Mac: Just to clarify. *nakatalikod parin kay Juls* Lagi kong katabi mga kapatid ko dati sa pagtulog. Sabi nila ako daw pinakamaliit ang space ang hinihigan sa kama.
Katahimikan ng ilang mga segundo. Naglakad si Mac papunta sa kanyang kwarto at binuksan ang pintuan.
Mac: Sige. Good night. At salamat sa lahat.
Sinarado nya ang pintuan ng mahinahon.
Nakatingin parin sa malayo si Juls, iniisip kung bakit biglang nag iba ang ihip ng hangin sa loob ng dorm.
Juls: May ginawa ba akong mali?
--------------------------------------------------
SCENE 15
Maliwanag ang paligid. Sa malayo ay makikitang mong may nakatayong isang lalaki.Nagsimula kang maglakad, ngunit kahit ilang hakbang ang lakarin mo ay tila ba hindi lumalapit ang distansya nyong dalawa.
Malaaunan, ang maliwanag na paligid ay padilim ng padilim. Padilim ng padilim.
Pabilis ng pabilis ang iyong lakad. Palayo ng palayo ang inyong distansya.
Sa sobrang kagustuhan mo na makalapit sa lalaki na iyon ay nadapa ka.
Nung pagtayo mo, yung lalaking hinahabol mo ay nasa harapan mo na.
Sa gulat ay napatalon ka sa iyong likod.
Hindi mo na namalayan. Ang kanyang mga kamay ay nakalagay na sa iyong leeg.
Pinipilit mong makawala. Nilalabanan mo ang lamig ng kanyang mga kamay.
Malaunan ay nakawala ka rin.
Mula doon ay tumakbo ka ng tumakbo, palayo sa lalaki na iyon.
Hindi ka na lumingon muli. Punong puno ng takot ang iyong puso. Blanko ang iyong utak.
Sa hindi mo inaasahan, wala ka nang maapakan na daanan.
Ramdam mo ang mabilis na pagguhit ng hangin sa iyong balat habang ikaw ay nahuhulog.
Sumisigaw ka pero natatalo ng hangin ang iyong boses.
Biglang tumama ang iyong katawan sa isang matigas na bagay.
--------------------------------------------------
SCENE 16
Madilim ang paligid, ngunit biglang may nahulog na kung ano mang bagay na naging sanhi ng isang maingay na tunog.
May mga yapak na maririnig sa kadiliman.
Nagbukas ang ilaw, si Juls ay nasa switch ng ilaw. Si Mac ay tila ba humahakbang ng mahina at sa paa nya ay may tumaob na lata ng pintura.
Juls: Mac *nagkakamot ng mata* Anong ginagawa mo?... Bakit gising ka pa?
Mac: Hindi ako makatulog eh. Gusto ko muna sana magpahangin sa labas.
Nagkamot ng ulo si Juls.
Juls: Hindi rin ako makatulog. *naglakad patungo kay Mac* Tara, magpahangin muna tayo.
Mac: Sabi ko sayo eh! Hindi ka dyan makakatulog ng maayos. Sinubukan ko na yan dati.
At naglakad ang dalawa palabas ng dorm, iniiwasan ang mga kalat sa paligid.
Lumabas sila ng kwarto.
Maliwanag ang bilog na buwan na tanaw na tanaw sa ibabaw ng mga gusali sa paligid.
Juls: Ang lamig.
Mac: Nalalamigan ka sa ganyan pero sa aircon hindi?
Juls: Nakasando lang ako ngayon.
Sinandal ni Mac ang kanyang mga kamay sa balcony. Sinundan naman siya ni Juls at tinabihan sya ng malapit.
Mac: Ang pangit ng panaginip ko.
Juls: Ako rin.
Mac: Simula nung nakipagbreak sakin yung girlfriend ko, hindi na ako nagkaroon ng maayos na panaginip.
Juls: Kailan ba kayo nagbreak?
