CBH: Chapter 14

4.8K 176 31
                                    

GLAIZA'S POV

Flashback

Natapos ang lunch namin pumunta muna ang mga co-teachers ko sa kanya kanya nilang kwarto dahil gusto raw muna nilang mag pahinga. So ang naiwan is kami nila Chynna, Sally, and Rhian. Nakaupo kami sa labas at pinagmamasdan ang alon. Buti na lang talaga hindi masyadong mainit.

"Tsong, anong gagawin natin mamaya?" Biglang tanong sa akin ni Chynna.

"May party tayo mamaya! A beach party!" I said.

"Talaga Glaiza?! Wow! First time ko to sigurado magiging masaya to" sabi naman ni Sally na kinagulat naman naming tatlo.

"Ikaw ba kausap namin?" Pangbara ni Chynna sa kanya.

"Bakit ikaw ba kausap ko?" Naku mukhang may magtatalo ata. Haizt.

"Hindi, pero bakit ka sumasabat sa usapan namin. Tignan mo nga si Rhian, tahimik lang oh" napansin ko rin na medyo tahimik si Rhian simula ng matapos kaming kumain. Ano bang meron sa kanya ngayon?

"You ok?" I ask Rhian.

"Yeah. Maybe I'm just tired. Taas muna ako sa room namin ah, and I'll call Bianca. Sally tara" agad naman silang umalis ni Sally.

"Oy. May problema ba yung fiancee mo Glaiza?" Tanong sa akin ni Chynna.

"Ewan ko, kanina ok naman siya. Baka nga pagod lang talaga. Ang haba rin kasi ng byahe eh" Paliwanag ko sa kanya. Pero talagang hindi ko alam kung anong meron sa kanya.

"Hay naku! Teka nga kuha lang ako ng juice. Ang init eh" grabe ang galing nila iniwan talaga nila akong mag isa rito.

Pero sabagay kahit papaano sanay akong mag isa. Oh well..

"Glaiza!" Sigaw sa akin ni Joross, nasa beach na kasi kami ngayon para mag ready sa beach party mamaya, inaasikaso ko na lang kung ano ba ang mga kakailanganin, from food to drink and syempre naman ang music. I want them to enjoy.

"Oh?" Tanong ko sa kanya ng makalapit siya sa akin.

"Grabe naman to. Talagang beach party for us! Wow ah!" He said,

"Oo, minsan lang to. You can do whatever you want, just don't flirt with my fiancee. Kilala ko ang tipo mo Joross" paalala ko sa kanya,

"Ikaw naman. Syempre alam ko yun. Ang kay Juan kay Juan lang. Kay Juana ay Juana lang. Kaya don't worry, for sure maraming bebot dun sa kabilang resort" hindi lang ang DC Resort ang nandito, marami rin at ang isa rito ang See Resort. For sure maraming tao dun, kasi close ang DC Resort, pero once na nag open to ulit for sure sa amin ulit ang mga turista.

"Well, you're right, pero nga ipapasara ko to, para tayo tayo lang" I said.

"Pero Glaiza, hayaan mo naman na makiparty din sa atin yung iba, tignan mo oh. Ang tamlay dun sa kabilang resort, talagang mababagot sila roon." 

"Well I can consider that. Pero huwag ngayon, maybe tomorrow night? Mas maganda kasi kung solo muna natin tong resort na to" paliwanag ko sa kanya.

"Ok. Hahaha. Ikaw ang boss eh" 

"I know" 

Umalis na si Joross at pumunta sa kabilang resort para raw mag hanap ng bebot. Tsk! Kahit kailan talaga to.. Ako naman patuloy sa pag aasikaso para sa party mamaya. 

Napansin ko na hindi ko pa nakikita sila Rhian at Sally simula nung nag paalam si Rhian na tatawagan niya si Bianca at pumunta sa room nila. Maybe she's sleeping or what.. Puntahan ko na lang sila mamaya after this.

Come Back HomeWhere stories live. Discover now