Tulala parin si Juls.

Mac: Kaso. Isang araw. Yung killer, alam mo nangyari?

Juls: Ano?

Mac: Inatake sa puso. Tapos noon. Dahil nga walang nakakapunta sa lugar na to, hindi sya napadala sa hospital. Ni wala ngang nakaalam na namatay sya eh. So ayon, nabulok na lang yung katawan nya sa isa sa mga kwarto dito.

Juls: Shit... Saang kwarto ba sya nakatira?

Mac: Hoy, hinay hinay lang sa mura. Hindi ko alam.

Juls: Pero, grabe. Bakit daw walang makapunta sa lugar na to?

Mac: Hindi ko rin alam kung bakit,

Napabuntong hininga na lang si Juls.

Juls: Pero kung sabi mo, walang nakakaalam na namatay yung killer sa istorya mo, pano mo nalaman yung tungkol sa istorya na yan.

Mac: ehhhh hahaha.

Juls: Nice. Kanino mo nalaman yung kwento?

Mac: Kwento yan sakin nung isang nakatira dito dati. Umalis na sya ngayon dahil lagi daw syang binabangunot sa kwarto nya ng tungkol sa dugo at mga buto.

Nanlaki nanaman ang mga mata ni Juls.

Mac: Pero wag ka matakot, ako rin binabangungot eh, pero tungkol naman dun sa PUTANG INANG EX KO BUSET!

Juls: Huy, hinay hinay lang sa mura

Mac: Ay. Sorry.

Nagbuntong hininga si Juls at sumandal ng direcho sa kanyang inuupuan. Ginaya naman siya ni Mac.

Juls: May extra kumot ka bang nakatago?

Mac: Bakit?

Juls: Kasi malamig.

Mac: Pwede mo namang gamitin yung akin.

Juls: Hindi pwede. Sayo yun. Pero kung wala, ok lang.

Mac: Meron naman, di ko lang maintindihan kung bakit gusto mo pa ng bukod na kumot.

Juls: Sanay na kasi ako matulog sa sala dati pa. Minsan kasi uuwi yung tatay ko tapos biglang susukahan nya yung higaan nya kaya sa higaan ko sya nahihiga.

Mac: Wait... Hindi tayo magtatabi ng higaan?

Humarap si Juls kay Mac.

Juls: Magkatabi tayong matutulog?

Mac: Akala ko ba magoovernight tayo?

Juls: Ha? Bakit tayo matutulog ng magkatabi?

Matagal na tumingin si Mac kay Juls. Unti unting napalitan ng sibangot ang mukha ni Mac. Nagbuntong hininga sya.

Nagkaroon ng may katagalang katahimikan.

Mac: Sige.

Mabilis na tumayo si Mac. Si Juls ay nagtataka parin sa pagbabago ng galaw ni Mac. Mga ilang segundo ang lumipas at lumabas si Mac sa kayang kwarto na may hawak na isang unan at kumot.

Inihagis niya ito kay Juls.

Mac: Ayan. Matulog ka mag-isa sa sala. Dinagdagan ko na ng unan, baka isipin mo pa masamang tao ako dahil pinatulog kita dyan sa malamig at matigas na sala.

Juls: Ok lang nga. Sabi ko naman sanay ako matulog sa sala.

Nakatingin lang naman ng masama si Mac kay Juls.

Mac: Ge. Ikaw na magpatay ng ilaw sa sala ha. Kapag inaantok ka na. Papasok na ako, sa malambot, mabango at magandang kwarto ko.

Tumalikod si Mac kay Juls. At naglakad ng mabagal.

Until we're ready enoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon