Chapter 22

3.2K 72 1
                                    

Andrea's POV

May naramdaman akong nakadagan sa may tyan at binti ko at alam ko na agad kung sino yun

Tinignan ko naman siya napaka amo ng mukha niya kapag tulog hindi mo iisipin na may ugaling demonyo ang isang to pero ang gwapo niya talaga

"Alam mo kung pinakasalan mo na kaya ako lagi mo ng makikita tong gwapo kong mukha" nakapikit pero nakangiti niyang sabi

"Tumayo ka na nga diyan may pasok pa tayo"

"Wag na tayo pumasok ganito na lang tayo buong maghapon"

"Hindi puwede, tumayo ka na dyan"

Tumayo na ko at siya ayun nakahiga pa rin

"Uwi na ko sa unit ko mag r-ready pa ko, ikaw tumayo ka na diyan punta ka na lang sa unit ko sabay tayo mag breakfast"

Agad naman siya napatayo

"Talaga sabay tayo mag breakfast pati pumasok" nakangiti niya sabi

"Oo kaya tumayo ka na diyan"

Pumunta na ko sa unit ko naligo muna ako tsaka nag luto ng breakfast namin

May kumatok at alam ko namang si raymond, bunuksan ko yung pinto

"Bakit ganyan ang suot mo saan ka pupunta?"

Naka tshirt lang kasi siya at naka maong pants pa

"Sa opisina, okay lang naman na ganito yung suot ko"

"Upo ka na doon"

Tahimik lang kami hanggang matapos kaming kumain

"Tara na love"

"Wait hindi tayo sabay papasok baka pag usapan tayo ng mga tao doon sa kompanya niyo"

"Pabayaan mo sila, sasabay ka sa akin hmmm"

Wala na ko nagawa kasi alam ko namang hindi mag papatalo tong isang to

"Alam mo siguro kung hindi tayo nag hiwalay may anak na tayo" sabi niya habang nag d-drive sinakyan ko na lang din yung trip niya

"Siguro tapos yung anak natin kasing kulit mo, tapos kamukha ko" pag ka sabi ko nun tumawa ako

"Oyyy hindi ako payag doon dapat kamukha ko para guwapo"

"Anong guwapo maganda kaya kasi babae"

"Oo na lang kahit babae o lalake yan okay na basta ikaw yung nanay nila" nakangiti niyang sabi at humarap sa akin

"Ayieeee... Kinilig siya"

"Tigilan mo nga ako"

Nakarating na kami sa opisina,una siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto

"Oyy bitiwan mo yung kamay ko"
"Ayoko nga"

"Ang daming nakatingin ohh"

"Okay lang yan para ipagkalat nilang girlfriend kita" sabi niya tapos kinindatan niya ko

Hawak hawak niya yung kamay ko hanggang makarating kami sa may office niya

Naupo na ko sa puwesto ko at nag simula na mag trabaho pero feel ko may nakatingin sa akin at alam ko kung sino yun kasi dalawa lang naman kami dito sa opisina

"Love uwi na tayo" sabi ni raymond na ngayon ay naka tayo na sa harpan ko

"May ginagawa pa ko"

"Bukas na lang yan sige na"

"Isang ulit pa raymond di na kita talaga papansinin ulit"

"Sabi ko nga mag t-trabaho na ko"

Buti na lang hindi na sya nangulit bumalik na sya sa puwesto niya

"Love labas tayo?"

"Isa pa raymond"

"Labas na tayo lunch na" napatingin naman ako sa orasan at tama ng 12 noon na

"May kasabay na ko mag lunch ey"

"Sino?" Nakakunot noo niyang tanong

"Sila deseree, sino ba iniisip mo?"

"Ahhh akala ko si ano, sama na lang ako sa inyo"

"Bahala ka,tara na"

Nakasunod lang siya sa akin pero nabigla ako ng biglang may humawak sa kamay ko kaya agad akong napatingin sa kanya na todo ngiti

"Bitiwan mo nga yung kamay ko" bulong ko sa kanya pero parang wala siyang narinig kaya pinabayaan ko na lang

Kinalas ko yung kamay niya at agad na pumunta sa puwesto nina ram

"Tehh akala ko di ka na dadating" sabi ni ram

"Hala sir good afternoon po" sabi naman bigla ni ram ng mapansin niya si raymond

Ngumiti lang naman si raymond

"Umupo ka na anong hinihintay mo" napaupo naman siya habang kumakamot pa sa ulo niya

"Anong trip nyo at dito kayo kakain ngayon?" Tanong ko kasi kadalasan mag aaya itong mga to sa mga restaurant or fast food pero ngayon sa may cafeteria lang

"Gusto lang daw nila maexperience kung paano maging normal na empleyado" sabi ni aine

"Bakit abnormal ba kayo?" Halata naman na pinipigilan ni raymond ang tawa niya, habang sila aine naman tinignan ako ng masama

"Order na nga tayo" tumingin ako sa may counter at ang daming nakapila "kaso ang daming nakapila"

"Oo nga ang dami matatagalan tayo diyan" sabi naman ni des

"Raymond?"

"Hmm...bakit love?" Napatingin naman bigla sila ram sa akin dahil sa tinawag sa akin ni raymond

"Ikaw na lang bumili para sa unahan ka agad ikaw naman boss dito"

"Okay love" tumayo naman na siya at pumunta sa counter na mismo

"Oyy teh ano yung love,love na yun?" Sabi naman ni ramil

"Ewan ko sa mokong na yun"

"Ano nangyare nung nawala ka?" Sabi ni ram

"Nag kaayos na kami tapos binigyan ko siya ng chance"

"Ayy kaya naman pala iba ang ngiti teh"

Ilang minuto lang at nakabalik na si raymond dala yung mga inorder niya

"Ang dami naman niyan" sabi ko

"Di ko kasi alam kung ano yung oorderin ko"

"Upo ka na" tskaa ko siya binigyan ng plato,nilagyan niya naman ako ng kanin sa plato kaya lalong napatingin sa akin sila ram na hindi mo alam kung kinikilig ko o natatae

Kumakain na kami ng mag simula si aine ng usapan

"Andrea alam mo bang aalis si chase?"

"Huh....si chase aalis wala namang sinasabi sa akin yun"

"Isang taon daw siya doon"

"Ang tagal naman"

"Oyy teka bakit ikaw lang naka alam laine?" Tanong ni des

"Ewan ko sa unggoy na yun inaya lang akong lumabas tapos yun sinabi niya sa akin na aalis siya"

"Bakit daw siya aalis?" Tanong ko

"Aba ewan ko sa isang yun, baka nabusted" tapos ngumisi lang si elaine

"Mauna na ko, Andrea sumunod ka na lang pag katapos mong kumain" sabi naman ni raymond at agad na umalis

"Hmmm...I smell some jealousy" sabi ni ram

"Me too" sabi naman ni des

"I see that" sabi naman ni aine

"Kumain na nga lang kayo"

The BossWhere stories live. Discover now