Biglang tumayo si Mac.

Mac: Irene?

Hingal na hingal si Irene, nakatingin siya kay Mac nung una, pagkatapos ay tumingin siya sa babae na kaharap ni Mac. Humarap din sa kanya ang babaeng iyon. Hindi nya ito makilala ngunit kita nya ang pamumula ng mga mata nito.

Irene: *hingal* Ha... A-ano nangyayare?

Naglakad si Mac ng diretso, sa direksyon ni Gia. Hindi naman tuminag si Gia habang palapit ng palapit sa kanya si Mac.

Inilagan ni Mac si Gia at patuloy na naglakad papunta kay Irene.

Mac: Na... Nasaan si Juls?

Irene: *pabulong* Anong nangyayari dito? Umiiyak ka ba?

Mac: Nasaan si Juls?

Irene: Pinuntahan niya yung may-ari nung apartment.

Mac: HA? Bakit niyo ginawa yon?

Irene: Eh malay ba namin kung niloloko mo lang kami o hindi.

Mac: Bili, puntahan agad natin si Juls. Baka hindi na natin sya abutan ng buhayIrene: Anoooo?

Hinawakan niya sa balikat si Irene at pinaikot ito patalikod. Itinulak niya ito paharap sa direksyon nila. Nakatingin sa kanila ang lahat ng tao sa paligid. Hindi makapagsalita si Gia.



--------------------------------------------------

SCENE 21

Sa kalye patungo sa apartment nila Juls at Mac ay may tumatakbong dalawang kabataan: isang babae at lalaki. Si Mac at Irene.

Irene: Ano ba nangyayare kanina?

Mac: Juskupo. Alam ko na kung bakit sinukuan ko sya dati.

Irene: Ha?

Mac: Wala. Saan niyo ba nakita yung may ari ng apartment?

Irene: Dun sa sinabi mong room.

Mac: Hindi kayo natakot sa kanya?

Irene: Natakot kami ni Juls. Hindi nga sya matakasan ni Juls at hinila na lang sya papasok ng kwarto nya.

Mac: ANO? PATAY!

Irene: BAKIT? ANO BANG NANGYAYARE? Akala ko ba kasundo mo yung may-ari ng apartment na to?

Mac: Hindi ko nga alam kung ano nagustuhan nun sa akin.

Irene: Eh bakit hindi mo kami pinigilan kanina?

Mac: Nagpapasama ako sainyo ng maayos eh, ayaw niyo ko samahan, tapos ganon?

Irene: AYAN! Dahil sa kaartehan mo baka kung ano na nangyare kay Juls, sus wag naman sana.

Mac: Ayan na tayo.

Tumakbo sila papunta sa pintuan ng Apartment Room 1A.

Boses: AY JUSKO PO!

Irene: Juls!? Ikaw ba yan?! Anong nangyayare?

Boses: ITIGIL NIYO NA PO! AYAW KO NA!

Mac: Juls? Kalma lang. Andito na kami. Mac got you Bac.

May sumigaw sa loob ng kwarto.

Nung narinig iyon ni Irene ay wala nang pagiisip pa, ibinangga niya ang kanyang katawan sa pintuan kung saan ay bumukas ito ng may kadalian. Pumasok sila ng patakbo sa loob.

Nakita ni Mac at Irene na maliwanag ang loob ng kwarto ng 1A. Halos kapareho nito ang kwarto na tinutulugan ni Mac at Juls. Malinis at mabango ang lugar. Sa sala ay nakatayo ang lalaking kinakatakutan nila, may hawak na kutsilyo at nakaangat pataas. Si Juls naman ay nakaupo sa sala at tila ba umuusad palayo sa halimaw sa harap niya.

Until we're ready enoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon