What is STALKING?

185 9 5
                                    

According to Google,  ang STALKING ay isang uri ng obsession that results to harassment. So kung susundan mo lang siya at hindi makakasama o makakasakit sa kanya, hindi matatawag na stalking yun diba?

Pero bakit ganun, pakiramdam ko mali ang ginagawa ko?

Parang ako ang masnasasaktan sa bawat araw na sinusundan ko siya?

Anu ba talaga ang stalking?

Baket ko ba ito ginagawa?

Kelan ko ba ititigil ito?

______________

-sa office-

MIGUEL

Isang walang kwentang araw! Walang bago! Bakit ba kase ako nagtrabaho? Akala ko magiging busy ako at magiging productive kapag nagtrabaho ako kahit pa hindi ko kelangan. I can die pero ang pera ko hindi siguro mauubos agad. Masyado lang talagang boring kapag walang ginagawa sa buhay kaya nagtry ako ng iba't ibang hobbies pero wala ee. Gusto ko ng thrill! Pero wala namang ganun dito sa opisina eh.

"Migs, may mga new hires tayo at mukhang jackpot!  Andameng chikababes!" sabe ni Dee, isa sa mga katrabaho ko na mahilig mambabae. Lahat na lang ng mga bagong hire dito gusto niyang mai-date. Tinignan ko lang siya at umiling.

"Wala kang kupas Dee! Kelan ka ba magbabago?" at mukhang nasiraan ng baet si Loko nung marinig ang sinabe ko.

"Umamin ka nga 'tol BAKLA ka ba? Never pa kase kita nakitang may dine-date na babae ee." ganti nya sa sinabe ko.

"I just find it boring dude, buti sana kung may babaeng kasing DAREDEVIL ko. Malamang mga date namen puro challenging na activities!" sabe ko na alam ko na hindi na naman sasangayon si Dee.

"Goodluck kung makahanap ka ng babaeng ganyan!" sa totoo lang hindi ako daredevil. Sinasabe ko lang yun para magmukhang cool at para tigilan na ako ni Dee.

Maya maya lang ay lumapit ang bisor ko at tinawag ako sa meeting room para ibigay ang report na pinatatapos sa aken.  Madali lang kase sa aken ang gumawa ng ganito kaya walang challenge.  Napadaan ako sa room kung saan ino-orient ang mga new hires bago ako nakapasok sa meeting room. Yung bisor ko lang ang nasa loob at inabot ko na ang flashdisk na naglalaman ng reports. Iniwan ko lang bukas ang pintuan sa kadahilanang saglit lang ako dito. Pagsulyap ko sa bukas na pintuan, nakita ko na may lumabas na babae sa Orientation Room at nung mapadaan siya sa pinto, may kung anung kapangyarihan ang humila sa aken at bigla na lang akong tumakbo palabas ng pintuan para sundan siya.

Bakit ganun, feeling ko gusto ko lang siyang sundan habang buhay?

I suddenly became interested with her.

The Stalker's JournalOnde histórias criam vida. Descubra agora