CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade

968 41 3
                                    

"SERYOSO ka na ba diyan nak? Wala na bang ibang paraan?"

I sighed habang nakatingin pa rin sa plane tickets na hawak ko.

Tumango naman ako, yes, I guess there's no turning back. Wala naman talagang ibang paraan.

"Opo Nay, wala naman po akong ibang choice kundi ang gawin ito. Para din naman po ito sa amin." sabi ko at hinawakan ang tiyan ko.

Wala nang ibang importante ngayon kundi ang anak ko at kailangan kong gawin ang lahat nang makakaya ko huwag lang siyang mapahamak.

Desidido na ako. Aalis muna ako ng bansa sa susunod na linggo hanggang sa makapanganak ako.

Isasama ko si Mama Bob at siguro isang buwan bago ako manganak ay susunod si Nanay Susan sa amin para maalagaan ako.

"Hay oh sige kung yan ang desisyon mo anak, ayos lang naman. Kailangan din kasi nating itago 'to dahil diba yun ang sabi sa kontrata mo? 'Wag kang mag alala, gagawan naman namin ng paraan habang wala ka." sabi naman ni Nanay Bianca

"Salamat talaga 'nay, hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala kayo."

"Ano ka ba naman, maliit na bagay. Basta ha, mag iingat ka doon? Alagaan mo ang kyotatalet ha? Promise nakshie, gogora kami ng mga kavaklaan doon para di ka malungkot. Okinawa? Mamimiss kita nakchi." sabi niya naman.

Tumango naman ako at niyakap siya.

Lahat ng kailangan ko ay nakahanda na, aalis na lang talaga ako sa susunod na Linggo.

Napagdesisyonan ko kasi na mas agahan na ang pag alis ko tutal ito rin naman ang kailangan kong gawin makalipas pa ng ilang linggo.

Lahat yata ng mga malalapit sa akin ay alam na ang planong pag alis ko. Si Yenggay naman, ang alam niya ay magbabakasyon ako sa Singapore kasama si Mama Bob at may dadalawin kaming kamag anak doon. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang totoo.

Mas mabuti na 'to. Ngayon, ang anak ko na lang iisipin ko.

Wala namang problema maliban na lang sa isa, si Erik.

Halos dalawang linggo na rin ang lumipas magmula nang maaksidente si Kei at habang tumatagal din ay nahahalata na ang dinadala ko.

Ni hindi na nga ako makapagsuot ng mga fitted na dress at gown sa tuwing may events ako kaya nga nagdesisyon na ako na magpahinga na.

Isa pa sa problema ko ay ang pamilya niya, paniguradong hindi papayag si Nanay Litz na umalis ako.

Mas naging maalaga sila sa akin magmula noong nalaman nila ang tungkol sa ipinagbubuntis ko.

Sobra kong inirerespeto ang pamilya nila kaya ayokong gumawa ng kahit ano mang bagay na makakasira ng relasyon ko sa kanila.

Mula din noong insidenteng iyon ay wala na akong ibang narinig mula kay Erik. Ni hindi niya ako sinubukang kausapin man lang.

Ang tanging nalaman ko lang mula kay Mark na PA niya at kay Ate Dhang ay palagi pa rin daw siyang umuuwi ng lasing. Tila daw wala sa sarili palagi, halos maapektuhan na nga ang trabaho niya.

Gaya nga ng inaasahan ko, hindi niya man lang naalala o narinig ang mga sinabi ko. Pero siguro mas mabuti na yun, para hindi na rin kami mahirapan sa oras na umalis na ako.

Sa totoo lang ay nasasaktan ako, hindi lang dahil sa nangyayari sa kanya pero dahil na rin sa tagal tagal ng pagsasama naming dalawa, ngayon niya lang nagawa na tiisin ako nang ganito.

Malamang nga pagod at sawa na rin siya, malamang talagang iba na ang sinasabi ng puso niya.

Pero kahit ano pa man ang sabihin niya, sigurado na akong hindi ko isusuko ang anak ko.

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now