Serendipity 8

18 9 0
                                    

Damn that man




Nagising ako sa sinag ng araw na dumampo sa pisnge ko. Agad kong hinanap ang cellphone ko at tinignan kung may notifications ba saka kung anong oras na din. Alas syiete na pala kaya kumilos na agad ako.

Simple pink shirt lang at white shorts ang suot ko tapos isang white sandals na may strap para makapit sa ankle ko. Tinignan ko ang sarili sa salamin. Maganda naman ang kinalabasan kaya bumaba na ako sa dining area.

“Goodmorning people!” bati ko sa lahat.

Lumapit ako kay mama at saka humalik sa pisnge niya. Ganun din ang ginawa ko kay Khalil bago umupo sa pwesto ko.

“Anong gagawin niyo today?” tanong ni Mama.

Tumingin sa akin si mama kaya umiling lang ako ganun din ang ginawa ni Khal. Nakakatamad kasing lumabas. Mas gusto kong sa bahay na lang saka para makapagpahinga. Nakakapagod din ang laging nasa labas.

Mabilis lang natapos ang umagahan namin. Nasa may sala kami at nanunuod ng movies. Isa sa mga hobby namin ang sabay sabay manuod. Dati noong kasama pa namin si papa.

Tumunog ang cellphone ko kaya inabot lo ito sa coffee table at tinignan kung sino ang tumatawag. Si Monday. Pinindot ko ang answer button.

“Baby busy ka?” hingal niyang tanong.
Anong nangyare sa taong ito? Bakit parang hinihingal siya?

“Hindi. Bakit anong nangyare? Nasaan ka ba?”

“Nandito ako sa NAIA.”

Napatayo ako sa sobrang gulat, “What? Anong ginagawa mo diyan?”

“Sabay kaming uuwi ni Scarlet. May kikitain akong client sa Seattle.” mahina niyang sabi.

“Hindi ka nagpaalam sa akin. Kahapon magkasama naman tayo.” pagtatampo ko dito.

Narinig ko ang pagbuntong-hinga niya, “Biglaan to baby.”

“Sige. Ingat kayo.” sabi ko at binaba na ang tawag.

Binalik ko ang cellphone sa coffe table at nanuod ulit. Kaso, hindi matanggal sa isip ko si Monday. Hindi kasi siya yung tipo ng taong basta basta umaalis. Laging a day before siya pupunta sa Seattle ay nagpapaalam siya sa akin.

“May problema ba ate?” nakataas ang kilay na tanong ni Khal sa akin.

I shrugged my head and sighed deeply, “Umuwi na si Monday saka Scarlet sa Seattle.”

Napatango-tango siya at binaling ang tingin sa panunuod.

“Alam mo?” tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at umiling.

Lumapit ako sa kanya at siniksik ang sarili ko sa katawan niya para maiinis siya.

“Alam mo!” pangungulit ko.

Umiling siya ulit, “Hindi nga. Lumayo ka nga ate.”

“Ayaw. Alam mo eh!”

Tumayo siya at lumipat sa single sofa kaya tatayo na din sana ako kaso bigla niya kong hinatak paupo ulit. Inis na inis na yung mukha niya kaya napangisi ako. Tinignan niya ako ng masama.

“Malamang alam ko ate. Sinabi ni Scarlet sa akin kahapon noong magkausap kami.” nakangiti niyang sabi sa akin, “Bati na kami eh.”

“Tss. Sana pala sinabihan ko si Scarlet na wag ka ng balikan.”

Napasimangot ako kaya napagdesisyunan kong aakyat na lang ng kwarto. Inabot ko ulit ang cellphone ko at naglakad na papunta ng kwarto ko.

Pagkapasok ay kinuha ko ang laptop siya pumunta sa kama. Umupo ako doon at saka binuksan ang laptop ko. Pumunta ako sa instagram account ko.

In A Midst Of Serendipity (On-going)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora