"Kuya weh?!" naging masigla ako dahil sa sinabi niya.

"Oo naman! Pero.." pagpuputol niya.

"Pero??"

"Pero, pagkatapos nun. Doon na kayo titira ni Mama sa bahay ko!"

Gusto ko naman doon sa bahay ni Kuya. Doon din yun sa malapit sa mansiyon nina Iza.

"Eh kuya, lalayo ako sa school. Dito walking distance lang, tapos kapag doon hassle pa kase magcocommute pa ako"

"Sinong may sabing magcocommute ang prinsesa ko?"kunwari'y tanong niya.

"What do you mean?"

"Edi ako! Hatid,sundo kita, ayaw mo ba?"

That's great! Miss ko nang ihatid-sundo ako ni Kuya. Bata palang kasi ako siya na ang tumayong tatay ko.

"Aba! Syempre gusto! Gwapo nang driver ko" sabay kaming natawa.

"Mainit kapa rin" pinunas niya sa akin ang bimpo na nasa noo ko kanina.

"Kuya. Wala kabang pasok?"

"Meron"

"Bakit ka nandito?"

"Malamang! Wala namang mag-aalaga sa iyo. I don't want to see you struggling alone. As long as I'm here, I'll take care of you"

"That's so sweet, Big Bruh! I love you!"

"Ahhh, I love you so much!" ginulo niya ang buhok ko.

Gaya nang ginawa ni Iza, pinaghanda niya ako nang tanghalian. Sabay kaming kumain dahil ipinasok na rin niya sa kwarto ko ang food niya.

"Luto mo?" masarap kasi, si Kuya Herron naman sa tuwing nagluluto siya sasakit tiyan mo. Kundi maalat, masyadong matamis, tapos minsan wala namang lasa.

"Why? Hindi pa rin ba masarap?" ngumuso siya.

"Tell me, did you cooked it?"

"Yeah..." walang gana niyang sambit.

"Wow!" I exclaimed

"Is it delicious?"

"Of course! Very delicious!" pagpuri ko.

"Salamat naman, kumain kana para makainom ka na nang gamot"

Nang matapos ko nang inumin ang gamot, naisipan kong magbukas nang Messenger.

Marami ang nagchachat sa akin, halos lalaki na nagpapakilala ganun. Pero pinindot ko lang is yung kay Iza.

Izabele: Lori, 2pm ang labas namin. Wala kasi tayong last subject. You're blessed because wala namang ginawa, pinagusapan lang ulit ang Social Experiment. Free time ngayon.

Faustina: Really? I'm so blessed. How about the other class?

Izabele: May pinaguusapan. Yung Mr and Mrs. MU

Faustina: May pumipili na ba? Bakit hindi ka sumali?

Izabele: Gagad ka te? Sa December pa un. Pinaghahandaan lang.

Faustina: So? Edi sumali ka!

Izabele: Bakit hindi nalang ikaw? Mas bagay ka dun tapos habulin ka nang boys kaya May audience impact

Faustina: Loka! HAHAHA

Izabele: Babalik ako diyan. May bibisita din sa iyo. Bye.

Faustina: Who is it?
Faustina: Sino??
Faustina: Who the hell is it?
Faustina: Bwiset ka, Izabele!

TILL FATE DO US PART (Fate Series #1)Where stories live. Discover now