Prologue

210 68 58
                                    


DISCLAIMER
(Please Read)

This story has mature themes and strong language that you might find disturbing. Read at your own risk.

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This story is requested by one of my best friends, Annika Balonzo, she will be the leading lady, that is why I would like to dedicate this story to her as a birthday gift. Hopefully, she will like it. I love you.

Happy Reading!

P.S

The amateur writer is on the loose!

~Margaux~
——————————————————

"Pakisulat na lang po rito."

Binigyan niya naman ako ng notepad bago siya kumuha ng box. Nagsimula naman ako magsulat. Binasa ko muna ito bago ko binalik sa kaniya.

'Happy 6th Monthsary!'

Pagkatapos niyang isulat ang dedication sa cake, nilagay niya na 'yon sa box. Pinatong niya ito sa counter dahil nasa harap ko ang rolyo ng ribbon. Sinimulan niyang talian ng ribbon ang box bago ito inabot sa'kin.

Binigay ko naman ang bayad at may tinipa naman siya sa computer saka niya binigay ang resibo. "Thank you, ma'am! See us again!" Nginitian niya ako at ngumiti lang ako pabalik.

Nag-book na'ko ng Grab papunta sa apartment niya. Noong nakasakay na'ko saka ko siya tinawagan. Matapos ang tatlong ring sinagot niya rin naman agad.

Miss na miss ata ako.

"Yes, baby?"

Siguro may ginagawa 'to kaya ang seryoso ng boses. Lalaking-lalaki ang boses niya kapag seryoso. Kahit boses lang ang gawapo na. Na-i-imagine ko tuloy na may tinitignan siyang blueprint habang kausap ako.

"Papunta na'ko."

"Ha? Ah, okay sige. Maliligo na'ko."

"Ano'ng oras na, 'di ka pa naliligo?" Napatingin ako sa digital kong relo at nakitang malapit na mag-ala-sais.

"May tinapos lang. Saka nakakatamad maligo kapag ganitong malamig."

"Pa-initin natin para hindi ka na tamading maligo?" Narinig kong natawa siya sa kabilang linya.

"I like your suggestion."

Natawa na lang din ako. "Baliw. Sige. maligo ka na. Bye."

"Ingat ka ah? I love you, " napangiti ako sa sinabi niya kahit ang daming beses niya nang sinabi 'yon. 'Di lang naman teenager ang kinikilig. 

"Sige, I love you too," sambit ko bago ko binaba ang tawag.

Nakita kong tinitignan ako ng driver sa rear-view mirror. Ang awkward lang kaya nag-iwas ako ng tingin at tumingin na lang sa bintana.

Paki niya ba?

Marami pa kaming trabaho ngayon kasi weekday kaya nagdesisyon kami na simpleng celebration na muna. Sa weekend na lang daw kami mamasyal.

Pagkarating, pumasok na agad ako sa apartment niya dahil hindi naman naka-lock ang pinto. Wala siya sa living room or sa dining kaya pumunta ako sa kwarto niya. Pinatong ko muna 'yung cake sa lamesa, at ang bag ko naman ay sa sofa. Hindi ulit ako kumatok at agad na binuksan ang pinto niya.

Natawa ako dahil naalarma siya sa biglang pagbukas ng pinto kaya mabilisan niyang sinuot ang white shirt. Halos mabalian na siya sa biglang pagmamadali.

Sayang, 'di ko nakita.

Grabe, ang gwapo talaga kahit naka-white shirt lang. "Don't you know how to knock?" Tinawanan ko ulit siya bago ako naglakad palapit. Niyakap ko siya sa beywang at tumingala sa kaniya. Hindi ako maliit sadyang matangkad lang siya!

Nginitian niya naman ako bago kinulong ang mukha ko sa mga palad niya at dinampian ako ng halik. "Happy monthsary," bati niya naman bago ako niyakap.

Ang cute namin. Bakit ganoon?

"Happy monthsary din." Bigla namang tumunog ang doorbell niya. "May bisita ka?" nagtataka kong tanong at kumalas sa yakap para matignan ko siya.

Umiling naman ito. "Nag-order ako ng pagkain," sagot niya bago lumabas ng kwarto. Sinubukan niyang ayusin ang itim niyang buhok. Medyo mahaba ito at basa pa dahil kakaligo niya lang.

Ang gwapo talaga. Boyfriend ko talaga 'to?

Sinundan ko naman siya palabas at sinara ang pinto sa kwarto niya. Pumunta akong living room dahil malpit dito ang pinto. Nagtaka naman ako nang may makita akong mestizang babae roon. Maganda at matangkad parang modelo.

Sure ba siyang pagkain ang ni-order niya?

Lumipat naman ang tingin ng babae sa'kin at agad niya akong tinaasan ng kilay. "Who is she?" mataray niyang tanong habang hindi tinatanggal ang tingin sa'kin.

Inaagawan niya naman ako ng linya. 'Di ba dapat ako magtatanong non?

"Girlfriend niya, bakit? Sino ka ba?"

"You bitch!" Nang akmang susugudin niya ako ay pinigilan siya agad ni Vincent kaya napatingin sa kaniya 'yung babae na parang lumaklak ng gluta sa sobrang puti. "What? You're protecting her?!"

"Mel, 'wag namang ganito. Mag-usap tayo sa labas." Sinubukan niyang pakalmahin 'yung Mel pero ayaw talaga magpaawat!

Pilit siyang kumakawala kay Vincent pero nag-wo-workout kaya 'yan. Kayang-kaya niya ngang ibalibag 'yang babaeng gluta kung gugustuhin niya e. "Tara na sa labas."

"Kabit ka lang! 'Yan ang tatandaan mo!"

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Agad na naipon ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ako makahinga dahil sa nararamdaman kong bigat sa dibdib.

Ayaw kong maniwala. Ang hirap maniwala.

"Sige. Mukhang kailangan niyong mag-usap. Aalis na muna ako, " sambit ko at saka ko kinuha ang bag sa sofa.

Halatang nahihirapan si Vincent sa sitwasyon. Alam kong gusto niya rin ako kausapin pero sa ngayon mukhang mas kailangan niyang kausapin 'yang Mel niya.

Hindi ko na rin kaya. Masyadong masakit. Alam kong kailangan kong umalis. Kailangan kong lumayo. Ano ba kasing nangyayari? Bakit bigla namang ganito?

Bakit?

——————————————————

Annika's Wattpad account: velvethyrsus

Written on May 31st, 2020

Passionate Love (Love Trilogy #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora