49 - Arrival

Mulai dari awal
                                    

Tumango lamang si Yuan sa kanyang ama saka tumayo habang buhat si Liam. Dahan-dahan silang pumwesto sa tabi ng natutulog na si Lucia.



"Bigat mo," nakangiting bulong ni Yuan sa mismong tainga kapatid na nagpapanggap pa ding tulog.



"Mas mabigat ka," ganti ni Liam sa maliit at inaantok niyang boses. Bahagya itong nagmulat upang hanapin ang tainga ni Yuan at doon mismo iyon sinabi.



Bahagyang natawa si Yuan sa sinabi ng kapatid. Muli niya itong binulungan. "Love mo naman."



Mula sa pagkakasandal sa dibdib ng dalaga ay muling iniangat ni Liam ang sarili. Hindi na siya nagmulat kaya halos sa ilong ng kanyang Ate siya bumulong. "Mas love mo ko."



Muling napahagikgik si Yuan dahil sa bunsong kapatid. "Hay nako, Liam. Ano bang trip mo ngayon at nag-iinarte ka ng ganyan? Doon ka nga kay Ate Yan."



Nagulat ang dalaga ng halos iuntog ni Liam ang sarili sa kanya. Ramdam niya din ang paghigpit ng yakap nito.



"No," tila paiyak ng angal ng bata habang pilit idinidiin ang kanyang sarili sa katawan ni Yuan. "I'll sleep with Ate Yuan."



"Liam--"



"Last na."



Natigilan si Yuan sa sinabi ng kanyang kapatid. Mabilis na nangilid ang luha sa kanyang mga mata at hindi niya alam ang sasabihin.



"Last na. Promise," Pag-uulit ng bata sa boses nitong pahina ng pahina.



Napakurap-kurap si Yuan habang isinusuklay ang mga daliri sa buhok ni Liam. Napakadaming bagay ang pumasok sa kanyang isip dahil sa sinabi nito. Napatulala siya sa kanyang harapan at ng maramdamang nakatakas ang isang luha ay agad niya iyong pinunasan. Napahugot siya ng isang napakalalim na hininga.



Kasabay ng paghimbing ng kanyang kapatid, ipinikit niya din ang kanyang mga mata.



*****



Nagising si Yuan sa marahang pagtapik ng ina na nakayakap sa kanya. Umayos siya ng upo at napagtantong wala na si Liam sa kanyang kandungan. Nakababa ang kurtina sa kanilang tabi ngunit ng ilibot niya ang paningin sa ibang bintana ay nakita niyang tirik na tirik na ang araw sa labas.



"Malapit na daw tayo," mahinang sabi ni Lucia na hindi mawari kung ano ang nararamdaman. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang maging masaya dahil abot kamay na nila ang kaligtasan o mangamba dahil may isa pang malaking pagsubok bago iyon tuluyang marating.



Nang makita ang ekspresyon ng kanyang ina ay wala sa sariling niyakap ito ni Yuan. Pahigpit ng pahigpit. Isinubsob niya ang sariling mukha sa balikat ni Lucia hanggang sa tuluyang huminto ang bus.



Nang kumalas sa yakap ay ngumiti lamang siya ng tipid sa kanyang ina.



Tuluyang binalot ng pangamba ang buong sistema ni Lucia. Gustong-gusto niyang pigilan ang anak na umalis sa kanyang tabi. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito na makalipas ang ilang sandali ay kusang bumitaw sa kanya.



Ramdam ni Yuan ang bigat ng bawat paghakbang niya patungo sa harapan ng bus. Muling bumagal ang galaw ng lahat at tanging ang malakas na tibok ng kanyang puso ang kanyang naririnig.



Hindi pa man tuluyang nakakalapit ay binalot na siya ng panlulumo. Higit pa sa inaasahan ang bilang ng mga zombies sa labas. Halos hindi na umaalis sa pwesto ang mga iyon dahil sa sobrang sikip.



2025Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang