CHAPTER 13 - REQUEST

27 4 0
                                    

(SHOYO)

Sabagay tama naman siya. Pati isa pa. Tumingin ako sa aking dibdib naka tube na black naman ako kaya okay lang.

"Kyla!" Tawag ko sa kanyang pangalan kaya napalingon siya sa akin.

"Hindi mo na kailangan kumuha. Okay lang sa akin. Masyado lang akong oa" sabi ko sa kanya. Na ikinagulat ni yugi.

May nakakagulat ba duon?

"Sorry sa abala guys pwede na ulit kayo magbatuhan" utos ko sa kanila. Kaya naman bumalik na sila sa kanilang ginagawa.

Nagulat na lang ako ng biglang nag hubad ng t-shirt si yugi.

"O taas mo kamay mo" napataas na lang ako ng hindi oras. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. At saka niya isinuot saakin ang t-shirt niya.

"Yan hindi na masyadong halata" napatingin ako sa aking dib dib. Hindi na nga pero....

"Magkakasakit ka. Okay lang naman eh, hindi naman masyadong halata ang pangloob ko" pagpapaliwanag ko sa kanya, at saka ko ibinalik sa kanya ang t-shirt niya.

"Wag kang magalala" nakangiting sabi ko sa kanya.

-----------

(GIL)

"Hindi ba parang ang sweet nila" kinikilig na sabi ni trixs sa akin.

"Tae kaba" sabi ko naman sa kanya. Kaya tinignan naman niya ako ng masama dahil sa sinabi ko.

"O bakit? Eh magpinsan sila. Nakalimutan mo ba? Hanako shoyo CHIN at Hinata Yugi CHIN" diniinan ko talaga yung chin para magets niya.

"Ow ano meron kung parehas silang chin eh hindi naman nila sinabi na magpinsan talaga sila. Diba, at malay natin magjowa yung dalawa. Pamula ng lumipat si hanako dito lagi siyang sinasamahan ni yugi" talaga ang utak ng isang ito masyadong malawak pagdating sa love.

Kahit sino nalang ang makita siya malalaki mababae, tomboy o kaya bakla.

"Alam mo bagay ito sayo" nakangiting sabi ko sa kanya kaya nagtaka naman siya. Pagkaharap niya sa akin ay agad kong hinagisan siya ng water balloon sa kanyang mukha.

"Hahahhahahha yan na papala mo eh" natatawang sabi ko sa kanya.

---------------

(SHOYO)

Pagkatapos noong nangyari kanina ay napapayag ko din si yugi na okay lang na bakat ang tube ko.

Wala naman kasing masama, at isa pa hindi naman labas kaluluwa ko.

Pero napansin ko lang yung speaker. Paraan saan pa ba yung speaker. Hindi naman pala ata gagamitin.

"Beng!" Sigaw niya pagkatapos niyang patamaan ako ng water balloon sa ulo. Agad ko siya nilingunan.

Muntikan ko nang makalimutan ang isang to.

Sino tinutukoy ko si levi jiro. Pagkatapos kasi ng nangyari kanina ay ininis niya ako ng ininis. Kaya heto nagbabatuhan nanaman kami ng water balloons.

Hindi na nga namin namamalayan minsan na may natatamaan na kami o kaya nababangga.

"May bente pa ako!" Pananakot ko sa kanya. Paubos na kasi ang water balloons dahil sa aming dalawa. Kaming dalawa ang masyadong maraming nasasayang na water balloons.

------------

(KART LUIS)

What's with the commotion?

May mga nagkakagulong estudyante na mga nakatingin sa may bintana. Napatingin ako sa may bintana na malapit lang sa akin.

Ano kaya meron. Makikitingin sana ako ng may biglang bumanga sa akin.

When she meet her matchWhere stories live. Discover now