CBH 2: Chapter 10

770 31 4
                                    

GLAIZA'S POV

Dahil nahimasmasahan ako sa mga sinabi ko kanina. Bumalik ako ng bahay. Dahil kailangan kong mag ayos. Magpapalit lang ako ng damit pupuntahan ko si Rhian.

"Oh Glaiza! Bakit hingal na hingal ka? May hinahabol ka ba?" Tanong sa akin ni dad pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng pinto.

"Later dad." Sabi ko na lang sa kanya at agad akong dumiretso sa kwarto ko para magpalit

Ilang sandali lang ay nakabihis na ako at agad akong sumakay sa sasakyan.

Naisipan kong bilhan muna siya ng red rose and some chocolates. She love that.

Habang nagpapaarrange ako ng flowers, may lumapit sa akin at si TJ yun.

"Hi Glaiza." Bati sa akin ni TJ. Ano to? Mang eepal? Tsk.

"Hi. Bili ka ng flower?" I asked him.

"Siguro. Flower shop to diba. Not unless kung martilyo, hindi naman to hardware" aba peloso po ang loko.

"Oo nga naman. Haha" sarcastic na pagkasagot ko sa kanya.

"So, para kay Rhian ba yan?" He asked. Napatingin naman siya sa flowers na inaarange ni ate.

"Oo. Ano naman?" Sagot ko sa kanya. Tsaka bakit ba siya nangengealam?

"Glaiza. Ayoko sanang manghimasok. Pero andito na ako... Ang chaka ng pagka arrange. Ganyan lang?! Bigyan mo naman ng kulay my gosh!" Sabi nito sa akin. Laking gulat ko na parang nag iba ang tono ng boses niya at lumambot? Don't tell me...

"What?!" Sabi ko sa kanya.

"Hay nako Glaiza. Let me do the work" napa oo na lang ako sa sinabi niya.

Kinausap ni Tj si ate na nag aarange ng flower and sinabi niya yung mga dapat ilagay and kung paano dapat yung style. And di ko maipagkakaila maganda yung combination..

"Ok. Alam kong naguguluhan ka. Pero let me introduce myself. I'm TJ.. I'm Rhian's sissy! Oo Glaiza! Bakla ako! Kaya pleaseeeee. Yung tingin mo sa akin pwede yung pang tao ang trato? Kasi sa tuwing nakikita kitang nakatingin sa akin, pakiramdam ko sinusunog ako ng buhay! Hay jusko!"

Oh. Ok. So. ALL THIS TIME NA YUNG PINAGSESELOSAN KO BEKI?! BAKIT HINDI KO NAAMOY?!

"Seryoso ka ba diyan o ano?" Tanong ko sa kanya. Gusto ko lang makasigurado.

"Nako bakla! Wala akong time para mag bluff sayo! Busy ako sa boylet ko! Alam mo ikaw. Bilisan mo na pagkilos mo! Jusko Glaiza! Kung may heels lang ako dito, pinukpok ko na sa ulo mo. Kalerky"

Hahahahaha! Damn! Di ko akalain na ganito pala.

"Well TJ, I'm so sorry! I didn't know"

"Keribells lang yun." Sabay ngiti sa akin

"Tsaka sorry din kasi need din. Di kasi ako out sa family ko. Kaya ayun nagagamit ko si Rhian sa father ko. I'm so sorry Glaiza" sabi nito sa akin. Ramdam ko naman yung pag sosorry niya sa akin.

"Wala yun. Salamat at andiyan ka for Rhian"

"Glaiza. Alam kong magpagkakamali yung sissy ko. Pero maniwala ka para sa inyo din yun at lalo na sayo. She really loves you so much. Kaya happy ako na lumalapit na ulit loob mo sa kanya. Alam mo ba ang daming gabi, araw o anong oras man yan na umiiyak dahil miss na miss ka na niya. Gustong gusto ka niyang yakapin pero wala siyang magawa dahil alam niya na kahit baliktarin ang mundo nasaktan ka niya. Nasaktan niya yung pinakamamahal niyang tao. Mahal na mahal ka ng kaibigan ko Glaiza." Sabi nito sa akin. Hindi ko alam na ganun na pala.

Ako din naman noong una kong nakita si Rhian sa University, gustong gusto ko siyang yakapin at sabihin na mahal na mahal ko siya. Alam ni God kung gaano ko kamahal ang babaeng yun.

Walang gabi o araw na hindi ko siya inisip. Pag-gising ko ng umaga, pagtulog ko sa gabi siya at siya ang naiisip ko.

Oo may nagawang mali si Rhian. Pero kaya ko siyang patawarin at kalimutan ang lahat dahil mahal ko siya. Magsisimula kami ng bagong pahina sa buhay namin. Bagong kabanata na aabangan. Bagong libro nakailangan isulat.

Rhian, magsisimula tayo muli. This time pinapangako ko na hindi ka na muling mag-iisa. Lagi mo na akong kasama sa bawat laban ng buhay mo. Mahal na mahal kita.

"Tatandaan ko yan. Salamat Tj" sabay ngiti sa kanya. Dahil lagi kong aalalahanin ang sinabi niya.

"Ma'am heto na po yung flower" sabay abot sa akin ni Ate.

"Sige sis. Mag-ingat ka ah" sabi ni TJ sa akin. Nagpaalam na din ako sa kanya.

Agad akong sumakay ng kotse at tinawagan ko si Rhian kung asan siya.

"Nasaan ka?" Tanong ko sa kanya pagkasagot na pagkasagot pa lang niya.

"Nandito ako sa bahay. Bakit?"

"Antayin mo ako diyan. Huwag kang aalis ah" sabi ko sa kanya.

I can't wait to see her.

"I'll wait for you Glaiza" nag paalam na ako sa kanya sa cellphone.

Grabe gusto ko na talaga siyang makita. Kaya agad akong pinaandar sasakyak ko.

Pero sa ilang saglit na pagliko ko. Agad akong nabangga ng kotse..

At ang huling nakita ko ay ang mga taong nagkumumpulan sa daan..

---
-AB

Hi guys kamusta kayo. Sorry talaga kung di ako nakakapag-update pero promise ko sa susunod na update, medyo mahaba haba na. 😊

Salamat sa mga patuloy na nagbabasa ang sumusuporta sa pagsusulat ko. Nawa't pagtiyagaan niyo ko sa tagal kong mav update. 😅

You can follow me to my social media account. Ig and twitter: gemsibells

P.s. huwag niyo kong kulitin na mag update dun ah. Hahahaha.

Don't forget to vote guys. 😘 I love you all.

Come Back HomeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon