CHAPTER 13 - REQUEST

Start from the beginning
                                    

"Sorry po" isang estudyanteng tatanga tanga hindi tumitingin sa kanyang dinadaanan.

"Okay lang magingat ka sa susunod" nakangiting sabi ko sa kanya. Habang inaayos ko ang aking saklob.

"Uy pumarini ka na!" Sigaw ng isa niyang kasama. Na napatingin naman sa akin. Hindi parin kumikilos ang kasama niya na nakatingin lang sa akin. Kaya nilapitan na niya yung babae bumanga sa akin na ngayon ay nakatulala sa akin.

May dumi ba ako sa mukha.

"Pa-pasensya na po" paghihingi ng paumanhin ng kasama niya at saka niya hinigit yung babae nasa harap ko.

"Sh*t teh ang gwapo" hindi pa man sila nakakalayo. Naririnig ko ang paguusap nila.

Napailing na lang ako dahil dito, at saka sumilip sa bintana.

Ano bang meron sa baba?

Pinagmasdan ko maigi ang mga tao na nasa baba. Tama ba ang nakikita ko? Naglalaro ba sila?

"Hindi ba nila alam na masama yung ginagawa nila?" Napatingin na lang ako sa mga estudyanteng nagrereklamo, dahil sa mga taong nasa baba. Na hindi naman masyadong kalayuan sa kinatatayuan kong bintana.

Sino ba sila? At papaano nagkaron ng masama sa ginagawa ng mga tao sa baba?

"Well humanda na lang sila mamaya sa kakambal ni elyse"

"Ay ay ay masyado silang masaya ngayon patay sila mamaya. Lalo't nabalitaan ko na yung bagong teacher ang nagpasimuno"

"So may gagawin ba tayo?" Nakangiting sambit noong babae sa kanyang mga kasamahan.

"Hayaan na lang natin yang mga section six. Sayang lang sa oras"

"Oo lalo't nasa sakanila si toyo. Mapapahiya lang tayo" sinong toyo naman ang tinutukoy nila?

"Ano ba kayo mga takot? Ashhh naman eh! Kung ayaw ninyo edi ako na lang" siya ba yung pinuno sa grupo. At kung magalit wagas.

Nag walk out na siya kaya sinundan naman siya ng mga kasama niya.

Hmmm... tinignan ko ng maigi ang mga tao sa baba. Ng may mapabsin ako.

Hindi ba.... parang nakita ko na siya.... hmmmm.... ah oo siya yung lalaki na nakasuot ng pang babaeng uniform. Na nakita ko sa faculty last time.

Hmmmm.... this is so interesting.

Hehehehe

---------------

"Bakit nandito ka nanaman? Akala ko ba sa monday ka pa papasok" ayaw ba niyang binibisita ko ang school niya.

"Tumitingin lang ako. Wala naman akong ginagawa sa bahay" yun naman ang totoo. Pero may pakay ako kaya ako pumunta sa kanyang office.

"Pero may kailangan akong sabihin" nakangiting sabi ko sa kanya.

--------------

(UNKNOWN)

Sabi na at may kailangan ang isang ito sa akin.

Alam niya na hindi ako makakatanggi sa kanya. Lalo't malakas ang tatay niya sa akin.

Well it's not really my plan na dito siya pumasok. Pero about the information that i gather about him, it's can help me. Kaya pumayag ako.

Pero may masama akong pakiramdam kung ano man ang sasabihin niya ngayon sa akin.

"I have three request" he said at ngumiti sa akin.  Heto na nga.

"What is it?" Seryosong tanong ko sa kanya.

When she meet her matchWhere stories live. Discover now