CBH: Chapter 25

4.3K 160 101
                                    

GLAIZA'S POV

Flashback

Dalawang araw na rin kaming andito ni Rhian sa New York, so far so good, and mamaya andito na ang parents namin ni Rhian. Medyo excited na rin ako, dahil yung mga espesyal na tao sa buhay namin ay kasama namin sa araw na pinakahihintay ko.

"Rhi. Halika na. Sunduin na natin sila sa airport" sabi ko kay Rhian. Nasa labas kasi ako sa kwarto niya ngayon at hinihintay siyang lumabas.

"Wait lang! Palabas na ako!" She said. Hindi na lang ako nagsalita at tumahimik na lang. Tutal sandali lang ay nakalabas na yun dito.

Ilang sandali lang ay lumabas na siya. Sa wakas after 64827678382 years, natapos na rin.

"Buti naman at natapos ka pa" I said to her, at siya naman tinignan ako ng masama.

"Joke lang. Halika na nga. Baka andun na sila." Umakbay na lang ako sa kanya, dahil for sure pikon nanaman to. Hahaha.

"Ikaw talaga umagang umaga iniinis mo ko. Hmft!" Sabi niya sa akin. Hahaha. Ang cute lang.

"Alam mo naman na hindi nabubuo ang araw ko kapag hindi kita iniinis, ang cute cute mo kaya. Pakiss nga!" Sabay nguso sa kanya.

"Mukha mo! Halika na nga. Ang daming satsat eh!" Inis na sabi niya sa akin. Hahaha. Siguro malapit ng magkaroon to. Ang sungit sungit eh.

Sumakay na lang kami sa kotse na nirentahan ko, para kami na lang ang sumundo kila dad, ayoko naman na mag taxi pa kami.. Kaya nagrenta na lang ako ng car.

Wala kaming imikan ni Rhian sa byahe, halatang nabwisit ata talaga sa akin.

"Kahit di mo ko pansinin. Mahal kita" nagsalita na lang ako dahil nakakabingi ang katahimikan naming dalawa.

"Kahit ang sungit mo. Mahal kita."

"Kahit nakasimangot ka. Mahal kita"

"Kahit ang takaw mo. Mahal kita"

"Kahit ang pikon mo. Mahal kita"

"Kahit ang clumsy mo. Mahal kita"

"At higit sa lahat, kahit topakin ka. Ikaw lang ang mahal ko. Kaya Rhi. Sorry na." I said to her, at nakita ko naman siyang tumingin sa akin..

"Oo na sige na. Mag drive ka na lang diyan" haysss. Mukhang hindi pa talaga kami ok ah. Bahala na nga lang mamaya. Suyuin ko na lang.

Matapos ang ilang minuto at nakarating na kami sa airport at sakto naman na nakita na namin sila.

"Rhian anak. Kamusta kayo rito?" Tanong ni Tita Clara kay Rhian.

"Ok lang naman po Mom." Sagot ni Rhian sa kanya.

Niyakap ko si Alchris pati na rin si Dad, kahit papaano naman namiss ko sila eh.

"Naks! Hahaha. Ikakasal na kasi bukas, kaya ang lambing lambing ni Cha" pang aasar sa akin ni Alchris, kahit kailan talaga tong lalaking to. Lagi na lang akong niloloko jusko.

"Oo nga tol eh. Ako ikakasal na. Ikaw hanggang ngayon wala ka pa ring girlfriend!" Ano akala niya? Hindi ako gaganti. Tsk. Lintek lang walang ganti nuh.

"Ito naman si Cha, hindi mabiro. I love you ate" sabay yakap ulit sa akin. Naku talaga, kahit malaki na to, baby ko pa rin to eh.

"I love you too bro! Sige na.." After ko kay Al, kay Dad naman ako pumunta.

Come Back HomeWhere stories live. Discover now