Irene: HOY IKAW! HINDI KAMI NATATAKOT SAYO! *nakaturo siya dun sa lalaking may kutsilyo* KUNG PATAYAN ANG GUSTO MO, HINDI KAMI MAGPAPATALO
Lumapit si Mac ng kaunti sa likod ni Irene.
Mac: Mas ok sana kung hindi na tayo mauwi sa patayan pero... *dinuro din niya yung lalaki* BRAD! KUNG MAY BALAK KANG GAWING MASAMA SA TROPA KO! PLEASE AKO NA LANG! GUSTO KO NA MAMATAY SA LUNGKOT!
Irene: Ha?
Nabitawan ng lalaki ang kanyang kutsilyo kung saan ay napasigaw si Juls nung bumagsak ito sa sahig.
Lalaki: *halos mangiyak ngiyak* A... akala niyo ba sasaktan. ko si Julius?
Hinarap ni Juls sila Irene at Mac.
Juls: Guys! Mabait na tao si Tomas.
Tomas: Pareng Tomas...
Juls: Si pareng tomas.
Biglang naglakad ng mabilis si Mac sa harap ni Irene.
Mac: Sabi ko naman sayo mabait si Pareng Tomas, bakit akala mo papatayin niya si Juls?
Tomas: Akala nyo... Papatayin ko... Si Juls?
Sabay na nagsalita si Mac at Juls: Hindi hindi Pareng Tomas!
Irene: Eh bakit may naririnig akong sumisigaw sa labas?
Juls: Ako yun! Wag ka mag-alala. Natatakot lang ako sa blade tricks ni Pareng Tomas pero nag... eenjoy lang kami sa loob.
Irene: Ha?
Nakakunot ang noo ni Irene. Nakangiti si Mac. Muling humarap si Juls kay Tomas at tumayo siya sa kanyang kinauupuan.
Juls: Pareng Tomas, bale ok na po? Official na nakatira na po ako sa apartment na to?
Nung una ay tulalang nakatingin si Tomas kila Mac at Irene.
Tomas: AY OO! Approve sa akin. Wala ka nang dapat. Isipin.
Juls: Final na rin po yung bayad monthly?
Tomas: Oo. Sakop na nun yung. Tubig. Kuryente. Gusto mo ba. Pagkain?
Sabay na nagsalita si Mac at Juls: Hindi hindi! Ok na Pareng Tomas!
Tomas: Ganun ba? Sige. Bale. Wag kayo mahihiya. Puntahan ako kapag. May problema kayo. Ha?
Juls: Opo. Mr Tomas.
Tomas: Pareng Tomas.
Juls: Opo. Pareng Tomas. Bale alis na po kami.
Tomas: Aalis na kayo?
Juls: Opo pare. May... Diba Mac may rally pa tayong pupuntahan?
Mac: Oo Pareng Tomas, kasama ko sila sa rally.
Tomas: Rally. Gustong gusto ko yan. Nagkakaguluhan. Maingay. Pero may nangyayari. May namamatay.
Napatingin sila Juls, Mac at Irene kay Tomas.
Tomas: Namamatay ang lumang. Sistema. At nagkakaroon ng mas magandang. Sistema.
Juls: Oo. Kaya...
Naglakad si Juls pagilid, nakaharap kay Tomas. Nakaalis na sya ng sala. Naglakad siya ng patalikod habang nakaharap kay Pareng Tomas.
Juls: Mauna na kami. Pareng Tomas.
Tomas: Sige sige. Samahan ko na kayo sa pinto.
At nilakad sila ni Tomas palabas ng kwarto. Napakatahimmik ng mga yapak nila at walang nagsalita habang naglalakad sila. Tingin ng tingin si Irene sa likod.
BINABASA MO ANG
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
Script 1 - 7
Magsimula sa umpisa
