Chapter 1

7 0 0
                                    

Engaged

"Lady Lia, kailangan niyo na pong ayusin ang iyong sarili papunta na po dito ang iyong ina." Paalala ng aking Nanny noon na si Esme. I was too young to understand the process of being a lady. Bata pa lamang ako noon. Sinanay na ako ng nanay ko na mag-ayos bilang isang maharlika kung saan ang mga mayayaman na tao lamang ang nakakaalam at naghahalubilo tuwing may mga okasyon.

"Pero ayaw ko po tinatamad po ako eh." At bumalik ako sa pagtulog at nagulat na lang ako ng may sumampal sa aking pisngi at nakita ko ang aking ina na galit na galit na naman.

"Ilang beses mo ba ako susuwayin Lia! Ilang beses mo ba ako babastusin! Kapag may inutusan akong puntahan ka! Makinig ka! Kapag sinabi kong bumaba ka! Bumaba ka!" At hinila niya ako patayo habang ako naman ay iyak ng iyak. Hanggang nakisali na rin si Nanny Esme upang patigilan ang aking Mommy.

"Madam, Ako na pong bahala kay Lady Lia." Tsaka ako binitiwan ni Mommy at agad agad na umalis ng aking silid.

"Tara na Lady Lia, papaliguan na kita." Wala na akong nagawa kundi ang sumama dahil alam kung mas higit pa doon ang sasapitin ko kapag hindi ako makikinig kay mommy.

Pagkatapos kong maligo noon ay may pinasuot siya sa aking damit na sobrang ganda. At hanggang suklayin na rin nito ang aking buhok at sa paglalagay rin ng palamuti sa aking buhok.

"Nanny, bakit po pala ako pinagdamit ng sobrang ganda." natawa na lang ako sa pinagsasabi ko.
"Kahit anong mangyari ngayong gabi ay uminahon ka lang, alam mo bang dalagang dalaga ka na." Nakangiting sabi nito sa akin. Habang kami ay nagtitinginan sa salamin ng aking kuwarto.

"Opo dahil dinatnan na po ako noong nakaraang taon at may tumutubong na bukol sa may dibdib ko kahit medyo maliit pa." paliwanag ko dito pero tinawanan lang ako nito at umiiling iling pa.

"Hindi mo dapat yan sinasabi Lady Lia, baka mamaya may makarinig at isumbong pa kay madam." natawa na lang kaming dalawa. Napahinto lang kami ng may kumatok sa aking pinto.

"Lady Lia, Kailangan niyo na pong bumaba hinihintay ka na ng ating mga bisita." kaya tumayo na ako at nagpaalam na kay Nanny.

"Bababa na po ako. Kayo po ba hindi po kayo bababa. " napanguso na lang ako habang ito ay umiling at ngumiti sa akin.

"Tara na po Lady Lia." kaya sumunod na lang ako sa isa sa aming taga paglingkod at si Nanny ay kumaway na lang sa akin.

Hindi ko alam pero may napupuna akong may mangyayari ngayong gabi. Kinakabahan ako lalo na ng pababa na ako ng hagdan dahil hindi lamang ito simpleng handaan kundi engrandeng handaan. Lalo na at sari-sariwang kuwento at opinyon ang mga naririnig ko na hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil lahat ng sinasabi nila ay positibo.

Pero isang binatilyo ang nahagilap ng aking mata na nakangiti sa akin. Napatitig pa ako dito dahil sobrang gwapo nito at matipuno ang katawan parang mga kasing edad ko  lang din ito. Natigil lang ang aking pagtitig ng madulas ako sa aming hagdan buti na lang may bisig na nakasalo sa akin at sobrang takot kong mahulog ay napayakap na lang ako dito dahil kung sakali mang madapa ako dito mapapahiya sila Mommy at Daddy. At alam ko ding malalagot ako dito kung nagkataon.

"You're safe." nang marinig ko ang mapanuksong boses nito ay agad na rin akong kumalas sa yakap niya.

"Thank you." at yumuko pa ako dito para ipakita ang pasasalamat. At tinignan ko ng maayos ang lalaki masasabi ko namang gwapo ito at halatang maraming nagkakagusto dito.

Natigil lang ang pagtitig ko dito ng marinig kong tumikhim na ang aking Ama upang kunin ang atensiyon ng aming mga bisita.

"We would like to thank to everyone who accept our invitation and came here and it such an honor for me and  my family!" Sabi ng aking Ama habang tumatawa ito at ganun rin ang mga ibang naglalakihang at makapangyarihang na mga kanegosyo ng aking Ama.

The Fascination (Bautista series #1)Where stories live. Discover now