CHAPTER 15 - HE's ONE OF MY PAST

Start from the beginning
                                    

"Ako na lang sasagot ng tanong ko. Wala akong sinabing mali para paliparin mo ang notebook na ito sa akin. Totoo naman na masyado lang kayong nagpapadala sa sarili ninyong emosyon na matagal ninyong ikinimkim sa mga sarili niyo and then this is the right time para ilabas ito sa kanila 5 lower class students vs 12 students hindi kami kasali ni yugi kasi we are just new student na walang kaalam alam sa nararamdaman ninyo. Tanong ko lang nararamdaman ba ninyo ang nararamdaman nila? Lower class sila guys siguro naman alam ninyo kung anong ugali ang meron ang mga rulers. Ginawa lang nila ang lahat ng ito dahil inutusan lang sila but i'm not sure kasi hindi ninyo sila binigyan ng oras para magpaliwanag. Saka kayo magreklamo kung may sinaktan ba sila ni isa sa inyo noong palang and another thing hindi nila kasalanan kung isa sa rules ang bawal magklase sa section na ito dahil wala ni isa sa kanila ang rulers na kayang gumawa ng rules" pagkasabi ko noon lumabas na ako. Cr na cr na kasi ako feel ko kahit anong oras mapapaihi ako dito.

Naobserve ko din na walang nasasaktan kapag nagkakaron ng gulo sa classroom kapag may nasasaktan alin man duon sa lima, mukhang alam parin nila kung san sila lulugar. Kaya nasabi ko ang mga bagay na iyon.

Sana hindi niya ako habulin hanggang sa cr. Hindi ko kasi siya napakinggan mukhang may sinabi siya pagkatapos ko magsalita eh umalis kaagad ako.

----------

Nakahinga akong maluwag pagkatapos kong umihi, ang kaso pagkalabas ko ng cr ay puno ng estudyante na nagkakagulo dahil sa nakapaskil sa tapat ng cr. Anong meron?

May nilabas ba silang bagong announcement? Well nagkakagulo lang naman ang mga to kapag may bagong nakapaskil sa board na iyon. At hindi ko din alam kung bakit pa ito itinapat sa may cr.

Pahirapan pa ako makaalis sa dami ng tao. Nakipagsiksikan pa ako at sa wakas nakalabas din ako pero may papel na lumipad sa aking mukha.

Binasa ko kung ano bang nakalagay. Bakit nandito ang mukha nila?

"Starting today this five student are no longer a lower class, So anyone can do whatever they want to them especially their classroom" nice one kaya pala umamin sila kanina. Inunahan nila ang mga rulers baka sila tuluyan masira ng mga ito.

Stupid people, walang magawang matino.

Tinapon ko na lang yung papel. Pabalik na ako sa classroom ng makita ko si miss jasmean at limang estudyante. Ano naman ginagawa nila duon sa teacher. Hindi ko na lang pinansin baka kung ano lang pinaguusapan nila tas bigla na lang ako makikisawsaw.

Anyways bakit ang tagal bago ako makabalik sa classroom. Halata naman na ayaw nila sa section six, i mean yung mga rulers dahil nilayuan talaga nila ang classroom sa cr. So yes sobrang layo. At eto pa buti pa ang ibang katabing classroom ay may sari sariling cr sa loob.

Paki ko diba pero put* sayang sa oras eh, pero kailangan ko ilabas ito kung hindi ay magkakasakit ako.

Pagkapasok ko sa loob ay nagkakagulo sila. Ano ba iyan, hindi ba sila magbabago? Pero mas malala ngayon, dahil halos lahat sila ay nagkakagulo.

Umupo na ako sa aking upuan kahit ganan sila, laking gulat ko nalang ng may maramdaman akong kakaiba pagkaupo ko.

"The heck?" Bulong ko sa aking sarili dahil may bubblegum sa aking upuan kaya dumikit ito sa aking palda. Sino naman naglagay ng bubblegum sa upuan ko. Tumingin ako sa aking paligid at may asungot na nakangiti sa akin habang nginunguya niya ang kanyamg bubblegum.

Hindi naman halata na siya yung naglagay hindi dahil sa kinakain niya o kaya kung makatingin siya sa akin.

Sino ba siya? At bakit nasa classroom namin siya.

Napatingin ako sa mga nagkakagulo, at saka ko lang narealized na hindi pala mga kaklase ni yugi ang iba. Bakit nagkaron ng ibang estudyante dito?

"TOYO!" Magaling na bata. Bakit ako lumingon hindi naman iyon ang pangalan ko. Si yugi lang pala na hapong hapo na nasa may pintuan, kasama si lana. Ano meron sa kanila?

When she meet her matchWhere stories live. Discover now