CHAPTER 11 - SECTION ONE

51 23 3
                                    

(HANAKO)

Hindi ko alam na may PE class pala kami. Ngayon ko lang kasi nakita yung teacher, pati last week wala naman akong naalala na may pumasok na PE teacher sa classroom.

At isa pa bakit ako pa yung inutusan niyang samahan si lana na mangheram ng speaker sa section 1. Oo section 1 ng grade 11. Nandito kami sa tapat ng classroom nila.

Rinig dito sa labas ang boses ng guro na nagtuturo

Habang abala sa pagtuturo yung teacher, etong kasama ko ay nangangatal dahil hindi niya alam kung papaano niya maheheram ang speaker. Hindi ko sure kung ayon nga ang dahilan o naiihi lang siya.

Kung pinapansin lang sana ako ni yugi edi sana hindi ako napansin ni miss, para samahan si lana. Hanggang ngayon kasi hindi parin niya ako pinapansin. Friday na ngayon, akong balak niya paabutin hanggang next week.

Wala na din sa isip ko na lumipat ng school. Tutuusin naman wala naman akong magagawa dahil yung papa ni yugi ang nagbabayad ng tuition ko sa school na ito. Kaya napaisip ako na kapag ginawa ko iyon, napakakapal ng pagmumukha ko at sabihin pang wala akong utang na loob.

Kaya kailangan ko na lang magtiis. So syempre sinabi ko naman sa kanya na joke lang iyon pero grabe ang isang iyon, bakit ganon na lang ang utak baliktad.

Tinignan ko yung kasama ko kung ano na ang kalagayan niya. Hanggang ngayon ay nasa tapat parin ng pinto at nangangatal. Kung hindi naman niya kaya, pwede naman niya sabihin sa akin. Para ako na yung manghiram. Kahit ata sa akin ay takot siya.

Para saan pa at pinasama akoni miss. I did not waste time anymore. Ako na yung kumatok para sa kanya, na kanyang iki nagulat naman.

"Wa....wait..." nauutal na sabi niya sa akin. Pero huli na siya dahil may nagbukas na ng pinto.

Napakamalas ko naman dahil ang teacher nila ngayon ay yung matandang guro na nakasagutan ko noon sa faculty. Ash... bakit siya pa. Wala na naman akong magagawa eh.

Kailangan lang naman namin manghera.

"Good morning po. Pinapunta po kami ni miss jasmean para mangheram ng speaker" magalang na sabi ko sa kanya. Syempre kailangan natin maging magalang ngayon kasi nangheheram tayo ng gamit.

Tinignan muna niya ako mula ulo hanggang paa pati nadin ang kasama ko na kahit anong oras ay mapapaihi na siya sa takot. Sino naman kasi hindi matatakot kung ganan maningin yung matanda.

"Maalam ka pala gumalang. Pumasok ka, nasa likod ang speaker" akala ko wala siyang balak na ipaheram ang speaker. Ako na ang pumasok. Kakatapak lang ng aking isa paa, at kaunting silip sa loob parang nakaramdam ako ng takot. Kakaiba nga yung naramdaman ko. Pero ng tuluyan akong makapasok. Alam ko na kung bakit, eh paano ba nakatingin silang lahat sa akin. Yung iba masama ang tingin na feel ko pinapatay na nila ako sa isip nila.

Anyways sino ba ang mga to eh mga lower class sila na ka schoolmate ko noon kaya ganyan sila kung makatingin. Pumunta na lang ako sa likod kung saan nakalagay yung speaker. Ang akala ko makakaalis ako ng tahimik dito pero hindi pala. Dahil may biglang umapak sa aking paa dahilan para ma out of balance ako.

"Sh*t" napabulong na lang ako ng tumama ang mukha ko sa lapag. Ang sakit ah.

Sabay sabay naman silang tumawa dahil sa nangyari. Tumayo na lang ako at hindi ako gumanti kung sino man iyon na nagkulang sa utak. Wala nga paki yunf teacher eh. Tinignan lang ba ako. Hayup.

Yung kasama ko naman nasa may pintuan parin. Kunin ko na nga yun kailangan kong kunin. Baka kung ano panggawin ko sa mga to.

Kinalkal ko na ang lahat pero hindi ko parin makita habang sila tinitignan lang ako. Ang iba naman ay natatawa na. Naiinis na ako ha! Hindi na nakakatuwa.

When she meet her matchWhere stories live. Discover now