chapter 43 : last three days.

1K 29 2
                                    

chapter 43 : last three days.

pagkagising ko umaga na pala, parang kanina lang nagpapaalam sakin si jiro kasi aalis siya para sa world tour niya. punyemas!! ang hirap pala pag artista boyfriend mo. 

hinanap ko kagad siya, kanina nasa sala lang kami ngayon asa kwarto nako may kumot pa. 

"wala siya ?" tanong ko sa sarili ko, agad naman akong pumunta sa banyo at naghilamos. *pout* namamaga mata ko. mayamaya. may naramdaman akong taong yumakap sa likod ko .

wala naman ibang gagawa nun kundi si jiro. unconciously napangiti ako.ç

"akala ko iniwan mo na ako." mahinang sabi ko.

"tss. 2 days pa, pinapaalis mo na kagad ako ? baka maglupasay ka pa sa paghatid mo sakin sa airport ah"

napatingin ako sa salamin, nakakakilig na makita siyang niyayakap ako at katabi ng mukha niya ang mukha ko. 

napatingin ako sa sahig. ayoko umiyak please. kinagat ko yung labi ko.

"a... ehhh. hindi .. hindi ko kayang ihatid ka sa airport." naramdaman kong nabigla siya sa sinabi ko, tapos ngumiti. 

"you sure ? baka magsisi ka." pangungutiya niya.

sino ba namang matinong tao ang kayang maghatid ng love ones nila sa airport siguro yung iba. yung mga magulang na magtrtrabaho sa ibang bansa at yung mga babae na matitibay yung dibdib. well ibahin niyo nalang ako, mas okay sakin mag-antay nalang sa arriving area kesa pumunta sa departure area, napaka sakit lang sa damdamin nun no.

ngumiti ako, i broke the hug at hinarap ko siya. 

"yes. " tapos tumingkayad ako to kiss him, nagulat naman sya, pero he responded kagad. 

O___O

69 days to fall inloveWhere stories live. Discover now