Day 12

48 2 7
                                    

-sa room ni Migs-

Hindi ko na alam! I'm really enjoying this game. Simula nung araw na iyon andame ko nang gustong gawin. I am holding all her info with me pero may kulang. I just can't believe that I am becoming obsessed with her. Ilang beses ko nang tinititigan ang phone ko. Inaamoy ko pa nga yung damit na suot ko pati yung phone ko na dinikit niya sa tenga niya. What the hell is happening to me? This is not good! I need to divert my attention somewhere else or baka matulad ako sa mga napapanuod ko sa TV at Movies na umaabot sa point na nasisiraan na sila ng bait. 

Nagcomputer na muna ako at naghanap ng mga girls sa Facebook. Meron nga pala akong Dummy Account na ginagamit and I even attempted to add Cara here. Pero maghahanap na lang ako ng random girl na mapagkakatuwaan. Mamaya pa ay may nakita akong girl, she looks cute pero masyado pang bata. Tantiya ko nasa 16 years old pa lang ito. Pagka-add ko sa kanya, agad naman siyang nag-accept ng Friend Request ko at nagPM agad.

FB CHAT

Lyka: Thanks for the add po! :3

Daniel: Sorry random add lang. Angcute mo kase.

Lyka: Hahaha, palabiro ka pala Kuya.

Daniel: Grabe ka naman. Don't call me Kuya

Lyka: Okay, anu po ba nickname muh?

Daniel: Danny?

Lyka: Hmmn, okay dannee! Masgusto ko double ee yung dulo para cute.

Daniel: Hahaha okay.

Lyka: May Girlfriend ka na?

Daniel: Huh bat mo naman natanong?

Lyka: Ako kase wala pang BF hihihi.


Hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba ang pakikipag-usap sa stranger na ito. Bakit naiinis ako na ganito ang mga kabataan ngayon? Siguro hindi sila natatakot kase mukhang Dummy Account lang din ang ginagamit nila dito. Hmmmn I guess there's no harm playing around with this girl. Siguro magandang outlet to para di ako mapraning kay Cara.

Daniel: Nice, wala akong GF. Ayoko kase ng relasyon.

Lyka: Baket naman ayaw mo? Masamang experience?

Daniel: Nakaktawa yung mga tanong mo, ilang taon ka nb?

Lyka: 24 na ako. Sorry ha, bata yung nasa profile picture ko.

Daniel: I see, kaya pala medyo matured and straight forward ka. Kainis, you remind me of someone.

Lyka: Ganun? Icompare ba daw ako sa ibang girls? 

Daniel: Pasenxa na ha, I'm not really good at handling girls. 

Lyka: Okay lang yun, wanna share about her? Para mapatunayan kong I'm better?

Daniel: Hahaha, sige... Panu ko ba sisimulan? Recently kase may isang girl akong nameet and sobrang lakas ng appeal niya. Hindi ko maexplain pero sobrang attracted ako sa kanya though hindi talaga ako mahilig sa girls.

Lyka: Does that mean... u are... you know? Beki? Wag ka maoffend ha.

Daniel: Hahahaha hindi! I mean hindi kase ako yung tipong mahilig lumapit at makipagkilala sa girls. Kase nga diba di ako mahilig makipagrelasyon. Pero di naman ako bakla.

Lyka: ahh sorry sige continue...

Daniel: So ayun, I got this feeling na nagugustuhan ko siya pero ayoko talaga. Pero angkulit kase lagi ko siyang naeencounter kahit di ko sinasadya. Tapos kakaiba yung feeling kapag kasama ko siya. Para akong kinukuryente.

Lyka: I see, I think sobrang lakas talaga ng appeal niya kung ganun. Nakakadisappoint, akala ko kaya ko siyang tapatan hahaha. Pero I suggest you pursue her, malay mo diba?

Daniel: Hahaha, di naman noh. Baka nga masmaganda ka sa kanya. 

