Chapter 35 : gusto ko ba ? ewan ko !

Start from the beginning
                                    

"nope. may gusto lang akong patunayan sa sarili ko. believe it or not may mapapatunayan ka rin sa sarili mo. isang bwan lang naman eh tapos,  tapos na."

"closure lang at wala ng iba. i'll discuss this first kay abby, ayokong magulat siya. "

"whatever. just make it fast"

ano bang gusto niyang patunayan ? may kailangan pa ba ? 

papalakad na ako papalayo sakanya, papalabas ng dressing room kumbaga.

"jiro." tawag niya sakin, napalingon naman ako.

"gawa tayo rules ?"

huh ? ngayon na ?

"ngayon na ?"

"yep!" sagot niya.

"eh hindi pa pumapayag si abby eh."

"ano pang magagawa niya ?"

wala akong masabi, grabe talaga sa pagiging commander to, na-alala ko tuloy nung nagluto siya ng  itlog, na-awa ako sa mukha niya nun kaya kinain ko eh, palusot pa akong sayang yung itlog, nakakatawa lang alalahanin, nangyari kasi. totoong  nangyari.

bumalik na ako sa kinauupuan ko para pag-usapan yung rules kuno niya. ano bang trip nito ? 

"oy shane" tawag ko sakanya habang naghahanap siya ng ballpen sa bag niya.

"oh ?"

"miss mo ata ako kaya mo ako pinuntahan dito  eh"

"PAKYOU. ASA KA MEHN"

"HAHAHAHAHAHAHA. JEJEMON AMPUCHA"

"kapal. rule 1"

"excited shane ? teka naman."

"rule 1,  bawal magselos. pwedeng mambabae at manglalaki kasi closure to, hindi para sating pagbabalikan" 

tumango naman ako. okay turn ko naman sa rules ko.

"rule 2, kailangan ipaalam kung uuwi o aalis at san pupunta, kahit hindi ipaalam ang kasama basta tatawag kung gagabihin o ano"

tumango rin siya, mukhang okay to ah. wala pang angal eh.

"rule 3, kailangan meron tayon bonding every week."

"gastos naman niyan shane! every week pa talaga ? artista ako. hirap niyan, "

"daming arte gawan mo nang paraan."

"sige na sige na, rule 5 ko naman . kailangan bigyan ng privacy ang isa't-isa"

hindi ko rin alam kung pano ko napagbigyan to eh, pano ko naman magagawan ng paraan . ako ba manager sus. bahala na.

"nice! may utak ka pala jiro " nagthumbs-up pa ang asungot nato.

" at ang huli ..rule 6 , pagka may nainlove uli sating dalaw--"

"uli talaga noh ? grabe, impossible nayan, tagal kong nag-antay sayo tas ul--- ARAY NAMAN!" hampasin daw ba kasi ako ng ballpen niya.

"i repeat rule 6 , pagka may nainlove uli sating dalawa eh sasabihin sa isa't isa"

"huh ? bat naman kailangan pang sabihin , hindi ba pwedeng secret nalang ? "

"kailangan sabihin kasi..... we should end the contract immediately."

"i see, so ang pinaka rule, bawal mainlove ? ang mainlove."

"TALO." we both said in chorus.

"nadali mo" sabi ni shane.

pano ba kasi ako napapayag, kung tutuusin, kaya ko namang tumanggi eh. hindi naman kasi totoo yung paper unlike nung una, pero ewan ko parang may nagsasabi saking may masasagot sa tanong ko pag nagsama uli kami sa iisang bahay . wag kayong mag-isip ng kahalayan jan ah, taas ng respeto ko kay shane kahit na may mga pagkakamali kami dati. KAMI. kasi ang dalawang taong nasa isang relasyon eh responsible sa mangyayari kasi dalawa silang pumasok sa relasyon na yun, kaya sa pagkakamali dalawa rin ang may kasalanan  tsaka isa pa dalawang taon ako nag-antay na makita uli siya, humarap sakanya na naka move on na ako. sisirain ko pa ba yung dalawang taong nasayang ko ? di oy.

napapaisip ako, sa totoo lang, hindi ko magets yung sense eh. para kasing ibinabalik niya yung mga nawala. is she trying to be friends with me ?

i guess ?

gusto ko ba nun ?

ewan ko..

parang...

nakakatakot...

69 days to fall inloveWhere stories live. Discover now