46 - Getting Ready

7.2K 549 536
                                    

46 - Getting Ready



"Sa tingin mo, pwede kaya nating dalhin 'tong crib? Pwede namang i-fold 'to--" Napatigil si Mara sa pagsasalita at pagtutupi ng mga damit ng makitang nakatulala lamang si Yuan sa kanyang anak. "Yuan, everything alright?"




Sa tanong pa lamang na iyon ay agad ng nag-init ang mga mata ng dalaga. Hindi pa umaabot ang paningin niya kay Mara ay agad siyang napayuko.



"He was the happiest when Tricia was born," bulong ni Yuan.



"Everything will be alright," pagre-rephrase ni Mara sa naunang sinabi.



Huminga ng malalim ang dalaga at kinusot kusot ang kanyang mga mata. Pilit siyang ngumiti ng tuluyang humarap kay Mara.



"I miss him."



"I know." Tumayo si Mara mula sa pagkakaupo sa sahig. Tinabihan niya si Yuan at ang natutulog na anak sa kama. "We all miss him. And I know you won't let the thoughts of him go away anytime soon."



"I don't want to forget about him." Pinipigilan man ang sariling umiyak ay nakatakas ang isang hikbi mula kay Yuan.



"You won't. We won't." Marahang hinila ni Mara ang dalaga upang yakapin. "Sigurado din akong kung nasaan man si Warren ngayon, ikaw ang nasa isip niya. Who knows? He could be guarding you all the time, like what he always does."



Napangiti si Mara ng sa unang pagkakataon ay nakita niyang sumilay ang isang tunay na ngiti sa mukha ng dalaga. Tipid man ay umabot iyon sa mga mata nito.



"A guardian devil," ani Yuan.



Bahagyang natawa si Mara at pabirong ginulo ang buhok ng dalaga. "Your guardian devil."



Tumawa din si Yuan hanggang sa unti unti siyang napangiwi. "He knows I'm scared of ghosts. He won't show up just to prank me, right?"



"That, I can't tell." Pabirong ngumiwi din si Mara.



Sa puntong iyon ay bigla na lamang may kumatok sa pinto. Wala pa mang nakakapagsalita sa dalawa ay bumukas na din iyon at pumasok si Kenzo.



"Tulog ba si Tricia?" bungad na tanong ng binata na ikinakunot ng noo ni Yuan.



"Yeah. May problema ba?" nagtataka ding tanong ni Mara pabalik.



Umiling si Kenzo at tuluyang lumapit sa kama. "They want everybody gathered downstairs. We'll discuss everything about the trip."

2025Where stories live. Discover now