Lyka: Ganun? Bakit, pwede ba namang attracted ka tapos di maganda?

Daniel: Sabihin na nating sobrang ganda niya sa paningin ko. Though kung icocompare sa mga usual girls na nakakasalamuha ko, she won't stand out much.

Lyka: Ayyy baka parang ako. I'll send you a selfie. Pero di kasama face ko. Hahaha 

Daniel: Okay naexcite naman ako

Lyka: *see attached photo*

Daniel: Ohhh nice, I can say you're a lot prettier. Kahit wala pang face haha. Okay lang yan, I'd like to play the "talk to strangers without harm" game. Maigi na yun kaysa basta basta natin ibibigay mga Real Account natin.

Lyka: Actually magandang idea yan. Stranger Friend na kta. SF? hahahaha

Daniel: No Prob, I'll send you a selfie din para fair.

Daniel: *another attached photo*

Lyka: OMG, parang angguwapo hahaha. Baka ma-fall ako sayo niyan.

Daniel: Hahaha, ambilis naman nun.

Lyka: Oo nga ee, actually yung last BF ko, nagfall ako agad sa kanya pero hanggang ngayon nahihirapan pa ako magmove-on. Kaya nga paminsan minsan nakikipag-usap ako sa strangers. Katulad ng ginagawa mo ngayon, nagshshare ka ng mga bagay na hindi mo mai-share sa ibang tao.

Daniel: Alam mo napagaan mo ang loob ko. Simula ngayon sayo ko na ikkwento ang mga bagay tungkol sa babaeng yun. Okay lang ba yun sayo?

Lyka: Okay lang yun. Minsan masaya ren malaman yung mga ganyan atleast nalalaman kong hindi ako nag-iisa sa mundo. May mga tao din na may problema tulad ko. Alam mo yun?

Daniel: Sa totoo lang di naman talaga ako mahilig mag-open up lalo sa mga babae. I guess its a first SF! :)

Lyka: Wow, I guess achievement ko toh. Anyway I got to go na! 

Daniel: Okay good night SF!

Lyka: GN din Dannee SF!


Bakit ganun? Parang bitin, pero ang kakaiba nito, portion lang ng pic niya ang pinakita niya pero I felt something strange with her too. This is getting interesting. I got another stalkee. Gusto ko ren malaman ang mystery sa likod ng babaeng nagtatago sa pangalang Lyka Houston. I tried to check for photos, pero as expected wala siyang photos na kita ang mukha niya. I need to look for clues pero wala akong mahanap kahit sa about section ng FB niya. Common friends kaya? Matrabaho toh pero nagtry akong magcheck sa timeline niya ng clue. I checked the profile web address sa web address bar ng Google Chrome ko. 

https://www.facebook.com/cara.ocampo16

I felt something strange. I got excited by the thought. Hindi kaya, si Caramelle yun? I searched for Cara Ocampo gamit ang search bar ng FB and I knew it. Hindi nga ako nagkamali, isa sa lumabas na names ay si Caramelle Arkins. I compared the profile address at bakit nga ba hindi ko napansin agad?

https://www.facebook.com/carasixteenocampo

Yan ang profile address ni Cara sa Real Account niya. Hindi pwedeng coincidence toh. I'm sure na siya nga yun! Bakit parang pinagtatagpo talaga kami?

Finally I got to talk to her via FB chat!

_________________________

Author's Note: ›Ayan po, isa po ito sa mga teknik na ginamit ko sa paghanap ng totoong account ng isa kong friend dito sa wattpad. Hindi ko po pinopromote ang stalking ha. Kelangan ko lang siya sa story kaya nilalagay ko dito. Marami pang pwedeng mangyari hahaha. Yung photo nga pala, photo ng pinakamamahal kong babae... haha hulaan niyo nga kung sino yan XD

The Stalker's JournalWhere stories live. Discover now