Day 3

91 3 0
                                    

-sa office-

Its been 3 days since nung nakita ko siya. Hindi ko alam kung anu ba ang pumasok sa isip ko at bigla ko na lang siyang sinundan nung araw na yun. May kung anung attraction ang meron siya at hindi ko maitatanggi yun. Bigla na lang akong nacurious sa kanya. Hindi lang kase talaga ako masyadong interesado sa babae at sa lovelife. Kahit yung previous Girfriend ko hiniwalayan ko kase di ako nageenjoy. Ewan ko nga ba, feeling ko kase boring lang at masasaktan lang siya kung ipagpapatuloy pa namen ang relasyon na iyon. Pero this time iba, I suddenly got interested in a girl. Take note, ni hindi siya artistahin. Kung icocompare mo siya sa mga kasamahan niyang mga babae na new hire, hindi siya mananalo sa ganda lang. Pero hindi basta physical attraction ang meron sa kanya ee. Iba ang dating niya.

Another boring day sa usual. Natapos ko na lahat ang reports na pinapagawa sa aken dahil sobrang nadadalian lang talaga ako sa trabaho dito. Nakakatamad kaya nagbasa muna ako ng manga. Angweird nga kase recently natuwa ako sa isang manga though romance ang theme na hindi ko masyadong gusto, nagkainteres akong basahin. Nagsimula akong magbasa ng manga na ang title ay Nisekoi, kung saan ang genre ay harem. (A/N: isang uri ng manga genre kung saan ang 1 guy ay may sangkatutak na babaeng love interest.) Nakakatuwa lang kase isipin na ang isang simpleng lalake na hindi naman talaga kapansin pansin ay papaligiran ng maraming babae. May isang chapter dito kung saan naka-disguise lahat ng babae na may gusto kay Raku; the main character, para sundan ito ng hindi nahuhuli. May Thrill kase yung ginagawa nila at nakakaexcite kapag may ginagawa ka na bagay na hindi ka dapat mahuli. Alam ko naman na illegal ang stalking at may batas na nagbabawal dito. Pero hindi naman siguro matatawag na stalking yun kung hindi naman nahaharass yung stalkee. LOL may ganun bang term? Naiisip ko lang minsan na paano kaya ang pakiramdam ng isang stalker? 

"Migs, baket masarap ang bawal?" nagulat naman ako sa mokong na toh. Bigla na lang kase nagtatanong ng kung anu ano habang may ginagawa ako.

"Wala akong alam diyan. Hindi uso saken ang salitang bawal. Wag ka ngang biglang nagtatanong ng nonsense Dee!" sabe ko sa kanya at bigla na lang siyang napangiti. Alam niya kase ang ugali ko na yun at dun kame nagkakasundo.

"Yan naman ang gusto ko sayo Migs eh! Kaya kaibigan kita ee!" sabe niya habang tinuturo turo ako. 

"Anu ka ba? Alam mo naman ako, imbis na maging Law Abiding Citizen ay naging Law Avoiding Citizen ako. I only follow one rule, and that is to go against the rule!" natatawa lang siya sa sinasabe ko. 

"Alam mo dahil magkasundo tayo, alam kong mapagkakatiwalaan kita at sayo ko lang nasasabe ang mga secrets ko." sabe naman ni Dee na biglang naging seryoso ang mukha.

"Di ko nga ren alam sayo kung baket sa dame ng babae mo, di mo pa ren hinihiwalayan si Ladie." si Ladie ang official Girlfriend ni Dee for 5 years. Hindi ko talaga maintindihan ang taong toh.

"Bro, mahal ko kase si Ladie. Kaya habang hindi pa kame kasal, sinusulit ko na. Kase kapag kinasal na kame, magfofocus na ako sa pamilya at wala na akong panahon sa mga fling." ewan ko ba sa taong ito. Baket nga ba kase kelangan pa ng maraming babae? Malamang isa lang din ang dahilan, boring kase kapag walang thrill. 

"Ewan ko ba sayo. Boring kase yung trip mo kaya di ko masakyan." pagkasabe ko nun ay tumingin siya sa may bintana at huminga ng malalim.

"Migs, alam kong alam mo ang ibig kong sabihin... baka nga mamaya lang gumagawa ka na ng bawal..." tumayo siya at tumingin sa akin. "kilala kita pare, alam kong gawain mo rin yan!" sabay tapik sa akin sa balikat. Alam ni Dee na ako yung tipong kunwari walang pakialam pero deep inside, I always wanna try something new regardless if there are rules that I need to follow.

-----

-sa elevator-

Napaaga yata ang lunch break ko ah. Unusual kase masyado na walang pila sa elevator ngayon. Mamaya maya lang kase unahan na ang pagsakay sa elevator eh. Maigi na rin toh at mabilis akong makakaakyat. Papasara na yung door ng biglang may pumigil dito. Pagbukas ay nabigla ako sa nakita ko. Siya nga! Yung babaeng nakita ko nung isang araw. Bigla na lang nanlamig ang katawan ko. Parang may kung anung magnet sa loob ng katawan niya na humihigop sa aken. Nung pumasok siya nabangga niya yung braso ko at nakaramdam ako ng kakaibang kuryente. Kakaiba talaga ang effect niya sa aken. Parang nahihirapan akong huminga at biglang pinawisan ako ng kaunti. Bigla na lang pumasok sa isip ko na gusto kong malaman ang lahat. Bigla na lang akong naging curious. For some reason, I really got interested in her. Alam kong bawal pero from now on, I decided to become her stalker!

Since this is something new to me, I need to make sure that this is documented in a Journal.

I'm gonna call it STALKAPADES!

_______________

Author's Note: Trip ko lang po, wag masyadong seryosohin. Hindi ko pinopromote ang stalking pero alam ko namang gawain nyo ren yan kea wag kayong magmalinis hahaha. Fiction po ulet ito at kung may pagkakatulad man sa totoong buhay, wala akong alam diyan. Nagkataon lang na ang mga storya ko ay may hugot. Itong day 3 na toh, inulit ko na lang itype toh kase yung pesteng wattpad app ay nagloko na naman at dinelete lahat ng sinulat ko. Eto yung buong chapter pero hindi ganito yung pagkasulat ko ee. Masgusto ko yung kanina pero lahat ng sinulat ko andito lahat, wala akong nalimutan hahaha. Suportahan niyo na lang.

The Stalker's JournalDove le storie prendono vita. Scoprilo ora