Serendipity 5

22 13 0
                                    

No More Explanations



Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari yung nagpunta kami ng bar. Tatlong araw na din akong kinukulit ni Monday dahil hindi ko siya pinapansin. Actually, pareho sila ni Khal na hindi ko pinapansin. Kaya laging si Scarlet ang kasama ko tuwing nagma-mall kami.

Kahapon nga nag-jogging kami ni Scarlet tapos nagulat na lang kami na nasa likod na namin yung dalawang lalake. Kakaway-kaway pa at halatang nang-aasar. Hanggang sa naisipan namin ni Scarlet na iprank sila.

Nag-jog kami hanggang nakarating kami sa park. Sakto namang may mga naglalaro ng basketball sa may court at meron ding nakaupo sa bench.

Pumwesto kami ni Scarlet malapit sa may bench ng court. Huminto din sa pag-jog si Monday at Khal. Umupo sila malapit sa bench namin, hinihingal.

Nagpupunas kami ni Scarlet ng pawis ng may lumapit na limang lalake sa amin. Mukhang magkakaibigan sila kaya ngumiti kami pareho ni Scarlet sa mga ito.

“Hi you’re Kiana, right? Kiana Ramirez?” tanong ng pinaka matangkad sa kanila sabay abot ng kamay niya sa akin.

Tinanggap ko naman ito, “Yup, and you are?”

“Kurt Bautista.” he answered politely, “By the way, these are my friends. Luiz, Carlos, Kiel and Reniel.”

Lahat sila nakipag-kamay sa amin ni Scarlet. Actually, kanina pa nga kinikilig ang katabi ko sabay bubulong sa akin na ‘That boy named Kiel is so cute ate! I like him.’

Napasulyap naman ako sa pwesto ni Monday at ng kapatid ko. Ang sama ng tingin nila sa amin pero binalewala ko ito. Tinawanan ko sila at nag ‘bleh’ pa ako para lalo silang maasar.

Hindi nga ako nagkamali sa hinala ko, mabilis na tumayo si Khal at hinila ang nakaupo na si Scarlet palapit sa kanya. Sinamaan niya ng tingin ang limang lalake.

“Back off mga pare.” mayabang na sabi ni Khal.

Lumapit si Kiel kay Khal at agad inangasan ito, “Bakit sino ka ba?”

Ngumisi ang kapatid ko sabay tulak sa balikat ni Kiel, “Ako lang naman ang boyfriend ng babaeng nginingitian mo. Alis bago pa kita patulan.”

Gumitna na ako at humingi ng sorry sa magkakaibigan. Tinanggap naman nila ito at umalis na kaso si Kurt ay bumalik para hingiin number ko kaya binigay ko na lang agad para wala ng madami pangsalita.

“Tsk.” pa-epal na singit ni Monday kaya tinarayan ko ito.

Magsasalita na sana ako para pagsabihan si Khal kaso inunahan ako ni Scarlet.

“Khal ano bang problema mo? Bakit ginanun mo si Kiel?” nagtitimping sabi ni Scarlet.

My brother sighed deeply, “He’s flirting with you.”

“So, what?” malakas na sigaw ni Scarlet., “Why do you have to care? Hindi naman kita boyfriend.”

“Ah ganun so kung hindi mo ko boyfriend, hindi na rin kita pwedeng ilayo sa mga lalakeng yun? Is that what you are trying to say, Scarlet?”

“Yes Khal! Yes! Kapatid ko nga hinayaan lang ako eh. Saka mababait sila. Kaya pwede ba sa susunod stop acting like my boyfriend! Jerk!” sigaw ni Scarlet sa kapatid ko sabay walk-out.

Tumingin si Khal sakin at kay Monday. Ginulo niya ang buhok saka patakbong sinundan ang babae.

Napabuntong-hinga na lang ako sa mga nangyari at nagsimula na din maglakad pauwi ng bahay. Sumunod si Monday sa akin at binilisan ang lakad para magkasabay kami.

In A Midst Of Serendipity (On-going)Where stories live. Discover now