay sa intercom na agad namang dumating.

"Nasaan ang gamit ni Davide?"

"Ay, Ma'am, pinadala na ni Sir sa kuwarto niya. Ibabalik ko po ba dito?"

Oo, pakibalik mo lahat. Kaya mo bang gawin? Kasi parang nagbago na naman, at hindi pa ako handa. Bakit hindi niya sinabi sa akin na pati itong setup namin ay magbabago kapag wala na si Mama Concha? Hindi ba puwedeng tingnan man lang niya kung uubra? Hindi ba puwedeng subukan namin?

"Ma'am?"

"No, hindi na. Salamat."

Nang wala na ang kasambahay ay pinigilan niya ang sariling umiyak. Bakit? Ilang araw lang na masaya siya, tinodo niya na agad ang pagpapantasya. Kasalanan niya. Masyado siyang tanga. Pero yaman din lang at nandoon na siya, bakit hindi niya hintayin ang pag-uwi ni Davide? Baka sakaling babalik din ito sa kanyang silid. Baka ang laptop lang ang gusto nitong ibalik sa sariling silid. Baka nagkamali lang ang kasambahay.

Pero inabot siya ng alas-dose sa paghihintay, hindi umuwi si Davide. Wala itong tawag, walang text message. Asshole.

____

Bituinan mo na. Mag-comment ka na rin para mabasa ng algorithm ng Wattpad para madaming tulad mong makabasa. Sagad mo na rin, like mo FB page ko: facebook.com/vanessachubby

Gods of Halcon 1: Davide Castillejo - COMPLETEDove le storie prendono vita. Scoprilo ora