Serendipity 9

16 5 0
                                    


Miss na kita, Monday






Maaga akong bumangon at inayos ang sarili. Kagabi bago ako matulog, na-receive ko ang message ni Reese. Inaaya niya akong samahan siya magclose ng deal. Kailangan niya daw ng lucky charm, at ako iyon.

"Hey?" sabi ko pagkasagot ng tawag.

"Kianaaaaaaaa!" sigaw niya kaya mabilis kong nailayo ang cellphone sa tainga ko.

"Stop shouting. You witch!" panuway ko.

"Heh, I am not a witch, duh."

"Oo na. Ano bang kailangan mo? Inabala mo ang pagpapahinga ko."

"I have client tomorrow and I really really need to close the deal bessy!"

"And so? Anong connect nun sa pagtawag mo?" taka ko.

"Of course may connection iyon. It means you need to help me." sabi niya at napabuntong hinga, "Ayaw ko pang mawalan ng trabaho, please help me. I need my lucky charm."

I rolled my eyes out of nowhere, "Ok fine. I don't have sched. Lucky you. Pick me up."

Malakas siyang tumawa sa kabilang linya, "Great! Please 9:00am sharp. Night bessy!"

Nagsuot ako ng off-shoulder maroon croptop and maong pants. I used my silver stilettoes and my new silver sling bag. Maroon matte din ang lipstick na ginamit ko to match my OOTD. I double check myself before living the house.

Walang tao sa bahay maliban sa mga kasambahay at kay Manong Ramon. May feeding program today sa park ang mga bata kaya nandun si mama for volunteer while Khal is an accountancy student at UST.

"Maria may pupuntahan kami ni Reese kaya aalis ako. Pakilinis din ng room ko. Thanks. Bye!" pagpapaalam ko kay Maria na tumango naman.

Pagkalabas ko, naghihintay na si Reese sa kotse niya. Nakababa ang bintana kaya sumilip ako dito.

Sinenyasan niya na akong pumasok. Kinabit ko ang seatbelt at maayos na pinatong ang bag sa lap ko.

Mabilis niyang pinaandar ang kotse hanggang sa makarating kami sa SM Megamall. Medyo natagalan kami sa pagpark kasi sobrang daming tao ngayon kahit Monday- teka Monday?

"Oh my god!" wala sa sarili kong sabi.
Napatigil si Reese sa paglalakad at tumingin sa akin, "Why?"

Taranta akong napahanap sa sling bag ko ng sunglasses. Nang mahawakan ko ito ay agad ko itong nilabas at sinuot. Inayos ko ito ng mabuti para hindi ako makilala.

"Hala sorry. Nakalimutan ko." nagulat niyang sabi at tumingin-tingin sa paligid.

Ngumiti ako sa kanya at pinakalma siya. Minsan minsan ay napapatingin pa din siya sa paligid na parang akala mo may sumusunod sa kanya kaya hindi ko naiwasang matawa sa inaakto niya. Mukha siyang loka-loka.
Hahaha!

Dumiretso kami sa starbucks. Pumwesto kami sa malapit sa bintana. Binaba ko ang bag ko sa tabing upuan ko at kinuha ang cellphone para magtext kay mama at Khal.

To: Mama,
Ma, kasama ko si Reese dito sa megamall ha. Di ko sure kung ano pong oras ako makakauwi. Kamusta ka na po diyan? What time matatapos iyan? Ingat ka po sa pag-uwi.

SENT!

To: Khal panget,
Hoy umuwi ka ng maaga at wag ka ng gumala pa. Panget mo bleh!

SENT!

Nilapag ko ang cellphone ko pagkatapos magtext. Napatingin ako kay Reese na parang matatae dahil hindi siya mapakali. Tinapik ko ang kamay niya na nanginginig pero agad din siyang ngumiti. Kita ko naman doon ang pagpigil niya sa kaba na nararamdaman niya.

In A Midst Of Serendipity (On-going)Where stories live. Discover now