Guard: May pakielam ako sa trabaho ko. At trabaho kong panatiliin ang katahimikan sa kainan na to.
Mac: Nasa listahan ng reserved passers anak niyo sir.
Guard: Wala akong pamilya
Mac: Takte yan.
Guard: Umalis na kayo dito.
Nilagay ni Mac ang megaphone sa malapit sa kanyang bibig.
Mac: "Ipaglaban ang karapatan ng kabataan! Wag nakawan ng kinabukasan ang mga anak ng bayan!"
Mula sa loob ng kainan...
Juls: Paano kaya kung samahan ko sila sa rally nila?
Irene: Ha? Nababaliw ka na ba?
Juls: Maganda naman ipinaglalaban nila. Saka kung sakali na magtagumpay sila sa pinaglalaban nila, edi makakapasok ako sa Gran State.
Irene: Oo nga. Pero malaking gulo pagiging aktibista. Di mo ba nakita yung nangyari kahapon? Tingnan mo nga oh, mas konti na sila kumapara sa kahapon.
Juls: Gusto ko sila kausapin.
Irene: Ehhhh *sumandal sa likod* Hindi ko sure. Mas marami tayong magagawa ngayon kung maghahanap muna tayo ng bahay.
Muling humarap si Juls kay Irene.
Juls: Wala ka bang alam na dorm dito?
Irene: Wala. Saka hindi ko pa kabisado masyado yung mga lugar dito.
Juls: Saan ka ba nakatira? Baka may bakanteng space pa sa inyo. Baka naman? Hahaha
Irene: Hindi pwede sa amin. Puro lady bed spacers lang pwede.
Habang nag uusap sila Juls at Irene ay patuloy na nagiingay sila Mac gamit ang megaphone sa labas ng kainan. Ang huli niyang sinabi bago sila tumakbo dahil may paparating na pulis ay:
Mac: KUNG INTERESADO KAYONG IPAGLABAN ANG INYONG KARAPATAN, SAMAHAN NIYO KAMI SA GRAN CENTRAL PARK! 3PM! Magmamartsa tayo papasok ng eskwelahan!
--------------------------------------------------
SCENE 08
Sa isang kalye sa gitna ng syudad, naglalakad sila Juls at Irene. May hawak na dyaryo si Irene at cellphone naman si Juls.
Irene: May nakikita ka ba dyang iba pang dorm?
Nakatingin si Juls sa kanyang cellphone, dala dala ang bag niya sa kanyang kanan.
Juls: Bukod dun sa mga napuntahan na natin kanina? Ma...layo
Irene: Wala narin akong makitang ibang posting dito sa lokal na dyaryo ng Gran State.
Juls: Sa totoo lang ok na ako dun sa una nating tiningnan.
Irene: Alin? Yung duon sa may mukhang adik?
Juls: Grabe naman sa adik. Ok din sana yung pangatlo, mejo malapit sa eskwelahan.
Irene: Hindi ko gusto yung amoy doon.
Juls: Eh yung dun sa panganim? Kahit mejo mahal eh mabait naman yung mga nakatira doon.
Irene: Iisa ang banyo ng babae at lalaki? Nasisiraan ka na ba?
Juls: Aayusin naman daw yung banyo.
Irene: Ano sinasabi mo? Isang linggo ka hindi maliligo?
Juls: Ganon ba katagal mag ayos ng sirang banyo?
Irene: Walang banyo Juls! Gagawa palang sila ng isa pang banyo!
ESTÁS LEYENDO
Until we're ready enough
HumorImagine if may sitcom tungkol sa isang grupo ng kabataan na paalis na ng kanilang teenage years. Follow the story of Juls and Irene as they struggle (or just lose their way) on building their own lives in the heart of a city they were new at, as upc...
Script 1 - 3
Comenzar desde el principio
