15

39 3 0
                                    


"Hi mga beks! Para sa ating exciting content ngayon, ipa-prank natin si Daezen babaita!" Masaya akong nagsalita sa harap ng camera.

Good mood ako ngayon dahil may naisip akong kalokohan na uubra talaga sa kanya.

Iprinepare ko ang lahat ng kakailanganin ko at umariba na ang trip maker sa bahay nila.

Pinapasok naman kaagad ako ni Manang Eva. Tinanong ko kung nasaan si Daezen at itinuro naman nito ang garden.

Pumunta na ako doon at nadatnan siyang kumakanta. Nakaupo siya sa duyan habang may nakasalpak na earphones sa kanyang mga tenga. Hawak din nito ang cellphone.

"... of the things that you could go along the way~
You'll get by, with a smile—"

"Babs!" tawag ko. Napatigil naman siya at nakakunot ang noong napatingin sa 'kin.

"Bakit ka nandito? At bakit nakatutok sa 'kin 'yang camera mo?" tanong niya at inilalayo sa mukha niya ang hawak ko.

"'Wag mo akong tarayan. Ipo-post ko 'to at makikita ng viewers ko ang nakabusangot mong mukha."

Tinanggal niya ang earphones niya at tinaasan ako ng kilay, "So, ano nga ang kailangan mo?"

"Gusto kong ikaw ang maging content ng vlog ko ngayon. Ang gagawin mo lang ay kumanta at tumugtog nito." Ibinigay ko ang kanina ko pang hawak na gitara.

"Seryoso ka?" Nag-aalinlangan niya iyong tinanggap at mukhang may namumuong suspicion sa kanyang isip. Nahahalata niya yatang may mali pero tinanggap niya pa rin naman ang gitara.

Ipinuwesto ko naman ang camera ko sa maayos na anggulo. Yung kita kaming dalawa.

Nagsimula na siyang mag-strum.

"Ang hina, lakasan mo naman," reklamo ko.

"Gaga, simula palang naman. Tsaka sana ay nagdala ka ng mic para malakas ano."

Inismidan ko siya at inikot ang mata ko. Ako ang humingi ng request kaya shut up na muna ako.

"I've never seen a diamond in a flesh
I cut my teeth on wedding rings in a movie."

Hindi ko alam pero nakaka-satisfy siyang marinig kumanta. Ang galing kasi, tsaka nakaka-proud rin na may frenemy akong magaling kumanta.

Sa sumunod na linya ay sumabay ako hanggang sa nasa chorus na.

"And we'll never be royals
It don't run in our blood
This kind of luck is just ain't for us
We crave a different kind of buzz
Let me be your ruler—"

Napatigil kami parehas sa nangyari pero napahagalpak ako ng tawa pagkalaon. Oh my, yung reaksyon niya, sobrang priceless! Nanlalaki ang mata at bahagya pang nakanganga.

Muntik ko na ngang makalimutan na may ginawa pala akong prank dahil masyado akong na-engross sa pagkanta namin.

Sinadya ko talaga na hindi higpitan ang pagkakatali ng strings kaya nung nag-strum si Daezen nang malakas, nagkalas lahat. Naglikha ito ng maingay na tunog na nagpalukot ng mukha ng babaita.

Yung feeling na nasa stage ka, birit na birit at feel na feel na ang kanta pero mapapatigil nang dahil sa pagkamatay ng mic. Gano'n na gano'n ang feeling mga beks.

Laugh trip! Wahaha!

"Woy!" Lumayo ako ng akma niyang ipapalo sa 'kin ang gitara ko. "No to violence!"

"Walangya kang bakla ka! Humanda ka sa 'kin!"

Tumakbo ako palabas ng bahay nila habang tawa ng tawa. Mabuti at hawak niya ang gitara kaya nabagalan siya sa paghabol sa 'kin. Muntik ko na nga ring hindi mabuksan ang gate nila, thank goodness dahil nasa akin ang swerte ngayon.

"Dito na muna tayo magtatapos mga beks! See you on my next vlog!"

Aakyat na sana ako sa kwarto ko nang biglang bumukas ang front door. Pumasok si pudra na inaalalayan si mudra.

"Sa'n kayo galing, Pader?" tanong ko.

Ngumiti silang dalawa nang matamis, "Galing kaming obstetrician, anak. Magkakaroon ka na ng kapatid."

What?! Buntis si mudra?!

Beauty and the BekiDonde viven las historias. Descúbrelo ahora