CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape

1.4K 44 2
                                    

"Good morning Ma'am, Sir. Welcome to Dusit Thani."

OMG. Is this even for real?!

Isinuot ng isa sa mga front desk officers doon ang garland sa akin at inabutan ako ng shake.

Waaaah hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na we're now in this place, our dream place.

Napatingin naman ako kay Pogs na nasa tabi ko. Naramdaman niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din siya sa akin and at ngumiti.

Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na kami. Parang kanina lang ay nagtatampuhan pa kami dahil doon sa bulaklak pero ngayon halos hindi nanaman kami mapaghiwalay.

"Love, legit ba 'to?" mahinang bulong ko kay Erik bago ako uminom ng complementary juice na ibinigay sa amin.

E kasi naman, para akong nananaginip. Sobrang ganda dito.

"Oo naman Love, legit 'to." natatawang sagot pa ni Erik.

"Sigurado ka bang may pambayad tayo dito?" tanong ko pa ulit.

Hindi niya na napigilan at tumawa na siya nang malakas dahil sa sinabi ko.

"Oo naman. H'wag kang mag-alala. Isinangla ko muna yung relo na iniregalo mo sa akin para may pambakasyon tayo kaya may pambayad tayo dito."

Parang panaginip talaga.

Nang makapasok na kami sa kwartong tutuluyan namin ng ilang araw ay agad akong pumunta sa bintana. All I can see is the wide blue sea. Hindi ko naman mapigilang hindi maamaze lalo na't ni hindi ko man lang inexpect na makakarating ako dito nang hindi ko plinano.

Ang lugar kung saan pangarap namin parehong pumunta.

Finally, our dream place... Maldives.

Noon pa lang, palagi ko nang sinasabi kay Pogs na gusto kong magpunta kami dito nang magkasama. Siguro dahil pareho naming dream destination 'to dahil pareho naming gusto ang dagat. Sabi ko pa nga ay pag-iipunan naming dalawa 'to, umagree naman siya at sabi niya soon daw ay gagawin namin yun.

Kaya hindi ko naman inexpect na magpupunta kami dito ngayon. Sobrang saya ko and at the same time, I'm still confused. Paano niya nagawa ang lahat nang ito nang hindi ko nalalaman?

Dahil sa sobrang lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko namalayang may yumakap na pala sa akin mula sa likod ko. E syempre wala naman akong ibang kasama dito kundi siya lang.

"Maganda ba?" tanong niya habang nakayakap sa akin habang nakatingin din sa may labas ng bintana.

"Uhuuhm, sobra. Ang ganda dito Pogs 'no? Grabe, parang paraiso talaga." sabi ko naman sa kanya

"So you love it, Ge?"

Hinarap ko naman siya bago ako sumagot. "Hmmmn oo."

"Pero mas love kita." I kissed him. I'm so lucky to have this man.

------------------------

WE really enjoyed our stay here. Halos lahat na yata ng pwede naming gawin dito ay nagawa na namin.

"Oh diyan naman, upo ka diyan dali... ay hindi pala umusog ka kaunti ang pangit ng ilaw. Ayan! Perfect!"

"Oh doon naman, tayo ka diyan sa may gitna."

"Dito ba? Wait lang Love, gusto ko nakatalikod naman ako."

"Oh sige, talikod ka naman. 1, 2, 3, smile ka ah."

"Ha? Siraulo ka ba?! Nakatalikod ako!"

"1, 2, 3, say----"

"--- cheese."

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now