Nung makarating sila sa pinto at makalabas ng kwarto:

Juls: Bale sa susunod na lang po. Pareng Tomas.

Tomas: Sige... Bisitihin niyo ulit ako. Ha?

Juls: Sige sige po.

Hindi gumagalaw sa pintuan si Tomas. Napakalaki parin ng mga mata nya at nakangiti parin siya sa kanilang tatlo.

Juls: Bale... aalis na po kami.

Tomas: Sige... Bisitihin niyo ulit ako.

Naglakad sila ng mabagal, na malaunan ay paunti unting bumibilis. Sa paglalakad nila ay nakalayo na sila sa kwarto ni Tomas. Sumilip si Irene sa likod at nakita niyang nakatingin parin si Tomas sa kanilang tatlo.

Juls: *pabulong* Ayaw ko nang bumalik sa kwarto na yon.

Mac: *pabulong* Buti na lang pareho tayo ng nasa isip.

Irene: Akala ko ba kasundo niyo na si Pareng Tomas?

Mac: Wag mo sasabihin ang pangalan niya sa labas ng bahay niya. Naririnig nya iyon.Juls: Nakakatakot man pero gusto kong maniwala sa sinasabi mo.

Nanahimik sila ng ilang segundo.

Irene: Ano ba ang nangyayari?

Mac: Natatakot kami kay Pareng... Basta.

Juls: Wag ka magpapaiwan mag-isa sa kwarto niya. Please.



--------------------------------------------------

SCENE 22

Hindi pa man nakakarating sa Gran Central Park ay may maririnig kanang sigaw ng mga kabataan. Tuluyan mong lakaring ang daan at makikita mo ang makapal na linya ng mga nagsusumigaw na kabataan, hawak ang kanilang mga parapernalia at mensahe; nagmamartsa patungo sa eskwelahan.

Sa isang gilid ng daanan, sa kabilang kalye, nakatayo sila Mac, Juls at Irene.

Irene: Iyan yung mukhang rally. Hindi gaya ng kahapon.

Juls: Hindi ba tayo sasama sa kanila Mac?

Mahaba ang leeg ni Mac, nakasingkit ang mga mata at umaaligid ito sa dami ng tao.

Mac: Teka lang. May hinahanap pa ako?

Juls: Si Gia?

Mac: Ssssshhhh. Baka marinig ka nun.

Sa grupo ng tao na yon ay may isang lalaking huminto, naka-asul. Humarap ang nasabing lalaki na iyon kila Mac, Juls at Irene. Itinaas nito ang kanyang kamay at iwinagayway.

Allen: GUYS! HALIKA NA!

Tumingin sila Juls at Irene kay Mac.

Mac: Nasaan si Georgia?

Juls: Wala... Hindi ko sya makita.

Irene: Si Georgia ba yung kaharap mo kanina?

Mac: Oo. Mas natatakot ako ngayon na hindi ko sya nakikita. Baka kung saan na lang nya ako saksakin sa likod.

Irene: Ha?

Patakbo na papunta sa kanila si Allen.

Allen: *pasigaw* Hindi ko makita si Gia, kung sya man hinahanap nyo!

Mac: *pasigaw* Bakit ko naman hahanapin si Georgia? Nagpapalipas lang kami ng pagod dito.Mula doon ay nagsimula nang gumalaw si Mac. Tinawag din ni Mac sila Juls at Irene. Lahat sila ay sumama sa bugso ng mga aktibista at naglakad papunta sa eskwelahan.

Nakapasok sila sa eskwelahan at nakapaglibot sa ilang mga gusali. May ilang kataga sila na paulit ulit nilang isinisigaw: "Karapatan. Kabataan. Kinabukasan"... at iba pa.

Ilan sa mga kabataan ang humihinto sa paglalakad upang pagmasdan ang krusada ng mga estudyante sa loob ng eskwelahan, ngunit wala sa mga ito ang pinipiling dumagdag sa linya ng mga taong sumisigaw.

Sa punto na iyon ay humiwalay na si Mac kay Irene at Juls. Sila ngayon ay nasa gilid ng gawing gitna ng bugso ng tao.

Lumapit si Irene kay Juls.

Irene: Paano kapag walang nangyare sa ginagawa natin ngayon?

Tumingin ng ilang sandali si Juls kay Irene.

Juls: Hindi ko rin alam.

Irene: Saan ka mag-aaral kung sakali?

Juls: Kung sakali... Kung sakali lang naman, alam mo ba yung maliit na private college jan?Irene: Doon? Masaya ka na doon?

Juls: Kahit kasi hindi pa tayo sigurado sa mangyayari satin dito, gusto kong maniwala na makakapag-aral parin ako sa eskwelahan na to.

Irene: Eh paano nga kung hindi? Lahat ng nilakad mo ngayon, mauuwi lang sa wala.

Juls: Bahala na! Natatakot ako. Pero sa ilang kadahilanan, hindi ko sya masyadong iniisip.

Until we're ready enoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon