27 - The Proposal

7.8K 636 229
                                    

27 - The Proposal



"Governor Sebastian."



Napangiti ang gobernador noong makilala siya ng dalaga. "We're not here to hurt anyone. They are my body guards. That's Rio and this is Conrad."



Napatango tango lamang si Yuan. Maging sina Yuan at Warren ay hindi magawang mag-react ng mag-sink in na nasa harapan nila ang pinuno ng buong lalawigan. Si Rio naman ay dahan-dahang ibinaba ang rifle na nakatutok kay Jules. Doon lamang nakahinga ng maluwag ang matandang driver.



"Why are--" Hindi naituloy ni Gov. Sebastian ang kaniyang itatanong.



Nang iangat ni Conrad ang mga kamay at ipatong sa kanyang rifle ay agad na naalarma sina Yuan. Muling itinutok ng dalaga ang espada sa leeg ni Rio. Mas lalong humigpit ang hawak nina Lucas at Warren sa kanilang mga baseball bat.



"Calm down! Calm down!" awat ng gobernador. Muli niyang itinaas ang magkabilang kamay at sinenyasan ang mga kabataan na kumalma.



"Tell them to drop their guns!" natatarantang sigaw ni Yuan.



Lumingon lamang si Gov. Sebastian sa mga tauhan at agad nilang binitawan ang mga armas.



"Okay," muling sabi ng gobernador na sinesenyasan pa din ang mga kabataan na kumalma. "You may drop your weapons, too."



Nagkatinginan sina Warren at Lucas at sabay na ibinaba ang kanilang mga kamay.



"Narinig mo siya, bata," tinatamad na sabi ni Rio kay Yuan. Ni hindi niya ito magawang lingunin dahil isang maling kilos lamang ay babaon ang espada sa kanyang leeg.



Huminga ng malalim ang dalaga ngunit hindi siya gumalaw. Lumapit si Lucas at siya na mismo ang nagbaba sa kamay ng dalaga. Hindi pa rin gumalaw si Yuan.



"Hindi kita papatayin, o kahit na sino sa mga kasama mo, bata," bahagyang nakangiti na sabi ni Rio ng makitang hindi pa rin kumikilos si Yuan. "Hindi ako mamamatay tao."



Muling huminga ng malalim ang dalaga saka yumuko. "Just... Please don't scare me like that again. I don't want to see someone dying, again."



Napalingon si Rio sa kanyang mga kasama dahil sa sinabi ni Yuan. "Mukhang dapat natin silang isama."



Tuluyang napababa ng bus ang matandang driver dahil sa narinig. "A-Anong ibig ninyong sabihin?"



"Mula noong nagsimula ang apocalypse na 'to, naghahanap kami ng mga nakaligtas at nananatiling buhay. Kayo pa lamang ang nakita namin," paliwanag ni Conrad. "Ligtas na lugar ang bahay ng Gobernador. Malaki iyon at may sapat na pagkain. Plano naming tipunin ang lahat ng survivors doon bago dumating ang tulong."



"And where would that help come from?" walang emosyon na tanong ni Lucas.



"Palawan," sagot ng gobernador. "That province is said to be clear of these... zombies. But we can't get there yet, we don't have a plane. Traveling through water will require us a long travel on land, which is very risky. There is no internet connection and mobile networks aren't always working so I've sent a group of people to do that and let the authorities know that we have survivors here. We're just not sure if they got there, or if they will."



"Pero marami kami," Sagot muli ni Manong Jules. "May mga kasama pa kami na naiwan sa bahay."



"Gaano ho kayo karami?" tanong ni Conrad.



2025Where stories live. Discover now