CHAPTER 16 : QUIZ BEE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Uh? G-Gusto ko l-lang k-kasingㅡ"

"Chill bro, Alam kong maganda si Babe ko pero hindi mo kailangang mautal" Napasapo nalang ako sa ulo ko dahil sa inakto ni Adrian. Mas mabuting hindi ko nalang siya pansinin. I cleared my throat tsaka ako lumapit kay Justin. Hindi ko maiwasang humanga dahil sa itsura niya, mag-simula sa matangos niyang ilong hanggang sa mapupungay niyang mata at mahahaba niyang pilikmata. Hindi
nakakapagtaka kung bakit maraming babae ang nakakandarapa sa kanya.

"Ituloy mo, wag mo siyang pansinin" Maawtoridad kong sabi kay Justin. Inilayo ko kay Justin si Adrian para makapag usap kami ng maayos, pero nagpupumiglas ito kaya mas hinigpitan ko pa lalo ang pagkakahawak ko sa braso ni Adrian.

"Uhh? Ano kasi" Nakayuko nitong sabi.

Wala ngayon sa sarili si Ice kaya sigurado akong hindi lang din siya papansinin no'n hanggang sa matapos ang araw na 'to. I need to do something. Ako na ang bahala dito , Ice. Sabi ko sa isip ko tsaka ako tumango. Kailangan kong magsinungaling sa lalakeng 'to, para lang din naman sa kanya 'tong gagawin ko.

"Tell me, anong dahilan kung bakit mo siya hinahanap"

"Gusto ko sanangㅡmagpasama sa kanya na pumunta sa principal's office" Nalaglag ang panga ko dahil sa naging sagot niya.

"Hmmm, Gusto mo samahan na kita? Puntahan natin si Ice!" Nakangiting sabi ni Adrian at hindi lang 'yon dahil may pasuntok sa ere pa siyang nalalaman. Naikuyom ko ang kamao ko at pinanliitan siya ng mata, binigyan ko siya ng isang malakas na suntok dahilan para tumilapon siya sa di-kalayuan. Opps! Napalakas yata. Nah? Nevermind. Ok na sana kanina akala ko magp-prisinta na siyang samahan si Justin papuntang Principal's office pero parang kinalawang na naman yata ang utak niya.

"N-Nakakatakot" Nanginginig na sabi ni Justin. Napahakbang ito paatras dahil sa takot. Mukhang natakot siya kanina sa ginawa ko.

"Ako nalang" Humalukipkip ako tsaka ko siya tinignan ng diretso sa mga mata niya.

Napapikit ito ng mariin at lumunok.
"A-Anong ibig mong sabihin?" Nauutal nitong tanong sa akin.

Napabuntong hininga ako tsaka ko nilapit ang mukha ko sa kanya. I gave him my sweetest smile, dahil doon ay nawala ang takot sa mukha niya pati narin sa mga mata niya.  "Busy si Ice ngayon at Sigurado akong hindi siya papayag sa gusto mo. Kaya kung ok lang sa'yoㅡako nalang ang sasama sa'yo papuntang Principal's office" I suggested. Mabuti nalang at mabilis siyang kausap.

Papunta na kami ngayon ni Justin sa Principal's office. Sumama din sa amin si Adrian dahil gusto niya daw akong makasama. Err? Creepy. Lagi ko naman siyang kasama eh.

"Avery , Pwede ba akong magtanong?"

"Alam mo kahit naman sabihin kong hinde magtatanong at magtatanong ka parin" I mumbled and smirked. Nakita ko gamit ang peripheral view ko ang marahan niyang pagyuko. Napabuntong hininga ako, hindi naman ako gano'n kasama, i felt guilty sa pagsusungit ko sa kanya so I decided na pagbigyan siya.

"Go on" Bored kong sabi.

"Lagi bang busy si Ice?" Good question boy. Humalukipkip ako tsaka ako umaktong may iniisip. Pero bakit parang hindi ko naman na kailangang mag-isip. Lagi naman talagang busy 'yong babae na 'yon. Natawa nalang ako sa isip ko.

"Yeah" Tipid kong sagot sa tanong niya. Tumango-tango lang siya at hindi na nagsalita pa. Tumigil kami sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng isang double door, i was about to knock the door but i suddenly heard Principal's voice saying something important.

THE S CLASS PROJECTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon