Chapter 27

3.2K 73 1
                                    

Andrea's POV

It's been a week when I answered raymond and in that 1 week he never failed to make me feel really lucky to have him. Palagi kaming sabay pumasok sa trabaho at minsan sa unit niya din ako natutulog dahil ayaw niya na ko pauwiin sa condo ko.

"Love I love you" sabi niya sa akin at niyakap ako mula sa likod ko. Kasalukuyan kasi kaming nasa office niya at nakaupo ako sa sofa dahil wala naman ako masyado ginagawa.

"Nako nag lalambing na naman ang love ko" pag kasabi ko nun ay umupo siya sa tabi ko at niyakap ulit ako

"Asaan na I love you too ko?" Parang batang sabi nito

"Huh" pang aasar ko sa kanya

"Love naman ih" kapag ganito talaga siya ay parang ibang iba ang raymond na kasama ko. Ibang iba doon sa masungit na raymond na nakikita ng ibang tao.

"Eto na po, I love you too love" sabi ko sa kanya at binigyan siya ng smack sa labi tsaka pinag patuloy ang pag babasa ko

"Isa pa love" hindi ko na siya pinansin dahil mangungulit na naman tong isang to "love sige na isa pang kiss" sabi niya tsaka sinundot sundot pa yung tagiliran ko.

Hinalikan ko naman ito sa noo niya tapos sa kaliwang pisngin then sa kanan and sa labi niya.

"Okay na love" tanong ko sa kanya

"Okay na okay" nakangiting sabi nito

"Wala ka na bang ginagawa?" Tanong ko sa kanya habang nakabaling pa rin ang tingin ko sa report na binabasa ko

"Tinatamad na ko love" hay nako umiral na naman pala ang katamaran nitong isang to

"Ganito na lang kapag maaga natapos yung ginagawa natin date tayo?" Tanong ko sa kanya

"Ngayon na puwede naman bukas yun" naka ngiting sabi nito, kaya napailing namam ako sa sinabi niya

"Tapusin mo na yun kapag hindi mo tinapos yun wala tayong date" nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya, gusto kong matawa sa sarili ko dahil siya ang boss ko pero ako ang nag uutos sa kanya.

"Opo gagawin na po" sagot naman nito,  "alam ko ako ang boss pero bakit siya ang nasusunod" rinig ko namang bulong nito kaya napahagikgik na lang ako.

Naging busy kaming dalawa ng oras na yun at hindi na nangulit pa si raymond mukhang tinatapos na talaga lahat ng gawain niya.

Bigla naman nag ring ang cellphone ko, nag taka naman ako kung sino to dahil number lang ang naka register.

"Hello who's this?" Tanong ko sa telepono at tumingin kay raymond na saktong nakatingin rin pala sa akin habang naka kunot ang noo.

"Hello drei"

"Ikaw pala bakit ka napatawag?" Naexcite naman ako bigla ng mabosesan si chase ang tumawag sa akin ang tagal ding hindi nag paramdam ng lalaking to.

"Labas ka dali nandito ako sa labas ng office ni raymond"

"Pumasok ka na lang dito"

"Ayoko, labas ka na lang saglit lang to"

"Oo na eto na" sabi ko kay chase tsaka ibinaba ang tawag niya

"Sino yung kausap mo?" Naka kunot pa rin ang noong tanong sa akin ni raymond.

"Si chase yun, labas lang ako saglit"

"Bakit?"

"Ahmm nasa labas kasi si chase sabi ko pumasok na lang kaso ayaw naman"

"Dito ka lang papasok din yun"

"Saglit lang talaga to" tsaka na ko lumabas ng pinto para hindi na siya makatutol pa. Pag kalabas ko nakita ko naman agad si chase na nakatayo sa may labas ng pinto ni raymond.

"Bakit ba hindi ka na lang pumasok?" Tanong ko kay chase

"Ayoko"

"Bakit ka napapunta dito? Pag katapos mong hindi mag paramdam ng matagal.

"May inasikaso kasi ako sa company namin" sabi naman nito "tara dun tayo sa may coffee shop sa baba namiss kita drei"

"Namiss din kita chase"

Bumaba na kami at tumungo doon sa sinasabi niyang coffee shop.

"Kamusta kayo ni raymond?"

"Alam mo na?"

"Syempre naman nuh"

"Sorry" naguilty ako kasi alam kong napaasa ko rin ang isang to.

"Ano ka ba wala ka naman kasalanan tsaka buti naman at natauhan na talaga ang isang yun. Akala ko kailangan ko pa pag selosin ng todo eh"

"What do you mean?" Nalilitong sabi ko

"Alam mo kasi drei alam ko naman na mahal ka pa rin nun ni raymond kaya gumawa na lang ako ng paraan para mapaamin siya"

"Sira ka talaga"

"Ganyan ka na ba mag pa thank you grabe ka drei ahh"

"Baliw, tara na balik na nga tayo doon at may tatapusin pa ko"

"Sige tara na, sure ako umuusok na ilong nung boss mo" natatawang sabi niya kaya napatawa naman ako sa sinabi niya and knowing raymond hindi malayong mangyare yun.

Nag lakad lang kami pabalik at kanina ring papunta kasi malapit lang naman yung coffee shop sa kompanya.

"So bye na, see you next time na lang ulit drei"

"Bye chase, see you next time"

Pag katapos naming magpaalam sa isa't isa ay umakyat na ko dahil sa may baba na lang ako nag pahatid may chase dahil mahassle lang siya pag umakyat pa siya ulit sa office ni raymond.

"Saan ka galing?" Bungad agad sa akin ni raymond habang nakatingin sa akin at umiigting ang panga.

"Diyaan lang sa may coffee shop sa baba may sinabi lang sa akin si chase" sabi ko

"Ano naman yung sinabi niya?" Malamig na sabi naman nito, mukhang nag seselos na naman ang love ko kaya lumapit ako sa kanya at yumakap.

"Nag seselos ka love?" Sabi ko sa kanya dahilan upang tumingin siya sa akin.

"What if I am" sabi niya naman na nakatitig pa rin sa akin

"Wag ka na mag selos love nangamusta lang naman si chase kung kamusta na tayo"

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko tayo na ulit then sabi niya buti naman daw"

"Yun lang?"

"Promise love yun lang"

"Hmmm"

"I love you love wag ka na mag selos kay chase"

"I love you too love, kasi naman mang liligaw mo dati yun"

"Pft ginawa niya lang yun para mapaamin ka niya na mahal mo pa rin ako so dapat thankful ka pa nga sa kanya" natatawang sabi ko kay raymond

"I love you love" tsaka niya ko hinalikan sa labi

The BossWhere stories live. Discover now