CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow

Start from the beginning
                                    

Hindi naman kami ang nasa altar.







"Today, we are about to witness the exchange of vows of Kristine Zhenie Tandingan and Titus John Monterde."

I smiled when I heard those names. Sobrang saya ko rin talaga.

Ngayon ay ang araw ng kasal nila Kaze at TJ.

Akalain niyo ba naman na naunahan pa nila kaming dalawa ni Erik? Nakakaloka talaga. Pero kagaya nga ng sabi ko, wala naman yan sa kung sino ang mahuhuli at mauuna.

Kagaya namin ni Erik, hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan nilang dalawa. Pero kagaya rin namin, hindi rin sila bumitaw sa isa't isa.

Siguro, swerte talaga tayo kapag ibinigay tayo ni Lord sa taong willing tayong ipaglaban hanggang sa huli at masasabi kong isa ako sa maswerteng tao na yun.

---------------------

THE WEDDING went really well. Naging masaya rin ang reception.

Masaya kami na nakasama namin ang mga naging kaibigan namin sa showbiz.

Syempre,kumpleto kaming apat na magkakagrupo at kasama rin namin ang ibang mga katrabaho namin. Kumanta rin kami ni Ate Kyla at Yenggay kanina para kay KZ. 

Ito yung isa sa mga bagay na hindi namin nagagawa ni Erik noong hindi pa alam nang lahat ang tungkol sa amin.

Dati, sanay kaming magtago na lang. Pero ngayon, masaya kami na naeenjoy namin ang mga ganitong pagkakataon nang magkasama.

Nang matapos na ang reception ay kaagad na kaming nagpaalam kay Kaze at TJ. Kasama rin namin si Ate Kyla at syempre sina Yenggay na kasama rin ang kani kanilang mga asawa.

"Oh paano ba yan, ang next nating bonding kasal nanaman." birong sabi ni TJ at tumingin sa aming dalawa ni Erik.

Sabay-sabay din silang nag-ayie na parang mga teenager.

Enebe, nahihiya tuloy ako.

"Oo nga! Naku, excited na rin kami Gege at Erik! Kayo na ang susunod na maga-I Do." sabi naman ni Ate Kyla na parang kinikilig pa.

Halata nga, ang totoo nyan para ngang mas excited pa sila. Si Yenggay ang kasa kasama ko minsan sa mga inaasikaso ko para sa kasal. Si Ate Kyla naman ang madalas na tanungan ko tungkol sa pagiging nanay kay Arki kagaya kapag nagkakasakit ang anak ko na madalas ay nagpapanic na ako yun pala ay tinutubuan lang pala ng ngipin. At si KZ naman ang madalas na kakwentuhan ko tungkol sa wedding jitters.

Sobrang halaga ng tatlong 'to sa buhay ko.

Natawa na lang ako at napatingin kay Erik na nakaakbay sa akin.

"Ay paano yun e wala kaming reception." sagot naman ni Erik. "Diretso na kaming honeymoon, diba Love?"

Nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ni Erik.

I rolled my eyes at him. Kahit kailan talaga wala siyang matinong nasasabi, palagi na lang yan ang nasa isip niya.

"Oh siya una na kami, susunduin pa namin si Arki eh." sabi ko naman.

Iniwan lang kasi namin ang anak namin kay Nanay Litz. Gabi na rin kasi talaga.

"Nakakapanibago naman. Parang dati lang pagkatapos ng mga ganitong ganap kayong dalawa yung huling umuuwi tapos magddate pa sa mall pero ngayon kita mo naman." biro ni KZ.

"Parents na eh, ganon talaga. Imbes magdate, magtitimpla na lang ng gatas."

Priorities do change. Kung dati, ay kami lang ni Erik ang iniisip naming dalawa, ngayon may Arki na. Siya na ang priority naming makita araw-araw.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now