CHAPTER 15 - HE's ONE OF MY PAST

5 1 0
                                    

Anong meron sa kanila?

Morning rambulan na naman? Kahit monday. Syempre ano paba, parang hindi na ako nasanay.

Pero kung nagrarambulan sila bakit nakaupo sila at nakatumpok sa unahan. Mukhang mga seryoso sila ngayon ah.

"Uy! Toyo nandyan ka na pala gusto mo sumali" ayan na naman sila sa toyo. Hindi sana ako makikisali sa kanila kung hindi binanggit ni frank kung ano ba ang pinaguusapan nila.

Pagkalagay ko ng bag sa aking upuan ay agad akong sumali sa kanila, para makinig.

"Mukhang nandito na ang lahat" panimula ni gil.

"Except kay jiro" singit ni jane.

"Ganon naman talaga yun eh. Hindi nakikisama" sambit naman ni luwis.

"So nagtataka kayo kung bakit bigla ako naganunsyo ng meeting ngayon ay dahil sa" oo nga pala napagalaman ko na president si gil dito. Pero hindi ko alam ang tungkol sa sinasabi niya na naganunsyo siya ng meeting.

Wala nga sinasabi si yugi sa akin kahapon. Maaga nga siya umalis kanina.

"Well we want to say something alam ko na magugulat kayo. me, trixs, jane, jay and frank we are all a lower class student" kailangan ko ba magulat katulad ng iba? I mean hindi ko naman talaga alam kung san sila galing or what so ever. Should i even care about their past? Or should i ask?

Hindi naman mahalaga kung san ka galing pero lower class student sila ang mga pasimuno sa mga gulo o rambulan sa eskwelahan na ito. But for the past few days, nahahalata ko naman kung sino ba ang laging nagpapasimuno ng gulo dito at lagi silang kasali, but i'm not sure hindi lang naman lower class ang nanggugulo dito may mga dream high din.

"Eh seryoso? Edi kasali pala kayo sa lintik na rules nila na hindi pwede magklase ang section na ito" nakabisangot na sabi ni pawy, siya ang hmmmm muse ng classroom. Ayon ang pagkakaalam ko.

"Naenjoy niyo ba na guluhin ang buhay namin?!" Angal naman ni wike.

"We wasted our fucking one and a half years for nothing! At pinaglaruan lang ninyo kami. Umamin na dyan ang kailangan umamin hanggat hindi pa huli ang lahat!" Si clowi naman ngayon. At sunod sunod na silang nagreklamo.

So ayon na ang malalaman ko tungkol sa words na sinabi ni frank kanina "importante ito tungkol sa lower class" wow akala ko pa naman may malalaman talaga ako.

No hates sa kanila, ang mahalaga sinabi nila ang totoo sa mga kaklase nilang ang oa kung magreact.

Nilapitan naman ako ni yugi na kanina lang ay nasa tabi ni jay.

"Tulungan mo naman sila" bakit ako?

"Anong klaseng tulong ang gusto mo gawin ko ha? Hayaan mo na sila masyado lang over kung makapagreak, akala mo naman mga walang pinagsamahan" sabi ko sa kanya, paalabas na sana ako para mag cr ng may bumati ng notebook sa aking likod.

So ngayon may batuhan na nanangyayari? At nadamay pa ako. Lumingon ako para tignan kung sino ang bumato ng notebook.

"Sino ka ba para sabihin mo yan ha! Hindi ka naman isa sa mga taong magdudusa ng dalawang taon, ikaw nga parang kalhati lang ng taon!" Guess who? Si qun pala. Kilalang kilala siya sa eskwelahan na ito na mukhang matagal na siya dito.

"Lalaki ka ba? Ibabato mo notebook. Dapat upuan para sure sa clinic kaagad ang punta" hindi ko mapigilan ang sarili ko na assrin muna ang mga taong hindi nagiisip bago sila manghamon ng gulo.

"Gusto mo ba patulan kita ha!" Tinatakot na ba niya ako sa lagay niyang yan?

"Fyi may mali ba akong sinabi kay yugi?" Matalas ang pandinig niya kaya narinig niya iyon. Pero kasalanan ko din malakas ang boses ko, pero totoo naman kasi yung sinabi ko.

When she meet her matchWhere stories live. Discover now