Chapter 25

3.3K 73 2
                                    

Andrea's POV

Nasa sasakyan kami ngayon ni raymond at mag d-drive siya papunta sa bahay nila tita angeli at tito wilfred na magulang ni raymond

Medyo late na nga kami para sa lunch dahil anong oras na kanina ayaw pa bumangon ni raymond. Sa condo niya ko natulog kagabi, hindi na kasi inalis ang yakap sa akin kaya hindi na ko naka alis

"Hey bakit ang tahimik mo?" Sabi ni raymond

"Wala lang may iniisip lang ako" nakita ko naman na napakunot ang noo niya sa sagot ko

"Sino naman yang iniisip mo?"

"Basta"

"Hmmm..."

"Mag drive ka na lang diyan late na tayo para sa lunch ang hirap mo kasing gisingin ey"

"Eh sa gusto pa kitang makatabi ey" tumingin siya sa akin at ngumiti pag ka ngiti niya ay agad niyang ibinaling muli ang mata sa daanan

Naging tahimik na ulit ang biyahe namin. After ilang years ay mag kikita na ulit kami ng mga magulang ni raymond simula kasi nung umalis ako ng pilipinas ay pati sa kanila hindi na ko muling nakipag usap.

Nakita ko naman ang malaking gate ng bahay nila at masasabi kong wala pa rin pinag bago ang labas nito. Hinintay ko munang pag buksan ako ni raymond ng pinto bago bumaba at pag ka baba ko nakita ko sila tita angelie at tito wilfred na naka abang na sa amin

"Andrea hija" tawag sa akin ni tita angelie, lumapit ito sa akin at bineso ako ganun rin ang ginawa ko kay tito wilfred

"Napaka gandang mo pa rin talagang bata ka"

"Salamat po tita angelie" nahihiyang sabi ko

"Tara na at pumasok na kayo late na ang tanghalian natin" sabi ni tito wilfred

Pumasok na nga kami sa loob ng bahay nila at dumiretso sa may dining area, pinag hila naman ako ng upuan ni raymond. Nang nakaupo na kaming lahat ay nag simula ng ihain ang mga pag kain

"By the way bakit kayo nalate hijo? akala ko hindi na kayo darating" sabi ni tita angelie

"Ahmm kasi mom" tumingin ito at tila nanghihingi ng tulong. Ayan kasi alam niyang mapapagsabihan siya ng mommy niya

"Kasi po tita yang anak nyo ang hirap gisingin kaya po nalate kami"

"Oww you mean mag kasama na kayo?" Gulat na tanong ni tita

"Kagabi lang po"

"Oww I thought..."

"No mom I'm still courting her"

"That's great my son and andrea pahirapan mo yang isang yan" sabi naman ni tito

"Dad naman" parang batang sabi ni raymond

"I will surely do that tito"

"Love" nag papaawang sabi nito

Nag patuloy na kaming kumain ng tahimik ng maihain na lahat ng pag kain at masasabi kong sobrang asikaso ni raymond dahil siya ang nag lalagay ng kanin pati na rin ng ulam sa plato ko, Nang mapansin ko na lalagyan niya nanaman ang plato ko ay agad ko siyang inawat dahil busog na talaga ako

"Tama na busog na ko"

"You need to eat more"

"Ayoko na please tsaka baka tumaba naman ako niyan"

"Ayos nga yun para wala ng iba pang manliligaw o mag kakagusto sayo" sabi niya at tsaka ngumiti

"Sira"

"Tama na yang ka sweetan nyo at baka langgamin tayo, maheram ko muna si andrea" sabi ni tita at agad akong hinila

Nasa garden na kami ngayon at hindi ko mapigilan mamangha sa dami ng mga bulaklak na naririto

"Alam mo hija ngayon ko na lang nakitang ganyan kasaya ang anak ko" panimula ni tita kaya agad naman akomg napatingin sa kanya

"Bakit naman po tita?"

"Simula kasi nung umalis ka lagi na yang mainit ang ulo at kadalasan laging lasing at nung nag desisyon siyang pumunta ng amerika ay puro basag ulo ang nang yare sa kanya. Ikaw lang talaga ang makakapag patino doon sa anak ko na yun, alam kong may pag kakamali siya noon pero napag dusahan naman niya yun. Mahal na mahal ka niya kaya sana bigyan mo siya ng chance at alam kong hindi niya na sasayangin iyon"

"Opo tita, gusto ko lang po siyang subukan sa ngayon kung mahihintay niya ako"

"Naniniwala naman ako sa anak ko na kaya niyang maghintay at alam mo pahirapan mo din ng kaunti dahil sa pag kakakilala ko diyan sa anak ko katulad na katulad siya ng dad niya na sanay nakukuha lahat ng madalian" natatawa namang sabi ni tita kaya natawa na rin ako

"Anong pinag uusapan nyo diyan mom?" Sabi naman ni raymond pag kadating niya dito sa may garden

"Sinabihan ko lang si andea na wag ka munang sagutin"

"Mom naman eh"

"By the way mom mauna na po kami may pupuntahan pa po kasi kami ni andrea"

"Sige hijo mag iingat kayo"

Nang makapag paalam na kami ay sumakay na kami sa sasakyan ni raymond at umalis

"Saan pa ba tayo pupunta?"

"We'll have a date"

"And saan naman yun?"

"You'll see later" napaka hilig talaga sa surpresa ng lalakeng ito hindi ko naman na siya kinulit dahil hindi niya rin naman sasabihin ngunit ang dinadaanan namin ay pamilyar sa akin

Pag katapos ng ilang minuti niyang pag drive ay huminto kami sa harap ng dati naming school

"Bakit tayo nandito?" Pero sa halip na sagutin ako ay ngumiti lang ito at hinawakan ng kamay ko para mag lakad, habang papasok kami sa paaralan ay napaka daming memories ang bumabalik

"Alam mo sobrang halaga nitong lugar na to sa akin kasi dahil dito sa lugar na to nakilala kita" hindi ko mapigilang mapangiti dahil di ko akalain na maalala niya pa pala na dito kami unang nag kakilala

"Ansama mo nga nun ey"

"Sorry na, ayaw mo kasi ako pansinin" natatawang sabi niya naman

Nag ikot ikot pa kami sa paaralan namin dati madami na ang nag bago dito, may bagong building na rin. Nakita ko naman yung table na nasa ilalim ng malaking puno na lagi naming puwesto noon kapag lunch or free time namin. Nang mapagod kami kakaikot sa eskuwelahan ay napag pasyahan namin maupo

"Gutom ka na ba?" Hindi ko napansin ang oras masyado akong nalibang sa pag iikot, mag gagabi na pala

"Hmm oo"

"Saan mo gustong kumain?" Nag isip naman ako kung saan at naalala ko yung kinakainan namin ditong karinderya kapag lunch namin

"Naalala mo pa ba yung kinakainan natin tuwing lunch"

"Hmm oo, dun na lang tayo?" Tanong niya

"Yep"

"Then let's go"

The BossWhere stories live. Discover now