Mac: Nakaraang tatlong linggo pa.
Juls: Awit.
Mac: Pero nakakatulog parin ako, kaya walang problema sa puyat. Kaso, dahil doon hindi na ako minsan nakakapagisip ng maayos. Alam mo yon. Parang paranoid ako na parang hindi.Juls: Ako rin. Minsan nagugulat na lang ako sa mga desisyon ko sa buhay.
Mac: Bakit?
Juls: Nung mga nakaraan lang, hindi ko na napagtutuunan ng maayos pag-aaral ko. Hindi narin ako nakakapag-ayos ng sarili.
Mac: Sus. Hindi naman ganun kahalaga ang pag-aaral eh.
Tumingin si Juls kay Mac. Napatingin din naman si Mac kay Juls at nakita niyang nakakunot ang mga mata ni Juls.
Mac: Medyo importante... pero higit pa duon ang buhay. Kasi isipin mo, apat na taon na lang, mamumuhay na tayo ng sarili natin. Siguro nasanay ka na may routine yang buhay mo na pasa ka lang ng pasa ng requirements pero pagkagraduate, iba na magiging focus mo.
Juls: Ano naman?
Mac: Ikaw. Sarili mo na magiging focus mo. Yung mga ginagawa mong maliliit ngayon, iyan ang magiging sentro ng buhay mo paglaki mo.
Juls: Hi...ndi ko alam kung ano yung mga maliliit na bagay na yan.
Mac: Halimbawa. Takot ka bang tumayo mag-isa sa desisyon mo?
Juls: Hindi naman. Pero madalas mas nakikinig ako sa mga sinasabi... at hindi sinasabi ng ibang tao.
Mac: Wow... mahusay ka dun sa pangalawa mong sinabi... Ang gusto ko lang sabihin, paglaki mo, ikaw na gagawa ng lahat. At yung magagawa mo, nakadepende yan sa kabuuan mo. Makakapagplano ka, sabihin na natin, pero sa kung paano mo magagawa yung plano na yun ay nakadepende sa ugali mo, sa kakayanan mo.
Juls: Sa totoo lang, *yumuko si Juls* hindi ko pa alam kung ano meron sa future ko. May plano ako, pero madalas naman, may ibang nangyayari, kaya madalas nagaadjust na lang ako sa nangyayari sa paligid.
Mac: Masaya ka nang nagpapadala sa buhay ng iba? Paano kung saan saan ka nalang napadpad dahil sa pagpapadala mo sa gusto ng iba.
Juls: Base sa mga experience ko dati, hindi naman naging ganun kasama ang buhay ko na hindi ko kinayang ihandle. Nagiging ok naman ang lahat sa huli. Pasensya lang saka lakas ng loob kailangan.
Mac: Hindi ko maimagine kung paano ka nagiging masaya o kuntento sa buhay mo.Juls: Hindi ganung kasaya buhay ko, pero hindi naman ganun kapangit na gusto ko na magpaka-ano...
Tumingin si Mac kay Juls.
Mac: Hindi pumasok sa isip mo ang magpakaganon? Or yung mga minor na ganon?
Juls: Nope.
Mac: TAMA! Wag mag-gaganon. Bad yun! Basta't kapag nalulungkot ka, galaw lang dapat ng galaw, para makalimot.
Juls: O kaya makipagbonding ka sa mga kaibigan mo, effective din yun.
Mac: Psssh. Ang mga kaibigan, malaunan nawawala din yan. Ang achievements, habang buhay mo na yang trophy! Kaya... be smart!
Juls: Ang mga luho, mabibigyan ka nyan ng saya. Pero ang tunay na kaibigan, tutulungan ka nyan magtanggal ng kalungkutan!
Nagtinginan sila Mac at Juls, nag-arkong palayo ang kanilang mga katawan.
Mac: Maiba ng usapan... Nanaginip ako kanina tungkol sa--
YOU ARE READING
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
Script 1 - 5
Start from the beginning
