Sa kanilang paglalakad ay napunta na pala sila sa Gran Central Park.
Mula sa likod ay may tumatawag sa kanilang dalawa ngunit hindi nila ito napapansin dahil sa kanilang paguusap. Yung tumatawag na iyon ay palakas ang palakas ang boses. Malaunan ay napukaw din niya ang atensyon ng dalawa.
Lalaki: Guys!
Lumingon ang dalawa. Pagharap nila sa lalaki ay napamilyaran agad nila ang mukha nito. Ito yung lalaki na may hawak na megaphone. Hanggang ngayon ay nakasuot parin sya ng blue tshirt at bandana sa ulo.
Mac: Guys! *hingal* salamat naman... wait lang
Juls: Bakit po sir?
Hingal na hingal parin si Mac kaya't hindi ito makasagot. Hindi naman tuminag ang dalawa.Mac: Aayain ko sana kayo... kung *hingal* maaaya ko kayo sumama samin... sa rally?
Juls: Uhm... Kasi sir...
Hinatak ni Irene ang tshirt Juls at tiningnan siya ng may maliit na mata.
Mac: Bili na guys! Ipaglalaban natin ang karapatan ng mga tao at kung sino man!
Juls: Tama yan... Mahanda nga po yan sir.
Nakangiti pero hindi natutuwa si Juls. Nakangiti si Mac. Nakangiwi si Irene
Juls: Pero kasi naghahanap kami ngayon ng dorm. Kung wala kaming makikitang dorm ngayong araw, di ko alam kung saan ako matutulog. Kaya baka hindi kami makasama ngayon sa inyo. Sorry.
Mac: Dorm ba? Naghahanap kayo ng dorm? Sus, iyun lang pala eh.
Juls: Bakit? May alam kayong dorm? Kanina pa kasi kami naghahanap ng kaibigan ko dito *nagturo sa likod*, wala kaming mahanap na magustuhan namin.
Napatingin si Mac sa tinuturo ni Juls na si Irene na nasa likod. Tumingin sya sa kung ano ang naging reaskyon ni Irene.
Mac: Ahhh. Kaibigan. Kala ko eh...
Irene: Baka napuntahan na namin yang sinasabi mong dorm...
Natawa si Mac.
Mac: Napuntahan daw. Hahaha. Nice joke. Promise. Di pa kayo tiyak na nakakapunta sa dorm na iyon. At ako na ang nagsasabi sa inyong dalawa... Ako man, nainlove sa dorm ko nung una ko syang nakita.
Irene: Hmmm. Saang gawi namin sya makikita?
Mac: Sa... gawi ng dulo ng walang hanggan at walang kupas.
Irene: Ha?
Mac: Hindi ko sasabihin.
Irene: Ha? Ano nga?
Mac: Kung sasamahan niyo kami sa rally namin ngayon, tutulungan ko kayo maghanap ng dorm.
Irene: Ok naman ba yung sinasabi mong dorm?
Mac: Psssh hahaha. Perfect. Wala na kayong hahanapin pang iba. So...
Tumayo si Mac ng diretso.
Mac: Sasama ba kayo sa rally namin? Kailangan ko talaga makahanap ng kasama...
Juls: Sa totoo lang. Kanina ko pa interes sumama sa inyo
Mac: Seryoso?! Nice! Halika! Sumama na kayo sa amin. Hindi nyo pagsisisihan!
Juls: Sige.
Biglang tumalon si Mac, napasuntok sa hangin at napatalikod mula sa kanila.
Mac: NICE! MAC FOR THE WIN!! 2 DOWN! 48 MORE TO GO!!!
Nung magsisimula na sila maglakad, biglang hinitak ni Irene ang likod ng tshirt ni Juls.
Irene: *pabulong* Seryoso ka ba?
DU LIEST GERADE
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
Script 1 - 3
Beginne am Anfang
