Pinasan ko siya, nakakahiya naman baka anong isipin nila sa akin na pinaglakad ko ang babaeng may lagnat.

Natuwa ako sa mga nalaman ko. Hindi pala talaga niya boyfriend ang katabi niya kanina. It was her Kuya.

Naisip ko si Joaquin. Baka siya pa rin? Kaya tinanong ko sa kanya.

Hindi na din niya ito boyfriend. Feeling ko tuloy may pag-asa na ako.

Nalungkot ako nang maalala ko ang bestfriend ko. Nangako ako sakanya na siya ang mamahalin ko kapag lumaki na kami. Kaso mukhang hindi ko siya makikita.

Pero sana....sana tama ang hinala ko...
.
.
.
Walang class ngayon.

Hinawakan ko ang keychain na may nakaukit na 'Ina'.

"Sana makita na kitang muli" sinasabi ko sa sarili habang tinitingnan ang keychain.

Tuwing wala akong pasok, umuuwi ako sa Tito John ko. Ang kaibigan ni Dad, parang tatay ko na din kasi to eh. Wala pa kasi siyang anak.

Tatawagan ko muna dahil minsan baka nasa Batanes siya.

"Hello, anak?" agad naman siyang sumagot.

"Tito? Andiyan ka ba sa bahay niyo?"

"Oo, JV. Halika kana dito. Para sabay na tayong mananghalian"

"Sige po. On the way na! Bye.

"Ingat ka anak"

Nagmadali na akong umalis.

Dumating ako agad sa bahay ni tito. Hindi naman kasi malayo mula sa amin.

Malaki ang bahay ni Tito John. Mansyon eh, halos kasing laki nang sa amin.

Naging successful kasi ang resort niya sa Batanes, which is bigay ni dad kay tito para raw makapagsimula ito nang business. Marami kasi kaming lupa dito sa Pilipinas.

Si tito daw kasi noon ay nangailangan nang tulong patungkol sa pera kaya naisipan ni Dad na bigyan siya nang lupa. Magkaibigan sila since Highschool kaya ganun. Si Tito din raw kasi ang tumulong Daddy nang muntikan na siyang mahulog sa bangin during their fieldtrip. Dahil doon naging magkaibigan sila.

"Oh, halina't kakain na tayo" anyaya ni tito.

Pumasok na ako saka umupo sa dining table. Malaki nga ang bahay nito ngunit siya lang ang nakatira mag-isa.

Kumain na kami, maraming pagkain ang pinahanda niya dahil nandito ako. Malakas kasi akong kumain, yun din ang dahilan kung bakit kasundo ko siya. Noong bata pa lang ako lagi na kaming kumakain sa labas.

"Tito, magkwento ka naman. Ano pa ba ang hindi ko alam sa inyo?" nilunok ko ang kinakain ko.

"Ano ba ang gusto mong ikwento ko?"

"Yung first love niyo" nakangiti ko itong sinabi.

Nakita ko namang nawala ang sigla nang mata niya.

"Tito? What's wrong?" naguguluhan ako sakanya. Bigla nalang nagbago ang mood niya.

"Tapusin muna natin ito, ikukwento ko sayo sa taas"

Sinunod ko siya, binilisan ko ang pagkain dahil sa excitement ko. Maganda kasi ang mga lovestory noon.

"Ang babaeng bumihag nang puso ko ay kababata ko. Nagkakilala kami sa isang simbahan. Maganda siya kaya hindi ako nakapagsalita nang tulungan niya ako. Lampa kasi ako noong bata ako. Kaibigan namin siya nang Mommy at Daddy mo"

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now