39 - Calm (Part 1)

7.6K 556 150
                                    

39 - Calm (Part 1)



"She's with Lucas," wala sa sariling nasabi ni Warren ng makitang pumasok si Leanne sa kusina. Tila naulit ang gabing hinahanap nito ang nawawalang si Yuan at mag-isa ang binata sa kusina.



Tipid na ngumiti ang dalaga. "I know."



Marahang tumango si Warren saka muling napatulala sa kandilang nakapatong sa kitchen counter. Naramdaman niyang umupo si Leanne sa katabi niyang high stool.



"Tulog na sila pareho. Lucas is sitting on the floor, leaning on the bed, while holding my sister's hand." Nakangiti pa rin ang dalaga habang diretsong nakatingin sa unahan. Nang maramdamang tumingin sa kanya si Warren ay nilingon niya din ito. "Who would've thought that the NBSB Yuan would meet her match in an apocalypse?"



Nawala ang ngiti sa mga labi ni Leanne ng hindi nagsalita ang binata. Ni hindi ito nagpakita ng kahit na anong reaksyon. "Wawie? What's wrong?"



"I heard everything," mahinang sagot ng binata. Napakunot lamang ang noo ni Leanne. "Yuan and Lucas, they were talking about it."



Hindi pa rin naintindihan ni Leanne ang sinasabi ng binata. Napangiwi siya at magtatanong na sana ng muling magsalita si Warren. Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito.



"Alam ko na ngayon kung bakit takot si Yuan sa dilim."



"W-Wawie..." Hindi alam ni Leanne kung ano ang dapat na sabihin.



"Akala ko namatay yung kakambal ni Lance sa loob ng tiyan ni Tita?" Hindi nakasagot ang dalaga. Hindi rin naman naghihintay ng sagot si Warren. "Ngayon ko lang din nalaman kung paano siya namatay."



Napayuko si Leanne ng maalala ang mga nangyari sa kanilang pamilya noon. Mabilis na nag-init ang mga mata niya.



Bumuntong hininga si Warren. "I just can't find a way to understand why Yuan was blamed for everything."



"S-She's not..." Tila nasamid si Leanne sa sariling salita.



"Yeah. She wasn't directly blamed." Mapait ang ngiti sa mukha ng binata. "Hindi naman na siguro kailangan dahil ramdam niya namang kasalanan niya lahat."



"We wanted to give her a break!" Maging si Leanne ay nagulat sa sarili noong mapasigaw siya. Mabilis siyang yumuko at pinahidan ang mga luha na tumulo sa kanyang pisngi.



"But did she know? Did she feel like having a break?" Nakakunot ang noo ni Warren nang lingunin ang dalaga. "Was she supposed to heal and enjoy? Alone?"



"She was with her nanny--"



"Whom she only met when you sent her to Manila. Hindi niyo ba naisip na sa inyong lahat si Yuan yung nakakita mismo ng nangyari? Na siya ang pinakanahihirapan dahil pinatay yung kapatid niya sa mismong harapan niya--"



"Wawie!"



Napaiwas ng tingin si Warren ng magtagpo ang mga mata nila ni Leanne. Bakas sa mukha ng dalaga na nahihirapan itong aalalahanin ang bagay na iyon.



Muling bumuntong hininga ang binata at tila nag-isip. Matapos ang ilang segundo ay napailing iling siya. "You sent her away on the time she needed a family the most."



"I was just fifteen that time, Wawie. Wala rin namang magbabago kahit hindi ako sumang-ayon." Nahihirapan mang magsalita dahil sa paghikbi, sinubukan ni Leanne na depensahan ang kanyang sarili.



2025Where stories live. Discover now