20 - Groceries

9.5K 701 526
                                    

20 - Groceries



"Sir Carlo, tapos na si Ma'am Kyla maligo. Ikaw na."



Napalingon si Carlo sa kagigising lamang na si Leanne. Inubos niya ang laman ng hawak na tasa saka tumayo mula sa pagkakaupo sa dining table.



"Si Ma'am Bea?" tanong ng lalaking guro habang inilalagay ang tasa sa lababo.



"Pinapaliguan pa yung mga bata dun sa kwarto nila Mom at Dad," sagot ni Leanne saka nagtimpla din ng sariling kape. Nang matapos ay nagtungo siya sa sala.



Nadatnan niya ang mga matatanda kasama sina Warren at Yuan na nanonood ng balita.



"Bakit ganyan ang news?" nakangiwing tanong ni Leanne habang hindi inaalis ang tingin sa TV. Isa-isang binabasa ang mga headline na palitang nagfa-flash sa screen.



"Looks like none of their news anchors survived Day 2," walang ganang sagot ni Yuan habang prenteng nakasandal sa sofa.



"Yuan, don't say that," mahinang saway ni Lucia sa anak na nagkibit balikat lamang.



"Sino kayang nagta-type ng mga yan, no?" inosenteng tanong ni Warren habang hindi rin iniaalis ang tingin sa TV.



Tinignan ni Leanne ng masama ang binata. "Talagang yon ang pinroblema mo?"



"Yuan, apo, kuhanin mo nga ang salamin ko. Hindi ko maintindihan ang balita," utos ni Antonio sa dalaga.



"Hija, nandoon din ang salamin ko sa may patungan sa tabi ng kama. Pakikuha na rin. Salamat," pahabol ni Jules.



Tumango lamang si Yuan at agad na umakyat ng hagdan. Paglabas sa kwarto ng kanyang Lolo ay saktong palabas din sa kanyang silid ang mga kaklaseng babae.



"Nasaan si Mariz saka si Ate Mara?" tanong niya ng mapansing kulang sila.



"Tulog pa si Ate Mara," sagot ni Rina habang naglalakad sila patungo sa hagdan.



"Masakit ang ulo nun kagabi eh. Hayaan na lang muna natin magpahinga, baka mapano yung baby," paliwanag naman ni Grace.



"Si Mariz pinuntahan si Mazon. Maaga yatang nagising," ani Marielle. "Ikaw? Naalimpungatan ako kaninang madaling araw, wala ka na dun sa kwarto ah."



Bahagyang sumimangot si Yuan. "Hindi ako makatulog."



"Huy!"



Napatigil sila sa gitna ng hagdan nang biglang sumigaw si Rina. Nang lingunin ay nakita nila ang mga kaklaseng lalaki at si John na nakahawak pa sa magkabilang balikat ni Rina.



"Kingina ka. Kung nahulog ako?" Nagtawanan sila noong sunod sunod na hampasin ni Rina si John.



"Gian, 'tong jowa mo mapanakit!" sumbong ni John habang umiiwas sa mga kamay ni Rina.



"Ginusto mo yan," natatawang sabi lamang ni Gian.



"Ang ingay niyo." Muli silang napalingon sa pinakataas ng hagdan ng marinig ang boses ni Mariz.



"Oh, si Mazon?" tanong ni Kenzo habang hinihintay na makababa ang kasintahan.



"Ayaw pa magbreakfast dahil niyaya ni Liam maglaro. Nandun pa din naman yung ibang mga bata. Binabantayan sila nina Ma'am Bea at Ma'am Kyla," paliwanag ng dalaga.



2025Where stories live. Discover now