Ipinilig naman ni Justin ang ulo. "Good. That's right," pinagpatuloy na niya ang pagkain hanggang sa maubos na ito. He was just hoping that she will never ask anything personal about him. Ayaw niya na kasing may kasinungalingan na lalabas sa bibig niya.

"May nanliligaw na ba sa 'yo?" Seryosong tanong niya at saka na lang napahinto ang tingin ng dalaga sa kaniyang mga mata. Umigting ang panga niya habang seryosong nakatitig din dito. Medyo namula ang pisngi ng dalaga kaya ito umiwas ng tingin.

"I don't know, wala pa yata?" Nakita niyang pinagsalikop nito ang mga daliri.

"Kapag may manligaw sa 'yo, sabihin mo sa 'kin," seryosong turan niya at saka nagtungo sa ref para kumuha ng tubig st saka niya binayaran. Bumalik ito sa puwesto niya nang hindi na nakatingin si Joselle.

Tila naging awkward na naman ang paligid. Tahimik na naman silang dalawa pareho. Nang maubos na ni Justin ang tubig ay agad na niyang niyaya si Joselle para ihatid pabalik sa dorm nito. Ngunit nagmatigas pa ang dalaga.

"I can go home alone," pagmamatigas nito. Umigting na lang ang panga niya at saka umiwas ng tingin. Hinawakan niya ang pulsuhan nito at hinila palabas ng lugawan. Iwinaksi naman nito ang kamay niya.

"Why are you acting like that, Joselle?" Naguguluhang tanong niya. Sinamaan siya ng tingin ng kapatid at humalukipkip ito.

"You don't need to, Kuya. I can--"

"Pinaiwan ko sa iyo 'yong bag ko, 'di ba?" Tila umurong naman ang dila nito sa sinabi niya. Hindi na nakaimik pa. Nanalatak siya at saka niya muli hinawakan ang kamay ng dalaga. Malamig na ito ngayon hindi dahil sa panahon. Sa tingin niya'y napahiya ito sa sinabi niya. Winaksi muli nito ang kamay niya.

"We can walk together without holding hands, right?" Pagsusungit nito at saka na lang naunang maglakad kay Justin. Sumunod na rin siya rito.

Hindi niya alam kung nireregla ang kapatid dahil bigla-bigla na lang nag-iba ang mood nito. He found it adorable that's why he smiled while walking behind her.

--

Nakapamaywang siya ngayon habang dina-dial niya ang numero ng kaniyang engineer at hindi ito sumasagot. Nakailang mura na rin siya at parang gusto na niyang magwala pa sa tinitirhan niya. Binuksan niya ang bar ref at kumuha ng heine saka nilagok ito.

Binaba niya na lang ang telepono at bigla na lang siyang may naalala. Maria Pia Delgado. Nang maalala niya ang babaeng iyon ay agad naman niyang hinanap ang pantalon na suot niya noong isang araw. Hindi na niya naabangan si Joselle sa pag-uwi na 'to matapos ng nangyari sa kanila. Maiging pinalamig niya muna ang ulo nito. Tiyak ay nabigla lang iyon sa sinabi niya maging sa kinilos niya.

Hinanap niya ang lokasyon sa google map at hindi lang pala iyon kalayuan. Agad na siyang naligo at saka nagbihis. Hindi na siya nagpabango dahil hindi naman importanteng tao iyon. Nais niya lang makausap ito at kung puwede pa niyang mapakiusapan iyon tungkol sa site.

"Glad you found me, Justin," wika nito at ginawaran pa siya ng halik sa labi. "I missed that lips!" May pag-gigil pa na turan nito.

Niyaya siya nitong maupo at pinagtimpla pa ng kape. Nilinga niya ang paligid at napaka-cozy ng design. Hindi masakit sa mata at presko sa pakiramdam. He feels like at home. He was wondering if there is still available unit in the future? Ginulo niya ang buhok at saka nakita niyang papalapit ang dalaga sa gawi niya para ilapag nito sa lamesita ang kape.

"Salamat," he said then took a sip.

Umupo ito sa tapat niya. Nakasuot lang ito ng oversized shirt na nagmukhang dress dito at sa tingin niya'y nakasuot lang ito ng underwear sa pambaba. Binasa nito ng laway ang labi at saka nilarolaro ang unan.

Behind His Feelings (Completed)Where stories live. Discover now